“Gavin! Anong ginagawa mo rito?!” gulat kong singhal sa kaniya na may halong pagtataka.“Oh, what a coincidence! Dito rin pala kayo magsi-swimming?” maangas nitong banggit habang nakatingin kay Caliban.
“Coincidence? I don’t think so pre,” sagot naman ni Caliban at itinago niya ako sa kaniyang likuran.
“What are you doing here Leatherwood?”
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may namumuong tensyon sa dalawa. Parehas silang nakatingin nang seryoso sa isa't isa dahil pilit akong pinag-aagawan. Charot! Umiling ako sa malandi kong iniisip at naghahanap ng tiyempo para maawat ang dalawa. For sure away ang kahihinatnan nito.
“Why? Bawal ba ‘kong pumunta rito?” ngising sagot ni Gavin na nagpakuyom kay Caliban.
Omo, I smell something wrong…
Peste! ‘Yung Barbeque!
“A-ah guys, ako na ang humihingi ng pakiusap, huwag kayong gagawa ng eskandalo rito, okay? Nakakahiya sa mga tao kapag nagsuntukan kayo. Kaya please, huwag.” sabi ko sa dalawa at pandaling inahon ang mga barbeque sa grill. Mabuti hindi masyadong nasunog ang iba.
“Caliban, pabayaan mo na lang siya. Outing natin ‘tong magbabarkada kaya ituon mo lang ‘yung sarili mo sa’min. Wala na tayong magagawa kung nandito siya.” sabi ko kay Caliban sabay tingin sa ulupong na hindi pa rin natitinag sa pagtingin nang masama sa katabi ko.
Kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya at talagang nagpipigil nga ng galit. Inakbayan ko si Caliban at sinabing maupo na lang sa tabi.
“Ikaw, ano pang ginagawa mo rito?” sulyap ko sa ulupong na nakatayo pa rin sa harapan ko.
“We need to talk.”
“Anong we need to talk? Hindi mo ba nabasa ‘yung text ko?” iritable kong sagot dito sabay hain ng panibagong ulam na iihawin.
“It’s about our plan–”
“Plan? Plan na naman. Gavin, pwede bang hayaan mo muna akong makahinga kahit sandali lang? Time-perse, okay? Patapos na ‘yung sembreak at itong katiting na araw na ‘to ay mahalaga sa ‘kin. Ni hindi ko man lang na-enjoy ‘yung mga araw na wala tayong pasok kasi ikaw lang ‘yung iniisip ko. Sana naman pagbigyan mo ‘kong makasama sila kahit ngayong araw lang oh?”
“You don’t understand. Dad is available right now so it’s the perfect time to meet you–I mean Felicity. Once in a blue moon lang siya mag-stay sa bahay ng buong araw.”
“Gavin hindi mo rin kasi ako naiintindihan eh. Personal space ko na ‘yung pinapasukan mo. Yes, may kasunduan tayo but it doesn’t mean na doon ko na lang itutuon lahat ng oras ko. Oh, e ano naman ngayon kung walang pasok ‘yang daddy mo? Walang next time? Gusto mo ura-urada?”
“So ayaw mo? Gusto mong ipagkalat ko ‘yung sikreto mo?”
Tila nagpantig ang tenga ko sa narinig na nagsanhi ng pagkagalit ko. Nakakairita lang dahil sa tuwing humihindi ako sa gusto niya, pantakot niya lagi sa akin ay ang pagbunyag ng sikreto ko. Nakakasawa na. Nakakapagod na rin.
“Alam mo? Bahala ka na sa buhay mo. Wala na ‘kong magagawa kung ipagkalat mo man ang sikreto ko. Kung bakit pa kasi ako nagpauto sa isang gagong katulad mo. Wala kang isang salita!” singhal ko rito sa paraang pabulong dahil nakatingin pa rin sa amin si Caliban. Kita sa kaniyang mata ang pagtataka kung ano ang binubulong namin.
