Sasha Christine's POV
Ako po si Sasha Christine Yuson. 8 years old. Pinagbigyan lang po ako ng oras para makilala niyo ako.
Ulila.... Ampon.... Pabaya....
Yan ang mga tukso na aking natanggap simula pa nung tumira ako dito.
Sa isang pamilya na may 12 anak, 1 ina na palaging sinusugal ang pera,at 1 ama na tinatagay ang pera. Dito sa pamilyang ito, dito ako lumaki at hindi manlang naranasan mag-aral at magsaya.
Kaya dito ako palagi umuupo sa gilid ng kalsada. Tinitingnan ang mga tao o pamilyang buo na dumadaan. At isa lamang ang aking pinaghuhugutan, ang aking Bracelet. Simula kasi nung bata pa ako, nandito na ito sa kamay ko. Ni hindi matanggal at hindi makukuha ng iba.
Oo, tanggap ko. Ang maging ampon at batang palaboy. Kahit hindi ako totoong anak, meron naman akong tinuturi na Ate, si Ate Dianne. Hindi niya ako pinapabayaan kundi minamahal niya ako.
Pero ngayon, nandito ako kasama ang aking bespren na si Dasty. Siya ang palagi kong kasama kapag nangangalakal ako.
"Bespren, sino ba yung magandang babae na nakita mo nung isang araw?" tanong ni Dasty. Oo, pinag-uusapan namin si Ateng Maganda. Magkapareho rin pala kami ng bracelet nun.
"Ewan ko bespren, hindi ko rin kilala. Pero, pareho kami ng bracelet." ngumiti ako.
"Ahh. Saan ba kayo nagkatagpo?" tanong naman ni Dasty. Kahit kailan, tsismoso yan.
"Sa-----."
*flashback*
Dito ako ngayon umuupo sa gilid ng kalsada. Tinitingnan ang mga tao at mag-pamilya na naglalakad. Minsan nga iniisip ko kung bakit ako napunta dito.
Habang linalaro ko ang mga kamay ko, nakita ko ang isang babae na bagong labas lang sa isang ano yun? Sa pinagbibilhan ng kape.
Nakatingin lang siya saakin kaya napangiti ako. Ang ganda-ganda niya talaga. At pareho kami ng mga mata.
"Hello." binati niya ako kaya napangiti ako. Akala ko nga lahat ng mayayaman ay masungit pero ang bait-bait niya. At nakikita ko iyon sa mga mata niya.
"Hello din po Ate." binati ko rin siya pabalik.
"Anong pangalan mo?" tanong ng magandang Ate at umupo sa gilid ko. Madumi itong inuupuan ko pero hindi siya nagreklamo.
"Sasha Christine Yuson po." sagot ko. Sabi nga daw ni Ate Dianne. Ito po yung totoo kong pangalan.
Napatingin naman si Magandang Ate sa bracelet ko kaya napatingin naman ako sa bracelet niya, pareho kami. "Sasha, saan mo pala nakuha yan?" tinuro niya yung bracelet ko.
"Ah Eto po? Sa m----." hindi ko pa napatapos yung sasabihin ko dahil biglang dumating si Nanay na nagyo-yosi.
"Ikaw bata ka!! Kung saan-saan ka pumupunta. Halika dito!!" hinila ako ni Nanay palayo pero nakita ko si Ate na tumayo na. Gustong-gusto ko sana siya yakapin. Pero wala na.
--------
"Grabe naman pala." sabi ni Dasty. Ang sarap ng hangin dito.
Biglang may huminto na Van sa harap namin. At may lumabas na mag-asawa. Mukha silang mayayaman.
Pero bakit sila lumalapit saakin?
"Magandang umaga po. Ano pong gagawin niyo dito?" tanong ni Dasty. Nakita ko ang magandang babae na umiiyak habang tinitingnan yung bracelet ko.
Hinawakan niya yung mukha ko. "A-anak." dun nabigla ako. Napahigpit yung hawak ko kay Dasty. Siya ba ang Nanay ko.
"Hindi niyo po siya Anak. Anak po siya ni Aling Linda." sagot ni Dasty at hinawakan niya yung kamay ko.
"Kami ang mga magulang mo. Binigay na ng Nanay Linda mo yung mga gamit mo." napatulo na rin yung luha ko. Pinamimigay lang pala nila ako? Nabitawan ko tuloy ang hinahawakan kong plastic na puno ng bote.
Yinakap ko si Dasty at nagpaalam. Oo, alam kong ganun kadali. Pero, sa lahat ng ayaw ko ay ang pinamimigay lang ako.
"Sasha!!!" nakita kong umiiyak si Dasty. Pero, matagal ko na ring gusto makasama yung totoong mga magulang ko.
Pumasok na ako sa Van at umupo na dun, bigla rin kaming tumigil sa harap ng isang malaking eskwelahan at nakita ko si Magandang Ate na umuupo sa daan.
"Ate mo." tinuro ng Magandang babae si Magandang Ate, kaya lumabas ako ng Van at tumakbo palapit sakanya.
"Atteee!!"
_______
BINABASA MO ANG
Rivals before Lovers
Teen FictionFATE... HATRED... LOVE... SUCEED... CONFESSION... and MUSIC... Will FATE do everything to bring them closer? HATRED, may that be the reason of their conciousness? Will LOVE be the strongest armor to face your Fears bravely? Will they SUCEED in every...