Kabanata 14

44 2 0
                                    


#FPRevelations


"Naging halos sila noon ni Timothy."


Sinabi na ni Caroline ang totoo kay Liven ang tungkol sa aming dalawa ni Kuya Raiko. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ikwento sa kay Liven ang tungkol sa amin ni Kuya Raiko. Now, magkausap kami ni Liven sa sofa.


"Hindi ako papasok."


"Bakit naman? Pumasok ka dapat!"


"Wala akong gana."


Inirapan ko siya. "Umayos ka nga, babe!"


"Baka kasi magpunta si Kuya rito. Malalaman na niya 'yung katotohanan, 'di ba? Na tayong dalawa. Matulog ka na, magbabantay na lang ako rito sa sala. Dito rin ako matutulog kapag inantok."


I sighed. "Babe naman, pumasok ka na kasi."


"Please, hayaan mo na. Isang araw lang," pakiusap pa niya.


Wala na akong nagawa kung hindi siya papasok. Basta sinabihan ko na siya, bahala siya. At saka naikwento ko naman na sa kanya ang tungkol sa amin ni Kuya Raiko noon kaya bahala na siya kung magagalit siya. Basta siya ang mahal ko, si Kuya Raiko naman ay hindi ko talagang minahal, nagustuhan ko lang siya at nawala lang 'yon noong naging sila ni Ate Sarah.


Day off ko bukas kaya pumasok ako sa trabaho before mag-10 PM. Okay na naman kami ni Liven kaya wala na akong dapat ipag-alala pa, umuwi na rin siya nung pagkagising ko kanina. Kaso nung maglalakad na sana ako pagkabukas ng elevator ay nag-ring ang phone ko.


"Oy, Ate?"


[Timothy... Pupunta ako riyan bukas ah.]


"Bakit naman?" Kinabahan na ako.


[Gusto kong makita ang boyfriend mo at para na rin makapag-usap tayo. Nalaman ko kay Caroline na may boyfriend ka na at si Liven pa.]


Kusang napaluha ang mata ko. Sa tono kasi ng pananalita ni Ate ay parang ayaw niya kay Liven. Hindi na ako nakaangal pa kaya sinabi kong 'sige' na lang sabay baba na ng tawag.


Hindi ko magawang magalit kay Caroline kasi deserve naman nilang malaman. Baka nga alam na rin ng magulang nina Liven. Natatakot kasi akong malaman ni Kuya Raiko eh.


Actually, noon ay para kaming may secret affair ni Kuya Raiko. Kahit kasi may jowa na siya ay nagkaka-chat pa rin kami pero paminsan-minsan lang. Nagkakalandian kami, pero wala na 'yung feelings na para akong patay na patay sa kanya dahil panglibugan na lang kumbaga. Hindi ko rin siya mapigilan eh, malamang nagustuhan ko siya at may nangyari na sa amin. Kasalanan ko ba 'yon? Siya rin naman kasi ang nanlalandi sa akin eh tapos nagsesend pa siya ng mga nude pictures niya. Hanggang chat lang naman kami kaya nga kung minsan kapag nagkikita kami nang kaming dalawa lang ay coincidence sa daan na lang.

Floral PathwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon