Third Person P.O.V
Naninigas ang buong katawan ng babaeng nakahandusay sa sahig, nanghihina. Nakikiramdam lamang ito ngunit labis na takot ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Hindi ito makagalaw at tila'y parang naparalisa, marahil dahil iyon sa gamot na tinurok sa kaniya, “Sigurado ka bang siya ito? Wala man lang bakas ng tanda sa kaniya, it's impossible to be her!”
“I'm not sure, maybe we mistakenly thought its ‘her’ from the ‘prophecy’ na matagal na ring tinago, pakawalan na lang kaya natin ito? Baka mayari pa tayo kay boss kapag nagkataon,” ani ng isa habang tinatanggal ang gloves nito at hinagis na lamang kung saan, tila natataranta ang boses nito dahil sa mga nangyayari.
“AccckkKk!” Rinig ng dalawa na kanina lamang ay nag-uusap, animo'y nasasakal ang tono ng boses na kanilang narinig. Parahes silang napagawi kung saan nagmumula iyon, ganoon na lang ang takot ng dalawa nang makita ang isa pang babae na naghihingalo.
Maraming dugo ang lumalabas sa halos wakwak na leeg nito, walang humpay na umaagos pababa, mga namumulang mata na tila'y lumiliwanag.
Mga bampira...
“Boss!” Sabat ng dalawa, iyong mga nag-uusap kanina, ngayo'y tuluyan nang nanginginig dahil sa kaba.
“You all dumbass! At sino yang babaeng 'yan?! Siya na ba 'yan?” Nakakatakot na tanong ng lalaki, napailing-iling lamang ang dalawa at napalunok nang matindi.
“Pasensya na boss, pero ang hirap niya talaga hanapin! Lalo pa at hindi natin alam ang itsura niya ngayon. Ang palatandaan lang natin ay ang tatak at ang kwintas na maski ako hindi ko alam! Ba't kasi hindi sabihin ni Boss ang itsura ng kwintas na 'yon?!” Naiinis na sambit ng isang lalaki na kulay asul ang mata at kayumanggi, ngunit agad din namang nanigas mula sa kinatatayuan nang biglang hinagisan ito ng espada.
Kamuntikan na siyang matamaan sa mukha.
Dahil doon ay mas lalo siyang naging maputla, kung maputla na siya dahil sa pagiging bampira niya, mas lalo na ngayon. Madami na din kasing dugo ang umaagos mula sa kaniya.
“Hindi na naman?! DAMN!” The man shouted like an angry lion, his well-defined jawline tightened. The disbelief painted on his face as well his eyes had a haunted look.
Napahawak na lang ito sa ulo niya at inayos ang pagkaka-alalay sa kasamang duguan.
‘What a headache,’ that's what in his mind right now. He don't know what to do to his dumbass trope, they are all in trouble right now because of their own actions.
A stupid and not working actions...
“Tulungan niyo muna si Madame. Dali pahigain niyo nang malapatan na ng lunas,” maawtoridad na ani nito at agad namang sinunod ng dalawa. Even though they're both confused and scared, they managed to do something, inalalayan nila itong mahiga sa mahabang sofa at siniguradong maayos ang pagkakahiga nito upang malapatan ng lunas nang maayos, ginamot nila ang babae.
Napapapikit naman nang mariin ang babae sa bawat pag-gamot ng mga ito, she wants to complain but she shut her mouth up and endured the pain.
She wants to survive somehow...
Kahit pa na may kakayahan ang babae dahil isa din naman siyang mataas na uri ng bampira ay mahihirapan pa rin itong mapagaling ang sarili, it will take three days to completely gone and healed.
Nang matapos na nila sa panggagamot sa babae ay tumingin siya sa lalaking ngayon ay nakaupo sa sofa. “A-Ano pong nangyari Mr—”
Hindi pa man tapos ang sasabihin ay napatigil ito dahil sa matalim na pagtingin ng lalaki, tila rin may iniiwasan ito na 'wag banggitin ng nagtatanong.
BINABASA MO ANG
Crimson Blood Moon (Child Of The Prophecy #9) [Under Revision - ongoing]
FantastikCHILD OF PROPHECY SERIES IX: ⚠ R-16 | MARURE CONTENT AHEAD 'When your blood drop, I'll assure make your heart stop.' Si Avhianne Zariyah Laurier ay namumuhay nang tahimik. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay hindi siya basta normal na tao, na hind...