Sabi Mo

72 4 1
                                    

Sabi Mo

by BinibiningMiaka



Sabi mo, magkikita pa tayo ulit.

Sabi mo, gagawa ka ng paraan magkita lang tayo muli.

Sabi mo, babalikan mo ako.

Sabi mo, tutuparin mo ang mga pangakong binitawan mo sa akin.

Sabi mo, ipaglalaban mo ako kahit na ano pang mangyari.

Sabi mo, mananatili ka 'lagi sa tabi ko.

Sabi mo, hindi ka mapapagod na mahalin ako.





Sabi mo, hindi mo ako papalitan.

Sabi mo, ako lang at wala ng iba.

Sabi mo, iibigin mo ako ng buo at totoo.

Sabi mo, hindi mo ako papakawalan.

Sabi mo, hindi mo ako ilalayo sa iyong piling bagkus ay mas lalo kang kakapit sa aking kamay.

Sabi mo, palagi mo akong kakausapin.

Sabi mo, ako ang magiging priority mo sa buhay.

Sabi mo, gagawin mo ang lahat makasama ;ang ako.

Sabi mo, sabay tayong magtatapos ng pag aaral.

Sabi mo, sabay tayong papasok sa kolehiyo.

Sabi mo, sabay nating aabutin ang ating mga pangarap at sabay nating papasayahin ang ating mga magulang.





Sabi mo, papakasalan mo ako.

Sabi mo, paggising mopa lang sa umaga, ako na agad ang gusto mong masilayan.

Sabi mo, bubuo tayo ng masayang pamilya kapag nakapagtapos na tayo ng pag-aaral at nakahanap na tayo ng trabaho.

Sabi mo, gusto mong maging ama ng magiging mga anak natin sa hinaharap.

Sabi mo, sabay natin silang palalakihin.

Sabi mo, sabay nating haharapin ang mga problemang darating sa ating buhay.

Sabi mo, tayong dalawa ang magiging sandalan natin sa isa't-isa.

Sabi mo, sabay tayong tatanda.





Sabi mo, tayong dalawa, hanggang sa huli...





Sabi mo, hindi ka susuko...





Sabi mo, magtiwala lang ako sa'yo...





Sabii mo, hindi mo ako iiwanan...





Lahat ng mga sinabi mo sa akin ay pinaniwalaan ko, walang mintis. Binigyan ko iyon ng pansin at buong puso akong umasa, dahil mahal kita. Ngunit sa lahat ng sinabi mo sa akin, nasaan ka? Sa bawat araw ng aking buhay ay hinahanap kita, umaasang makikita ulit kita, umaasang darating ang araw na babalik ulit tayo sa dati, kung saan tayo nagsimula at ipagpapatuloy kung ano man ang nasimulan.

Umaasa akong makikita ko ulit yung taong alam kong mahirap ibaon sa limot.



You gave me so much to remember.



Huling taon ko na sa high school, graduation, inabangan kita sa gazebo dahil alam kong do'n tayo unang nagkita at unang nagkakilala. Alam kong pupunta ka dahil napakaimportante no'n sa'yo at hindi mo pagilang hindi ito bisitahin. Iyon ang lugar kung saan tayo gumawa ng maraming alaala, mga alaalang hanggang ngayon ay sariwa pa sa aking isipan.

Hinintay kita ngunit ni anino mo, hindi ko nakita.





Unang taon ko na sa kolehiyo, nagsisimula na akong mag adjust sa bagong environment. Iba pa rin talaga yugng dati, yung dating kasama mo ang mga kaibigan mo at yung dating magkasama pa tayo. Hinintay kita. Inisip ko na baka late enrollee ka lang ngunit wala. Natapos ang taong iyon, wala ka pa rin. Hindi mo alam na labis akong nasasaktan sa tuwing naaalala mo ang mga salitang binitawan mo sa akin?



Sabi mo, mahal mo ako... pero bakit... Nasaan ka na ba?





College graduation, tuwang-tuwa ako dahil nakapagtapos na rin ako ng pag-aaral. Natupad na ang isa sa mga hinihiling ko sa buhay.masaya, masayang-masaya. Ngunit sa lahat ng kasiyahang iyon, may itinatago pa rin ako sakit at pighati. Inaasahan ko pa rin na bigla ka na lang manggugulat sa akin o kaya'y bigla mo na lang ako yayakapin mula sa likod at bubulungan. Namimiss ko na ang mga simpleng gawi mo. Bakit kailangan pa itong mangyari? Umaasa pa rin ako na hanggang ngayon, may pag asa pang magkita ulit tayo.



Minahal kita pero anong nangyari?



Nasaan ka na ba kasi...





Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil mabilis akong natanggap sa trabaho. Madami akong naging katrabaho at naging kaibigan ko rin ang halos lahat sa kanila. Masarap sa pakiramdam na may mga taong dinadamayan ka sa mga problemang kinakaharap mo. Yung hindi ka lang nila babaelewalain ng basta-basta.



Lagi pa rin kitang naaalala. Kalian ka ba magpapakita sa akin? Nakalimutan mo na ba ako?



Miss na miss na kita... sobra...



Kailan ka ba magpaparamdam sa akin?





Tanga na kung tanga. Pero hanggang ngayon, umaasa pa rin ako. Hindi ko alam kung kalian ito matatapos pero pakiramdam ko, gusto ko na... lalo lang ako nasasaktan. Bakit mo ako pinaasa? Bakit mo pa sinabi ang mga iyon kung hindi mo rin naman pala gagawin? Bakit ka paasa?



Ang sakit-sakit na.





Nasaan na ang mga salita mo? Nasaan ka, nang kailangan kita?





Sana, hindi ko na lang sinabi sa iyo na, "mahal kita" kahit na hanggang ngayon, ikaw pa rin at wala ng iba. :( 

The Love ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon