The Immortal Love

145 9 5
                                    

Author’s note:

This is my second story! Yaaay! This is made from my wide imagination. Mukhang may pinaghugutan ata ako dito! XD I got inspired nang may mabasa akong cute short story about angels and devils. :)

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

The Immortal Love 
By BinibiningMiaka

NAPAPIKIT ako nang maramdamang tumama ang maligamgam at masarap na simoy ng hangin sa katawan ko. Sumabog ang mahaba kong buhok dahil sa hangin. Sinikop koi to at inilagay sa kanang balikat ko. Hinaplos-haplos ko ang ibabang bahagi ng aking buhok nang dumilat na ako. Maaliwalas ang araw ngayon dito sa Hardin ng Walang Hanggan. Ang lugar na ito ay ginawa sa pagitan ng langit at ng mundo. Ang lugar ding ito ay para lamang sa mga tagabantay. Madalas akong mamalagi rito dahil nais kong pagmasdan ang bawat ikinikilos ng mga nilalang sa baba, sa mundo at lalong mas malinaw tignan tignan kapag nasa langit ako kasam ang Amang Hari, ang Diyos na dapat sambahin ng mga nilalang sa mundo.

Asul na asul ang mga ulap. Sumilay ang ngiti sa mukha ko nang lapitan ako ng mga makukulay na paruparo at pinalibutan nila ako habang lumilipad. Tila nagsasayaw o kaya’y nakikipaglaro sila sa akin. Narinig ko pa ang huni ng mga ibon na para bang kinakantahan nila ako. May dumapo pang isang paruparo sa daliri ko. Bahaghari ang kulay ng mga pakpak nito. Napakagandang pagmasdan. May ibon pang naghulog ng rosas sa kandungan ko at sabay kong kinuha ‘yon. Nilanghap ko rin ang bangong taglay nito. Natutuwa talaga ako sa tuwing nangyayari ang ganitong eksena.

Ngunit mabilis na lumisan ang mga ibon at insektong kasama ko. Tumingin ako sa kalangitan at ang kalahating parte nito ay dumilim na para bang nabalutan na ng makapal na usok. Ramdam kong may tumititig sa akin. Luminga ako sa kaliwa at kanan ngunit wala akong nakita. Umihip ang malakas na hangin nang napatingin ako sa unahan. Nandoon siya. Medyo malayo ang distansya namin pero abot na abot pa rin ako ng mga mata niyang parang patalim kung tumingin. Diretso sa mata niya ako nilalamon ng tingin. Parang ang kanyang mga tingin ay tumatagos hanggang sa likod mo sa sobrang lalim. Nakasuot siya ng itim na three-fourths sleeve na shirt, itim na pantalon at itim na sapatos. Unti-unti siyang lumalapit sa akin habang seryoso ang kanyang mukha. Nakaupo pa rin ak sa ilalim ng puno habang nakasandal ang aking likod. Ang bawat nadadaanan niya ay nababalutan ng kulay itim at ang mga damong natatapakan niya ay nalalanta. Nanatili pa rin akong nakaupo at mahigpit na hinahawakan ng isa kong kamay ang kwintas ko bilang pangproteksiyon laban sa mga katulad niya. Kumunot ang noo ko sa nangyayari. Anong kailangan niya? Bakit siya nandito? Anong kailangan niya sa akin?

Lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa aking kwintas nang iniluhod niya ang kanyang isang tuhod sa lupa at ipinatong ang kanang braso sa kanang tuhod nito. Kinakabahan ako. Nasilayan ko na muli ang kanyang hitsura. Magulo at kulay pula ang kanyang buhok at effortless na nakatayo ang buhok niya. May isang hikaw siya sa kanang tainga ngunit hindi ko maintindihan kung anong simbolo iyon. May dalawa siyang maliit na sungay sa ulo at kulay asul ang kanyang mga mata. Namangha nga ako sa kulay ng mga mata niya, ngunit alam kong magiging katakot-takot ito kapag nagalit siya.

“Angel, mahal kita.” Napalundag ako sa gulat nang hinaplos ni Damon ang pisngi ko gamit ang likod ng kanyang palad. Pero mabilis niya itong inalis agad dahil napaso siya. Nagulat ako sa kanyang ginawa at lalong-lao na sa ipinagtapat niya. Hindi… Mali ito. Bumalik ang pagiging seryoso ng kanyang mukha na para bang ininda niya lang ang nangyari kanina. Ang kanyang atensyon ay nabalik ulit sa akin.

“Hindi pwede,” malumanay kong sagot habang umiling-iling. “Magkaiba tayo. Anghel ako at demonyo ka.” Sinuri ko ang kanyang reaksiyon. Nag-igting ang bagang niya at ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng kalungkutan. Kahit ako ay nalungkot rin sa sinabi ko. Kahit na anong gawin ko, niya ay wala pa rin.

The Love ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon