“This one po is Superman. I really really love him because may laser po sa mata niya tapos strong din po siya. Kayo po, who’s your favorite hero?” tanong sa akin ni Reoseff habang hawak ang laruan. Pagkatapos kasi naming kumain, hinila niya kaagad ako papunta sa Play area. Natuwa naman ako sa bata dahil may pagka-conyo ding magsalita.“Favorite hero ko? Hmm, si Darna na lang. Do you know Darna? The one who eats stone to have superpowers?”
“She eats stone po? ‘Di ba po dirty ‘yung stone kasi galing po ‘yon sa ground?” inosente nitong tanong na nagpatawa sa akin.
“Hindi ko nga rin alam kung bakit bato pa ang kailangang kainin niya. Pero hayaan mo na. At least strong siya at nalalaban niya ‘yung mga bad guys, like Superman.” nakita ko namang natuwa ang bata sa sinabi ko kaya nagpatuloy kami sa paglalaro.
Lagpas 30 minutes na ang nakakaraan pero parang nakalaklak yata si Reoseff ng isang bote ng enervon. Walang mintis kung makagalaw at parang hindi napapagod. Hindi sa ayaw kong makipaglaro sa kaniya, pero girl, nakakapagod! Nagsisisi tuloy ako kung bakit inalok ko pa siyang maglaro ng habol-habolan. Hindi kasi ako aware na iyon pala ang favorite niyang laruin dahil mabilis itong tumakbo. Dahil wide space ang play area niya, pahirapan pa kung paano mahuhuli ang chikiting na ito. Minaliit ko kasi masyado, ito tuloy napala ko.
“Ate Felicity, ang bagal niyo naman pong tumakbo. Kanina pa po kayong taya eh!” protesta ni Reoseff sa kabilang sulok.
“Time-perse muna baby hah hah…” hingal kong banggit dito sabay lagok ng tubig.
“Halika muna rito. Pupunasan ko ‘yang pawis mo, baka matuyuan ka.” anyaya ko rito habang binubuksan ang maliit niyang bag. Kinuha ko mula rito ang sando, pamunas at polbo. Mabuti’t sumunod kaagad ito kaya pinunasan ko na ang katawan niya. Hinubad ko ang suot niyang damit bago dinampian ng pamunas.
“Taas kili-kili!” sabi ko habang kinikiliti ang tiyan niya. Napahagikgik pa ito kaya napangiti ako.
Naglagay ako ng polbo sa kaniyang dibdib, leeg at likod bago isuot ang sando. Inayos ko rin ang buhok niya kaya nagmukha na namang anghel itong si Reoseff. Hindi ulit ako nakapagpigil kaya nakurot ko na naman ito sa pisnge.
Maya-maya ay dinalaw na ito ng antok matapos kong basahan ng kuwento. Nakayapos ito sa aking batok habang nakalingkis ang buo niyang katawan sa akin. Tumayo na ako para dalhin siya sa kuwarto pero sakto namang dating ng kuya niya. Tinanong ko sa kaniya kung saan ang kuwarto ng kapatid niya pero ang ulupong, inirapan lang ako sabay talikod. Ang attitude ng gago.
Sinundan ko lang siya habang karga-karga ang junakis ko. Charot! Tumigil siya sa isang silid at ito’y binuksan. Pumasok ako at napag-alamang kuwarto nga ito ng bata base sa design at mga laruang naka-display dito. Dahan-dahan kong inilapag si Reoseff sa kaniyang kama para hindi magising. Umalis na rin kami ‘di kalaunan nang mapanatag ang himbing ng pagkakatulog ng bata.
Dumiretso kami sa pool area at naupo sa gilid ng mismong pool habang nakababad ang mga paa sa tubig.
“Gavin, ayoko mang sabihin ‘to pero…thank you dahil pinakilala mo ‘ko kay Tita Rina at Reoseff.”
Sumilay ang ngisi sa kaniyang labi na siyang ikanainis ko. Alam ko na kung ano ang iniisip nito.
“I mean, not in a romantic way, okay? Grateful lang ako dahil nakilala ko si tita at ‘yung kapatid mo. I had fun while talking to them.”
“How about me?”
“Anong how about you? Tinatanong pa ba ‘yan? Siyempre hindi!” mabilis kong sagot na ikinasama ng tingin niya.
BINABASA MO ANG
LHS #3: Roses are Red (COMPLETED✓)
ContoThe 'marupok' and happy ending story of Fluke Spellman and Gavin Leatherwood •Now released