Damn you, Crush!
By BinibiningMiaka
Uy Ange, HAHAHAHAHA!
SIMULA
Halos lumuwa ang mga mata ko sa eye sockets nito nang nagrefresh ako ng aking Instagram account nang makita ang bagong post ni CRUSH! Gusto kong basagin ang screen ng cell phone ko at ihampas ito sa pader sa larawang aking nakita.
Isang babaeng nakasuot ng tight dress na maiksi na paniguradong pagyumuko ay makikitaan na. Ang disenyo ng kanyang dress ay animal print. Animal... parang SIYA! Animal... Isang animal! HAHAHAHA! Punye**! Nakakaimbyerna ang babaeng ito a! Hanep! ANG LANDI! KUNG MAKAHALIK SA CRUSH KO, WAGAS! Hmp! Kaaaasar! Sarap ngudnguran ng gatas ang mukha! Avon lang ang peg? Lul.
Nakasikop ang kanyang mahaba at straight na buhok sa kanyang kanang balikat kaya litaw na litaw ang morena nitong likod. Hindi ko mapigilang ngumiw-ngiwi ng paulit-ulit na tiningnan ang kanilang posiyon.
Si crush na nakahawak sa kanyang mamahaling phone na parang nagseselfie at nakakunot ang noo at nakahalik sa kanang pisngi niya ang bwiset na babae. Ang kapal ng mukha ng babaeng iyon na halikan ng basta-basta ang crush ko ng ganon tapos si crush naman, pumayag! Hindi man lang tumanggi! Huhuhu! Masakit bhe!
Damn! Sobrang saket! Masaket makitang may humalik sa crush mo kahit na wala naman kayong relasyon. Pero masaket talaga e! Crush na nga lang ang tanging nagpapaligaya sa aming mga single tapos magiging ganito pa ang kahihinatnan ng aming "crushlife?" Nasaan ang hustisya? Damn! Huhuhuhu.
Paniguradong ang saya-saya na ng hinay*pak na babaeng iyon! Alam kong marami talagang babae ang nagkakagusto sa crush ko, kaya most probably marami din ang nagkakagusto sa kanya. Pero sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Gwapo, matangkad, malakas ang sex appeal, astig ang estilo ng buhok na parang tinalbog pa si Astroboy sa bongga nito, may itim na hikaw sa magkabilang tainga niya, matangos ang ilong, damn that red lips!, magaling mag gitara, Moreno, sobrang gwapo kapag nakakunot ang noo at higit sa lahat, may 6 pack abs ang lolo niyo! Oh Lord, patawarin Niyo po sana ako sa mga pinag iisip ko ngayon. Hindi kop o intensiyong pagnasaan ang isang tulad niyang nilalang.
But daaaaaaaamn, masisisi niyo ba ako kung nasa kanya na ang lahat ng gusto ko? He got everything that I want sa isang guy.
Juan Carlos Coronado, is my everything.
Maswerte talaga ako kasi classmate ko siya. Buong babae sa klase namin ay kinahuhumalingan siya. Siyempre! Isa siyang hulog ng langit sa amin! Ay mali! Sa akin lang pala. Hehe. J At ang isa pang maswerte sa akin ay... close kami ni crush. Hihihi. Lagi kaming magkatabi sa klase at kapag wala ang teacher, lagi siyang kwento ng kwento ng kung ano-anong bagay. Siya yung tipo ng lalaki na kung anong unang pumasok sa isipan niya ay sasabihin niya. Mahilig siyang magjoke kahit na... sige na nga! Aaminin ko na, corny ang mga jokes niya minsan. Ngunit dahil crush ko siya, iniinda ko na lang iyon at tumatawa na lang ako kasama niya. At dahil sa bonding moment naming iyon, naging isa iyon sa mga bagay kung bakit ko kinahumalingan si Carlos.
Iyon nga lang, hindi lang naman ako nagkakandarapa sa kanya. Madami, madaming babae. May edad man o wala. Mahirap man o mayaman, siya ang bukambibig ng bayan. Handa silang isugal ang kanilang pride malandi at mapansin lang sila ni Carlos. They are desperate for him. They want to worship my Carlos' ass but I want to worship Carlos' lips. Damn!
Gusto ko sana silang lahat na pagsabihan ng, "Fck off guys! This guy is mine!" pero alam ko sa sarili kong hindi ko iyon kayang ipagsigawan sa kanilang lahat. Baka kapag nalaman ni crush, layuan pa ako at masira pa an gaming friendship. Ayoko ng ganon! Huhu.
BINABASA MO ANG
The Love Shots
Short Story"Nasasa'yo man siya, nasa akin pa rin puso niya. Mahal ka man niya ngayon, nakatatak naman ako sa puso niya. Ikaw man ang huli, ako pa rin ang una."