God's Perfect Timing
By BinibiningMiakaSIMULA
My name is Jonah. My friends call me “Nah” and others call me “Jo” but I prefer to be called, “Jonah.” It’s nice, isn’t it?
Hmmm… isa lang akong simpleng babae. Nakakapag-aral sa isang magandang eskwelahan, nakakapasok sa top lagi, God-fearing, music lover, anime lover, fan din ako ng TVD at ng mga sikat na authors sa Wattpad like, jonaxx, alyloony, haveyouseenthisgirl, JamilleFumah, blackliliy, fallenbabybubu, rainbowcoloredmind at marami pang iba. Kung international naman ang pag-uusapan; Stephenie Meyer, John Green, Nicholas Sparks, Colleen Hoover, Anna Todd, Rainbow Rowell and uhm… E.L. James. Yep, book nerd. I love books because they take me to places I’ve never been before. I can go through outer space just by my imagination. I also fell in love with the fictional characters not only in the books but also in movies. They’re just so cool and amazing and because of that, I dreamed of finding my very own “prince charming” or let’s just say, “the one.”
Kapag sinabi bang, “the one”, anong pumapasok sa isipan niyo? Love of your life? Siyempre.
He’s the one you want to be with for the rest of your life. Siya yung taong gusto mong magpapaligaya, magpapaiyak sa’yo sa tuwa at magpapakilig sa’yo to the bones. Siya yung taong gusto mong lagging nandiyan sa tabi mo, bumagyo man o umaraw. Yung taong handang gawin ang lahat para sa’yo. Yung taong naaappreciate ang mga bagay na ginagawa mo, even just the simple things. Yung hindi ka ikakahiya, bagkus ay ipaglalandakan pa niya sa sa mga magulang, kaibigan at kay Lord na masaya at proud siyang ikaw ang mahal niya. Yung lalaking itinataboy mo na, nandiyan pa rin siya. Yung bang handa siyang magpakatanga.
Yung lalaking possessive in a romantic way. Yung lalaking imbes na dalhin ka sa bar ay dadalhin ka sa simbahan at sabay kayong magsisimba. Yung lalaking kapag tinanong ka ng “are you alright?” tapos isasagot mo, “yep. I’m good.” Sabay bigay sa kanya ng ngiti tapos tititigan ka niya sa mga mata because he’s not convinced with your answer at hahawakan niya ang magkabila mong pisngi at sasabihin niyang, “I know you’re not.” Sa tonong mapapaiyak ka na lang.
Yung lalaking magiging partner in crime mo at magiging kakampi mo sa kalokohan. Yung lalaking walang sawang magsasabi ng “I loveyou,” with matching smirk, smile, hug from the front, hug from the back, kis from the forehead, nose and kiss from the lips. At lalong-lalo na, yung lalaking tanggap ka maging sino ka man, na mahal na mahal ka niya at yung lalaking nangangarap na hindi niya hahayaang hanggang sa ‘boyfriend-girlfriend’ na lang ang relasyon niyo. Yung lalaking handa kang pakasalan at bigyan ng mga magandang kinabukasan.
May lalaki pa kayang ganoon ngayon? Sa totoo lang, madami pa akong idadagdag eh. Ilan lamang iyon sa mga bagay na gusto kong gawin sa aking ng taong mahal ko at alam kong gusto niyo rin no’n. Sa tingin ko nga, ang mga bagay na iyon ay gagawin lang ng isang “perfect boyfriend.” Sabihin na nating naghahanap nga ako ng ganon. Gusto ko naman talaga. Lahat naman tayo diba? We are not born perfect but we always want something to be perfect. Iyan tayo.
Sa buhay, madami na akong natutunan. At alam kong madadagdagan pa ‘to sa paglipas ng panahon. Natutunan kong kung magmamahal ako, hindi dapat kailangang madaliin ang lahat ng bagay. I’ve learned from my mistake. I end up loving the wrong one. Dapat kug magmamahal, hindi dapat padalos-dalos sa mga desisyon. Dapat siguraduhin munang handa na ulit magmahal. H’wag dapat manggamit ng tao para lamang makalimot yung ex mo. Masama iyon at hindi tama. Alam kong mahirap makamove on lalo na kapag nagmahal ka talaga ng totoo, tapos nauwi lang pala sa wala. Yung tipong ginago ka lang pala. Mahirap talaga, kasi napagdaanan ko rin iyon. Huwag ring maging atat sa pagkakaroon ng boyfriend. Everything takes time, ika nga.
I-enjoy muna ang pagiging single dahil minsan lang ‘to. May mga bagay na hindi mo na magawakapag nasa isang relasyon ka na. Lubos-lubusin na ang pagiging single. Go out with your friends, hang out with them, bond with your family, sa kanila ka rin naman tatakbo kapag umuwi ka ng luhaan. Do the things that makes you happy. Maganda maging single kasi, no stress, no problem dito, parang bakasyon lang. Hindi ibig sabihin na single ka, wala ng nagmamahal sa’yo. A big NO, NO to that. Open your eyes and you will see the truth. Maraming nagmamahal sa’yo, sa atin. Hindi lang natin nakikita iyon dahil nasarado na ang ating buhay at umiikot na lang ang ating mundo sa iisang tao. Ang mga magulang, kaibigan, other relatives at lalong-lalo na si Lord ang nagmamahal sa atin.
Hindi ko naman sinasabing kapag nasa isang relasyon ka na, puro na lang problema ang kakaharapin mo, niyo. Hindi. Iba lang kasi ang buhay kapag single ka at kapag nasabak ka na sa isang relasyon. You should learn how to handle it.
So going back, nakakita ako no’n ng mga couple na naglalandian habang kumakain ng ice cream at kakagaling ko pa lang din do’n sa isang break-up . Hindi talaga maiiwasang mainggit ka at magsimulang magemote dahil naalala mong ganun din yong ginagawa niyo ng ex mo. Sa ganoong sitwasyon, hayaan mo na lang sila kahit na naiinis ka or something. At least ginagawa mo ang tama. Hindi ka nagmamadali. You waited. Sa totoo lang, yung pangarap ko noon na hahanapin ko si “the one” ay itinigil ko na. Binago ko na ang prinsipyong iyon. Sinabi ko sa sarili kong alam kong ang love story naming ni “the one” ay nagsisimula pa lang. Ito ay sinisimulan ni Lord. Siya ang author ng buhay ko. Siya naman talaga. I will let him write my story of my life. Kung baga, nasa chapter one pa lang. Nagsisimula pa lang.
Hindi ko mamadaliin ang lahat. I know that God has already planned someone in my life. Sa ideyang iyon ay kinikilig na ako! Sana gwapo! Sana kasing gwapo ni Chico Lachowski at kasing kisig ni William Levy, Nick Bateman o ni Channing Tatum! Mabait naman ako kay Lord. Alam kong magkikita kami ni future prince charming siguro sa climax ng kwento? Hmmm… pwede. Probably, that would be the perfect time and place where I, his princess and he, will meet.
And when that magical day comes, our love story will eventually unfold.
Ako si Jonah, saying, “everything will be God’s perfect timing.” J
WAKAS.
BINABASA MO ANG
The Love Shots
Short Story"Nasasa'yo man siya, nasa akin pa rin puso niya. Mahal ka man niya ngayon, nakatatak naman ako sa puso niya. Ikaw man ang huli, ako pa rin ang una."