Broken Vow
By BinibiningMiaka
SIMULA
"Nemu," dahan-dahang nilagay ni Jun'ichi ang kanyang mga daliri sa gitna ng aking mga daliri habang pinagmamasdan niya itong dumikit ng tuluyan at mas lalo niya pang hinigpitan nang nag angat siya ng tingin sa akin, mahigpit, ayaw kumawala.
Narinig ko ang malakas na batingaw ng kampana at kasabay nito ang paglabas ng mga tao galling sa loob ng simbahan. Bumabalot sa buong paligid ang masasayang tawanan at ingay sa kinaroroonan naming. Napagtanto kong may naganap na kasalanan at katatapos lang nito nang lumabas ang dalawang mag asawa. Ngiting-ngiti ang babae habang sinasabuyan siya ng mga petals ng bulaklak ng mga bata at iba pang imbitado sa kasal. Hindi ko mapigilang mapangiti rin sa kasiyahang nagaganap.
Masaya siguro kapag sa pakiramdam kapag tuluyan na kayong humarap ng taong mahal mo sa Diyos at sa mga tao at nagpalitan ng mga sumpang kailangang tuparin.
Sinundan ni Jun'ichi ang tinutuonan ko ng pinsan at napabaling na ang atensyon ko sa kanya ng tawagin niya ulit ang pangalan ko.
"Nemu," aniya at naramdaman ko ang mas lalo niyang paglapit sa akin dahil ramdam ko na ang kanyang hininga at ang pakalabog ng kanyang puso.
"Mahal kita Nemu at hindi ako makakapayag na makawala ka sa aking mga kamay, sa aking sarili, sa aking buhay. You are forever tied in me. Hindi ko hahayaang hindi tayong dalawa ang haharap sa Diyos. Gusto kong ako mismo ang maglalagay ng singsing sa daliri ko at gano'n din ang gusto kong gawin sa'yo. I love you, Nemu. I can't afford to lose you. Hindi ko hahayaang iwan ka, ng sarili ko. Hindi na ako magdadalawang isip pang patayin ang sarili ko kapag nagawa ko iyon. Mahal na mahal kita." Kinulong ni Jun'ichi ang magkabila kong pisngi at bago pa ako makapagsalita ay siniil na niya ako ng mainit na halik. Naramdaman kong nagtubig ang aking mga mata sa kanyang mga sinabi at ginawa. Kahit na ilang beses na niya itong sinasabi sa akin ay hindi pa rin ako nagsasawa. I always listen to him. I will never get tired of hearing his words.
Pinulupot ko ang dalawang braso ko sa kanyang leeg, deepening the kiss. Tumigil si Jun'ichi at naghabol ng hininga. "Pangako ko 'yan sa'yo, Nemu." Ani Jun'ichi at tinitigan ang labi kong nakaawang pa rin. Nag angat ang sulok ng kanyang labi sa pinapakita ko. Kinagat ko ang labi ko kasabay nito ang pag init ng magkabila kong pisngi at pagbitiw sa pagkakayakap ko sa kanya. I honestly want more of his kisses but... hell! Nahihiya ako! Naiinis ako sa kanya kasi nangbibitin siya e, lagi naman. Napailing-iling na lang ako sa mga iniisip ko habang humahalakhak sa tuwa si Jun'ichi.
"Jun'ichi..." may pagbabanta sa boses ko at mabilis na nag iwas ng tingin.
"My, my, my sweet Nemu wants more of my kisses..." Aniya sa tonong nangaakit. Ayan na namn siya e. Damn. "I know you wanted more." Halakhak niya. Natutuwa talaga siya pag ganito ako no? napailing-iling ulit ako at narinig ang umalingawngaw na malakas na countdown sa 'di kalayuan at napatalon na lang ako sa gulat nang makitang tinapon nong babae ang bouquet sa ere at wala sa sarili ko itong sinalo. Nang tumama na sa mga kamay ko yung bouquet, napalingon sa amin ni Jun'ichi yung mga bisita at mas lalo pang lumakas ang mga hiyawan.
"Congrats! Kayo na ang susunod na ikakasal!" anang babaeng nakasuot ng puti at malaprinsesang gown, sumisilay ang ngiti niyang walang kasingganda at nakikita ko na ang sarili ko sa kanya, sa future. Magiging ganyan din ako, one day. Nginitian naman ako nong asawa niya. This newlywed couple looks so happy. Nakakatuwang pagmasdan ang mga ganitong bagay. It makes my heart warm.
BINABASA MO ANG
The Love Shots
Short Story"Nasasa'yo man siya, nasa akin pa rin puso niya. Mahal ka man niya ngayon, nakatatak naman ako sa puso niya. Ikaw man ang huli, ako pa rin ang una."