Hahanapin Kita
By BinibiningMiakaSIMULA
"Nak, ayos na ba lahat ng mga dadalhin mo?" Tanong ni Mama habang inaayos ko ang panghuling damit na ilalagay ko sa travelling bag ko.
Napagdesisyunan kong mag-aral ng kolehiyo sa Laguna sa kursong BSCE na gusto ko talagang kunin. Civil engineering rin kasi ang kinuha ni Papa noong nagkolehiyo siya kaya gusto ko rin sumunod sa kanyang yapak.
"Opo Ma." Maikling sagot ko habang nilalagay ang plantsadong uniporme ko na gagamitin ko doon.
"Maraming salamat rin po sa tulong niyo, kahit na alam kong pagod na po kayo." Dagdag ko habang hinihimas ang sumasakit kong batok. Dapat kasi kanina ko pa 'to ginawa! Hindi yung nagkukumahog akong mag-impake ngayon. Kinulit na naman kasi ako ng unggoy kong kaibigan. Uuwi na sana ako ng maaga para gawin 'to pero inuto na naman ako ng gunggong. Tsss.
"Walang anuman anak."Ngumiti si Mama at binalot ako ng yakap.
"Matulog ka ng maayos ha.Maaga ka pa bukas." Tumango lang ako at hinalikan niya ang noo ko. Tinignan muna ako ni Mama bago umalis sa kwarto ko. I locked the door and I go directly to the CR so that I can already take a bath at para makapagpahinga na rin ako.
Mabilis akong natapos maligo. Lumabas ako sa banyo ng nakaputing boxers lang at pinupunasan ang buhok ko ng tuwalya habang nakaupo sa kama. Sanay akong matulog ng nakaboxers o kaya'y shorts lang dahil lagi akong naiinitan kapag matutulog na ako. Wala kasing aircon sa kwarto ko and I don't mind kung wala.
Pagkatapos kong punasan ang buhok ko, tinapon ko lang ang tuwalya sa upuan malapit sa kama ko dahil tinatamad na akong tumayo at gusto ko na lang humiga. Panandalian akong pumikit at pagdilat ko, I rubbed my temple at humugot ng hininga. Napagod ako ngayong buong araw.Sa wakas at nakahiga na ako habang iniisip ang lahat ng nangyari ngayon.
Napagod ako sa pangungulit sa'kin ng kaibigan ko. Galing ako sa Think Avenue kanina at doon nagdaos ng party. Isang resto and bar 'yon at inimbitahan ko lang ang mga malalapit na kaibigan ko at aking mga kapamilya.
Dumating kanina ang unggoy kong kaibigan na si Luis. Siyempre, hindi naman 'yon mawawala. At as usual, may kasama na naming mga pulutong ng mga kababaihan. Aniya, pormahan ko raw yung isa sa mga babaeng kasama niya. Agad akong tumanggi nang makita ang babaeng kanyang tinutukoy. Tumanggi ako dahil kitang-kita na ang kanyang kaluluwa at kapag yumuko, makikita na ang panty niya.
Mukhang nagkaroon na yata tayo ng shortage ng tela rito sa Pilipinas dahil sa iksi ng suot niyang damit. I don't really like those kinds of girls. If you're thinking that I'm a gay, hell no. Sadyang 'good boy' lang talaga ako.
Game na game yung babaeng yun na ipakita ang mga bagay na dapat itago ng isang babae. Matagal akong kinulit ni Luis na lapitan ko aniya ang babae kahit na yung babae na mismo ang lumalapit sa akin. Napapikit ako ng mariin nang nag grind sa akin 'yong babae. Talagang diniin niya pa ang kanyang likod sa akin at parang nabuhay yata ang alaga do'n. Dammit. Baka hindi ako makapagpigil nito! Dikit ng dikit sa'kin yung babae at parang linta kung makadikit! Wala akong choice kundi itulak siya dahil naiirita na talaga ako at sabayan mo pa ng ekspresyong nakapandidiri. Kinindatan ako nung babae at narinig ko ang halakhak ni Luis na nasa tabi ko nap ala. Tinapunan ko siya ng matali at gaya nga nong lintang babae, hindi natinag at aamba pang hahawakan ang braso ko, kung hindi siya pinigilan ni Luis.
"Hey babe..." Ani Luis at pinadausdos ang kanyang braso sa baywang ng babae. Parang isang mahiwagang salita ang binaggit ni Luis dahil napasunod nito ang babae. May binulong siya rito at humagikhik pa yung babae ngunit hindi ko na 'to narinig dahil dumiretso na ako sa isang stool sa counter. Wala akong pake alam kung anong sabihin sa kanya ng unggoy, ang importante ay nakatakas na ako sa babaeng lintang 'yon. Damn.
BINABASA MO ANG
The Love Shots
Short Story"Nasasa'yo man siya, nasa akin pa rin puso niya. Mahal ka man niya ngayon, nakatatak naman ako sa puso niya. Ikaw man ang huli, ako pa rin ang una."