Nakakainis siya! Ako pa talaga ‘yung tinakot niya. Basta, hindi ko tuluyang sisirain ang araw ko nang dahil lang sa kaniya. Bwisit!
“Oh? Ano pang ginagawa mo rito? ‘Di ba sabi mo ipagkakalat mo ‘yung sikreto ko? Alis na! I-broadcast mo na sa mga tao! Nakakasawa ka na kasing intindihin.” huli kong sambit at hindi na siya tinapunan ng tingin.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at unti-unti nang naglakad palayo. Napahinga ako nang maluwag sabay ngiti nang mapait kay Caliban.
Kailan ba ako makakawala sa problemang ito?
“Mabuti naman at umalis na ‘yung kulugong ‘yon.” sumang-ayon na lang ako kay Caliban at hindi na nakuhang sagutin ang sinabi.
“Fluke, kuya, who’s that guy?” sabi ni Francheska na kararating lang. Nakasuot na ito ng swimsuit at may shades pa sa mata.
“Ah wala ‘yon. Nanghingi lang ng barbeque. Naamoy kasi ‘yung iniihaw ni Fluke kaya tumikim.”
Tumango naman ito sa kapatid sabay kuha ng isang stick. Kumain muna kaming lahat bago lumusong sa tubig. Nagpalit din ako ng rashguard sabay sampa sa tubig.
Unti-unting nawala sa isipan ko ang nangyari kanina at ngayon ay inenjoy ang pagtatampisaw sa tubig. Naglaro rin kami ng volleyball at ang mas nakatutuwa ay may ibang tao ang nakisali sa amin. Buong maghapon kaming naglangoy hanggang sa sumapit ang oras na kailangan na naming umuwi. Nakakapagod pero masaya.
“Guys, kailangan nating ulitin ‘to. Ang saya!” irit ni Francheska habang namimili ng sexy photos niya pang-upload sa facebook at instagram. Tinag niya pa kami sa isang group photo kung saan magkakaakbay kaming nakatingin sa camera. Mabilis itong nakakuha ng samu't saring reactions at comments makalipas lang ang limang minuto.
Si Jeybez naman ay nahuli kong ine-edit ang selfie nila ni Francheska at pagkatapos ay ginawang wallpaper ng cellphone. Nakuha pa nitong ngumiti nang palihim at kumagat sa labi habang nakatingin sa bintana. Maya-maya’y napagawi ang tingin niya sa akin na nagpapula sa kaniyang pisnge. Jusko, inlababo na nga itong kaibigan ko. I zip my mouth as a sign na itatago ko ang lihim niyang pagtingin sa isa ko pang kaibigan.
“Ingat kayo sa pag-uwi. Salamat sa outing. Kitakits Francheska. Mami-miss kitang babae ka.” ani ko rito sabay yakap nang mahigpit. After kasi nito ay balik na kami sa Lauren High sa monday. Since makakasama ko pa naman sina Jeybez at Caliban, si Francheska lang ang niyakap ko. Manigas sila!
“I will miss you too, bestie! O siya, pasok ka na sa house niyo. Text-text na lang tayo okay? Sabihin mo kina tita at tito na salamat dahil pinahiram ka niya sa amin. Bonding din kamo kami ni Ate Katelyn 'pag may time.”
Tumango ako rito at kumaway naman sa dalawa. Hinintay ko pang makaalis ang sasakyan bago ako pumasok sa bahay.
Akma ko nang pipihitin ang seradura nang makaramdam ako ng isang kamay na humawak sa aking braso.
Hindi pa man ako nakakalingon ay kilalang-kilala ko na kung sino ang taong 'to.
Hays, akala ko tapos na ang araw na ‘to.
Hindi pa pala.
BINABASA MO ANG
LHS #3: Roses are Red (COMPLETED✓)
Short StoryThe 'marupok' and happy ending story of Fluke Spellman and Gavin Leatherwood •Now released