SD: WTD 1

359 13 0
                                    

I dedicate this chapter to xHayzelnut thank you for the awesome book cover! Happy new year!

"Nay! May dala po akong pagkain.", sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa aming mumunting tahanan. Hindi kami mayaman. Ang tatay naman ay laging nasa sugalan minsan na nga lang kung umuwi ay manghihingi pa ng pera upang may maipangsugal. Ang nanay naman ay may sakit sa puso kaya ako na lang ang kumakayod para sa aming tatlo.

Nag-aaral ako sa pampublikong paaralan sa umaga at nagtatrabaho sa karinderya ni Aling Rosa pagkatapos nang aking pasok. 7:00 am to 4:30 pm ang pasok ko kaya pag-uwi ko galing paaralan ay diretso na ako sa karinderya pag wala masyadong tao ay doon na rin ako nagawa ng takdang-aralin. Pag may group project ay gabi na ako nakakapasok sa karinderya. Tatlong oras lagi ang trabaho ko kaya 7:30 pm ay pauwi pa lamang ako.

Nagtaka ako nung wala pa ring sumasagot kaya tinawag ko ulit si nanay, "Nanay?", tawag ko muli rito. Ngunit wala pa ring nasagot.

Pumunta ako sa kwarto namin nila Nanay matapos kong ilapag at ihain ang dala kong pagkain at sinilip siya. Para naman akong nabunutan ng tinik ng makitang taimtim siyang natutulog.

Ginising ko si nanay dahil kailangan niyang kumain at uminom ng gamot. "Nanay.. Gising na po. Kailangan niyo na pong kumain at iinom pa po kayo ng gamot.", sabi ko at mahina siyang tinapik sa balikat.

Nagising naman agad si Nanay at umupo sa kanyang higaan at tumayo rin kaya agad ko siyang inalalayan.

"Kamusta po kayo nanay?", magalang na tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at naupo na tska nagsalit, "Maayos naman ako. Ikaw kamusta? Mukhang pagod na pagod ka ah? Pasensya ka na anak kung wala akong maitulong sa'yo. Mahina na ang nanay mo. Baka nga bukas makalawa wala na ako."

"Nanay h'wag po kayong magsalita ng ganyan. Hindi po yun mangyayari dahil hindi ko hahayaan. Maayos naman po ako nay.. Opo pagod nga po ako ng konti dahil andaming tao sa karinderya. May mga gamot ka pa po ba dyan?", tanong ko ng nakangiti upang di mag-alala si nanay.

Nagsimula na si nanay na kumain. Tapos na ko kumain kanina sa karinderya. Mabait si Aling Rosa nasa kalapit bahay lang ang kanyang karinderya. 500 lagi ang suweldo ko sa kanya kada-araw. Wala siyang anak at mabenta ang kanyang karinderya. Siya rin ang nagpapakain kay nanay pag wala ako. Kaya malaki talaga ang utang na loob ko sa kanya at sa asawa niya.

"Meron pa naman, anak. Kakayanin pa yun hanggang sa makalawa.", sagot ni nanay matapos lunukin ang kinain niya.

Tumango na lang ako at nag-isip ng pedeng gawin bukas matapos ko maglinis ng bahay. Sarado ang karinderya bukas dahil a-attend sila Aling Rosa sa kasal ng kanyang bunsong kapatid. Kaya isang libo ang suweldo niya sa akin ngayon. Malaki na rin ang ipon ko dahil kay Aling Rosa.

Tumikhim si nanay kaya napunta sa kanya ang atensyon ko, "Siya nga pala, anak. May pumunta dito kaninang tanghali. Pinapaabot ito sa iyo.", sabi ni nanay at tumayo at may kinuha sa kabinet malapit sa pinto ng kwarto.

"Ano po ito nanay?", magalang na tanong ko matapos makuha ang isang sulat na nasa mamahaling sobre.

"Hindi ko rin alam, anak..", uminom muna ng gamot si nanay at itinuloy ang pagsasalita, "..basta ang sabi nung mga lalaki ay liham para sa iyo iyan.. O siya sige, magpapahinga na ulit ako.", binitawan ko muna ang sobre at inalalayan si nanay pahiga sa kanyang kutson.

"Magandang gabi anak. Matulog ka na rin.", ipinikit na ni nanay ang kanyang mga mata kaya bumalik na ako sa kusina. Bago ako tumulong sa karinderya ay nagpapalit muna ako ng damit dito sa bahay at inilalapag ang aking gamit sa eskuwelahan dahl malapit lamang ito.

LUNA: Queen of Gangsters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon