Kabanata 16

46 2 0
                                    


#FPSukdulan


"What happened?!"


Napalingon kaming lahat kay Ate Sarah habang hawak niya ang kanyang tiyan, inaalalayan. Nandito kami sa hospital lahat at nag-aantay lang sa results para kay Kuya Raiko. Si Liven naman ay umiiyak pa rin at iniiwasan ako.


Sa pagkakataong 'yon ay lumabas na ang Doctor.


"Don't worry, the patient needs to be confined for one week.. Okay naman siya, pero kailangan lang namin siyang mas maagapan. And we'll transfer the patient sa maayos na kwarto. Thank you." Sabi 'yon ng Doctor sa amin bago siya umalis.


Napahinga kami ng maluwag rito at nagpapasalamat kaming lahat na okay ang lagay ni Kuya Raiko. Kinabahan ako bigla nung tignan nila kami ni Liven.


"Ano ba talaga ang nangyari? Hindi niyo sinabi sa amin hanggang sa dinala na siya rito sa ER," seryosong tanong ni Caroline.


Nagkatinginan kami ni Liven ngunit kaagad siyang napaiwas sa akin tapos tinignan niya ang kanyang pamilya habang ako ay nakayuko lang. Ang Mama naman nila ay kinakalma si Ate Sarah.


"Aksidente ang nangyari," mahinahong sambit ni Liven. Napahawak ako sa braso niya upang pigilan siya ngunit inalis lang niya iyon nang mariin.


"Paanong aksidente?!" tanong ng Mama nila.


"Naitulak ko po."


Nangibabaw ang hagulhol ni Ate Sarah dahil sa sinabi ni Liven. "Ano?! Bakit mo nagawa 'yon Liven?! Ang sama mo!" sigaw sa kanya ni Ate Sarah.


Tumayo si Liven doon saka siya tumingin sa akin nang mariin saglit. "Alam niyo ba kung bakit ko nagawa 'yon? Dahil dito..." Itinuro niya ako. "Nakita kong naghahalikan sila ni Kuya Raiko!"


Napatakip sa bibig ang Mama nila habang ang Papa nila ay napahawak sa noo. Gulat namang tumingin sa akin si Caroline at si Ate Sarah naman ay nagtataka.


"H-Hindi namin 'yon sinasadya," nakayuko kong sabi.


"Tama na, Timothy! Ginusto mo 'yon kasi may pagmamahal ka pa rin sa Kuya ko!" sigaw ni Liven sa akin.


"Liven naman, aaminin kong hindi ko napigilan pero hindi ko siya mahal. Hindi ko siya minahal!" pakikipagtalo ko kay Liven ngunit hindi niya ako pinapakinggan.


"Tangina mo, Timothy! Tama na! Ayoko na! Itigil na natin 'to!" Biglang umalis si Liven kaya kaagad ko siyang hinawakan sa kanyang braso. "Bitawan mo 'ko!"


"Liven. Huwag namang ganito, oh... Pag-usapan natin 'to!" pakiusap ko kahit nahihirapan na akong magsalita.


"Hindi ko alam! Hindi ko na alam kung magtitiwala ako sa 'yo! Mula kasi nung malaman ko ang totoo mong dahilan kaya hindi mo sinasabi sa lahat na tayo na at mula nang makita ko kayo ng kapatid ko na naghahalikan... h-hindi ko na alam kung ano'ng dapat kong maramdaman para sa 'yo!" Malakas akong binitawan ni Liven at saka na siya naglakad palayo.

Floral PathwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon