#FPKahitLasonKa
Sa isang taon kong pagtatrabaho sa kanila ay nasanay na rin ako hindi lang sa trabaho kung hindi sa kanila rin. Parang ayaw ko na lang umalis dito, ang totoo nga niyan ay para na akong permanente sa business at naging parte na ako nila dahil sa galing at sipag ko raw.
Successful na ako at sulit na ang mga pinaghirapan ko, okay naman din ang kita ko rito pero parang may kulang pa rin sa akin.
"Masyado ka na yatang babad sa trabaho, Timothy," sabad sa akin ni Rydan nung matapos kong ayusin 'yung pinapa-repair sa aking cellphone.
"Hindi naman... Kaya ko naman ito, nakaka-enjoy nga eh," natatawa kong sabi at saka ko kinuha ang isang sirang cellphone para ayusin naman ito.
"Sasama ka ba mamaya sa bahay nina Hailey? Invited ka ha!"
Napangiti ako nung maalala kong birthday pala ni Hailey. "Of course, sasama ako!"
"Sige, sabay-sabay na lang tayo," aniya.
Sinimulan ko na ang pag-aayos muli ng cellphone na kailangang i-repair. Focus lang naman ako sa trabaho ko hanggang sa uwian na naman. Gabi kasi ise-celebrate sa bahay nina Kuya Hiroshi ang birthday ni Hailey.
Sa kotse kami ni Rydan sumakay. Nasa tabi ako ni Rydan, may van kasi na inarkila kanina pagkalabas ng building kaso ako na isa ay hindi na nagkasya sa kanila... Puno na kaya naman sa kotse ni Rydan na lang ako sumakay.
Pagkarating dito sa bahay nina Kuya Hiroshi ay pumasok na kami kaagad ng gate sa pag-guide ni Rydan. Dito kasi rin siya nakatira, magkasama sila ni Kuya Hiroshi. Malaki itong bahay nila at may malawak na bakante pa.
"Happy birthday, Hailey!" Bati nung ibang kasama namin pagkapasok ng iilan sa amin sa loob ng bahay.
"Sige na, roon muna ako kay Hiroshi," paalam sa akin ni Rydan at saka na siya umalis sa tabi ko. Ako naman ay tumabi na lang kay Daryl na mas naging ka-close ko sa trabaho.
"Thank you, guys!" Pagpapasalamat ni Hailey at saka ito napatingin sa akin tapos ngumiti.
"H-Happy birthday, Hailey," bati ko sabay bigay ng maliit na box na regalo ko sa kanya. Kwintas para sa kanya at okay na 'yon.
"Thanks, Timothy! Ang gara naman ng bigay mo."
"Syempre, may-ari ka eh," natatawa kong sabi sa kanya.
Mula kasi nung magkausap kami tungkol sa ex naming dalawa ay mas naging close na rin kami. Minsan lang siya magpunta sa building dahil nagtatrabaho rin siya sa isang kumpanya at may posisyon siya roon kaya ang umaasikaso lang halos sa workplace namin ay sina Kuya Hiroshi at Rydan.
"Talaga lang, huh! Thank you rito, ha. Upo na kayo sa sofa."
BINABASA MO ANG
Floral Pathway
RomanceThe life story of Nielven Timothy Serato is full of plot twists. That's why, because of the events in his life, he will take a lot of pathways in his life. 'PLAGIARISM IS A CRIME, MAKE YOUR 'OWN' STORY!'