Bakit?
By BinibiningMiakaSIMULA
Araw-araw pa rin akong nasasaktan. Wala na ba itong katapusan? Halos mamanhid na ako sa sakit na aking nararamdaman tuwing nasasaktan ako sa mga alaalang iniwan niya sa akin at ang insidenteng hindi ko pa rin matanggap-tanggap ang nangyari.
Mahirap.
It was hard, letting him go.
Tuwang-tuwa ako no'n nang malaman kong ang taong noon pa man din ay mahal ko na ay mahal na ako ngayon. The feeling now is mutual. Nagtiyaga akong maghintay na mahalin niya rin ako pabalik at laking tuwa ko nang matupad nga iyon. Naluluha ako sa tuwa, kasabay nito ang sakit na dulot kapag tuwing naaalala ko ang lahat; kung saan kami unang nagsimula at nagtapos.
Tuwa dahil mahal niya na ako ngayon at lahat ng mga effort ko ay hindi nasayang. Sakit, dahil ang lahat ng mga alaalang ginawa namin ay pawang mga kasinungalingan lamang. Kasinungaling hindi ko inaaasahan na babalot sa relasyon namin.
Inakala ko nung una ay once na maenggage ka sa isang relationship ay magiging maayos at maganda ito. Parang fairy tale. Happy ending. Iyon naman ang lagi nating iniisip. I didn't know. I didn't have any idea kasi ito ang unang beses na nagmahal ako and at the same time, nasaktan. Sumabay ako sa agos ng buhay. Yung fairy tale na madalas paniwalaan ng maraming kababaihan ay isang kasinungalingan lamang. Sa mundong ating ginagalawan ay hindi lahat masasaya. Naiisip nating masaya, kasi iyon ang nakikita ng ating mga mata, pero hindi natin alam na sa likod pala no'n ay may nakatago pa pala. Hindi natin nakikita kasi nabulagan tayo sa katotohanan. Hindi lahat ng relasyon ay may happy ending.
Walang perpektong relasyon. Iyon ang tumatak sa puso't-isipan ko. Isa rin kaming dalawa na sinubok ng talaga ng tadhana and yet, nanatili pa rin kaming matatag, noon. Hindi ko alam kung paano at bakit humantong sa hiwalayan ang relasyon naming dalawa. Nagkaroon ng maraming katanungan ang isipan ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito masagot-sagot. Masaklap ang nangyari sa aming dalawa. It was hard, real hard.
Tuwing naaalala ko ang lahat ng mga nangyari sa amin, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at maghangad na sana ay matapos na 'tong paghihirap ko. Hindi ako lumabas sa kwarto ko ng ilang araw at nagsimula ng mag-alala ang mga magulang ko sa'kin no'n. Hindi rin ako nakakain ng maayos at dumating yung puntong sinubukan kong kumain pero idinuwal ko lang ito. Nakaramdam ako no'n ng takot, takot na baka mapano ako. Ngunit sa awa ng Diyos, hindi na ulit nangyari iyon.
Gusto kong magmura ng paulit-ulit para lang mailabas ang mga hinanakit at saloobin ko. gusto ko siyang saktan at iparamdam sa kanya ang lahat ng sakit na pinaparamdam niya sa akin ngunit sa tuwing nakikita ko siya ay nanghihina ako, nawawalan ng lakas. He's my foible. Paulit-ulit lang bumabalik ang sakit at pighati na naranasan ko noon. I just want this to stop. Wala pa rin pinagkaiba. Hindi ko pa rin talaga makalimutan. Masakit. Mahapdi. Hindi ko alam kung hihilom pa ba ito o may makakahilom pa ba ng sugat na idinulot niya sa akin, na dinala ng aming relasyon, na idinulot ng mapait na nakaraan. Kung meron mang pagkakataon, hindi ko muna ito papansinin. Hahayaan ko muna. Hihintayin ko munang humilom ang sugat ko.
Noong minahal ko siya, sa kanya ko naramdaman ang lahat. Unang pagtibok ng puso ko para sa isang tao, ang mga paruparong lumilipad-lipad sa tiyan ko tuwing magkasama kami, yung pakiramdam na magkaholding hands kapag naglalakad, yung pakiramdam na pinapasuot niya sa'kin yung mga shirt niya, yung pakiramdam na basta-basta niya na lang akong yayakapin at sasabihang, "Mahal kita" sa text, tawag at sa personal man. Yung pakiramdam na kakantahan ka niya, makatulog ka lang. Yung feeling na hindi siya napapagod na gawin ang lahat ng 'yon sa akin. Nakakatuwa. He's the close to perfection boyfriend, indeed. Wala na akong mahihiling pang iba.
BINABASA MO ANG
The Love Shots
Short Story"Nasasa'yo man siya, nasa akin pa rin puso niya. Mahal ka man niya ngayon, nakatatak naman ako sa puso niya. Ikaw man ang huli, ako pa rin ang una."