Paki-vote.. Please
Ashantel Riela's POV
It has been 2 years...
Bakit ba kasi kita iniwan...
Dahil sa pangarap kong maging
SINGER...
Pinapatay na ako ng konsensiya ko...
Why did I leave you?
Ang tanga-tanga ko...
Hindi ko namalayang mahal na pala kita...
Babalik ako Adrian...
flashback
2 years ago...
"Yey Adrian, na-submit na namin ang admission letter sa pagiging child singer ko sa Canada!" sabi ko kay Adrian. It was really my dream sa pagiging isang sikat na singer. Kaya ayun, unti-unti ng tumutupad. Napag-desisyunan ko kasing mag audition na maging The Star of Canada. At ayun, sinubmit ko na ang admission letter para mag-audition. Hihintayin ko nalang yung reply.
"A-ah okay, sana matanggap ka." sagot niya ng matamlay ang boses niya.
"Naku Adrian, don't worry, babalik naman ako saiyo sakaling matanggap ako." sabi ko. Nandito kami ngayon ni Adrian sa ilalim ng puno na tambayan namin. Grade 6 pa lamang kami. At si Adrian? Siya lang naman ang pinakamahal kong bestfriend.
"A-ah s-sige." sagot niya na matamlay parin. Bi-nack hug ko siya at ki-niss sa cheeks. Walang malisya, bestfriend lamang. 8 years na po, kaya wag kayong magtaka.
"Adrian, don't worry okay? Uso na kaya ang skype o facebook. At hindi pa naman sigurado na matanggap ako dun. Kaya huwag kang mag-alala. O, akala ko matapang ka bestfriend? Bakit ka umiiyak?" ngayon ko lang siyang nakitang matamlay. Bully yan sa school pero ba't siya umiiyak?
Humarap siya saakin and he cupped my face. "Ashantel no matter what happens, don't leave me okay? I don't know what to do if you're not here." nakita ko ang sincerity sa mga mata niya. He's weak. Kahit ako nalilito kung anong pipiliin ko sakali mang matanggap ako.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at then I caressed his hair. "I'll try Adrian, pero sakaling mabuo na ang desisyon ko, sana tanggapin mo lang. I love you, bestfriend." sabi ko sakanya at hi-nug ko siya. Mahal ko talaga siya pero hindi niya alam, higit pa bilang kaibigan.
He hugged me back then replied. "I love you too. Always and Forever...My Angel." he then kissed my forehead. Kahit Grade 6 pa lamang kami. Natuto na akong mahalin siya bilang kaibigan at mas higit pa dun. Hindi ko siya kayang iwan pero paano na pag natanggap ako?
Napatingin ako sa relo ko. "Adrian, 6:00 pm na." napatayo naman kaming dalawa. "I'll take you home. I'll just call my driver." at ayun, tinawagan na niya yung driver niya at binuhat yung bag ko.
Minutes later, dumating na yung sasakyan niya. Pumunta na kami palapit dun at pinagbuksan niya ako.
Haaay, sana matanggap ako dun at sana hindi ako matanggap. Hay ewan!!
-----
2 days na ang nakalipas since nangyari yung sa ilalim ng puno. Oo, 2 days dahil may Saturday at Sunday. At syempre dahil monday ngayon, nag-bake ako ng cookies. Favorite kasi yun ng maangas kong bestfriend. Certified bully yan sa school. Target pa niyan yung mga kawawang students. Kinder pa lamang kami nung nagsimula na siyang mag-bully. Namatay kasi yung kapatid niya dahil na tuklaw ng Ahas. At sinisisi nya pa yung sarili niya dahil siya ang kasama ng kapatid niya nung nangyari yun.
Okay, enough of that. Atleast ngayon naka move-on na siya diba? Dahil nakilala niya ako. At baka yun ang dahilan kung bakit ayaw niya akong pakawalan.
BINABASA MO ANG
Rivals before Lovers
Teen FictionFATE... HATRED... LOVE... SUCEED... CONFESSION... and MUSIC... Will FATE do everything to bring them closer? HATRED, may that be the reason of their conciousness? Will LOVE be the strongest armor to face your Fears bravely? Will they SUCEED in every...