“Kuya Fluke, why are you sad po?” tanong sa akin ni Reoseff habang sinusubuan ko ng gelatin. Naging instant baby sitter ako nang ihabilin sa akin ng ulupong na ‘yon na bantayan ko raw muna ang kapatid niya. Dahil busilak ang aking puso at na-miss nang sobra ang ka-cute-an ni Reoseff, hindi na ako nakatanggi pa. Nagtataka nga si Tita Rina kung bakit hindi raw si Felicity ang binigyan ng isang card. Walang kaalam-alam si tita na kaharap niya na mismo 'yung Felicity, boy version nga lang.
“I’m happy baby. How about you, is it delicious?” tanong ko rito sabay turo sa kutsarang may gelatin. Tumango lang ito sabay lafang sa pagkain.
“You know what Kuya Fluke, I want to be your ate. I see Ate Felicity in you. Do you know her? She is kuya’s girlfriend. Hindi nga lang siya nakapunta ngayon kasi she is sick daw.” ani nito na may malungkot na tono.
“Then I will be your Ate Felicity muna. Gusto mo ‘yon?” nagliwanag ang kaniyang mata sabay tango na may pagka-hype. Kinurot ko ito sa kaniyang pisnge sabay iginala ang tingin sa kumpulang estudyante.
Kanina pang nag-start ang open house pero hindi ko man lang ma-enjoy ang sarili ko. Tss, paano ba naman, may mga surot na umaaligid sa paligid. Ito namang si Gavin, enjoy na enjoy sa kasama niya!
Sino pa ba? Edi si Kimberly!
Ang sakit nila sa mata promise!
Nakuha pa niyang ngumiti at lumingkis sa babaitang ‘yon na akala mo’y walang planong naganap. Paano si Felicity? Akala ko ba ayaw niya kay Kimberly?
Bahala siya! Nakakainis!
“Oh, bakit parang buryong-buryo ka diyan ‘lil brother? Hello baby boy! What’s your name?” hindi ko namalayan si Ate Katelyn na nakaupo na pala sa gilid ko. Tiningnan niya si Reoseff sabay kumaway.
“Ako? Hindi ah! Ang saya ko kaya.”
“Ulol! Ako pa niloko mo Fluke. Magkadugtong bituka natin kaya alam ko iyang ikinikilos mo. Ano, hindi mo matiis na may kasamang iba si Gavin ‘no?” tanong pa nito habang kinukulit ang nakakandong na bata sa akin.
“Never. Mas mabuti pang magsama silang dalawa. Atsaka, it’s for the best na magkatuluyan sila ng Kimberly na ‘yon para matigil na rin ‘yung pagpapanggap namin. Magsama sila!”
“Nakainom ka ba ng ampalaya shake? Napaka-bitter mo naman masyado ‘lil brother. Halatang-halata ka na girl!” natatawa niyang banggit na nagpainis lalo sa akin.
“Wala nga sabi akong gusto sa lalaking ‘yon okay? Wala, wala, wala!”
Mas lalo lang siyang natawa habang hinahampas ang tiyan. Impaktang ‘to, wala man lang kasupo-suporta sa kapatid!
“Iba na ang aktingan mo ‘lil brother. Anong sabi ko sa’yo noon, kakainin mo rin ‘yung binitawan mong salita na hindi magkagusto kay Mr. Ice Prince. Eh ano naman kung magkagusto ka sa kaniya? Alam mo Fluke, hindi naman masamang mahulog kay Gavin. Gwapo siya, may sex appeal tas napaka-charming. It’s your choice to fall in love and there’s nothing you can do kapag tinamaan ka na ni kupido.” seryosong sabi ni ate habang nakatingin sa mga sumasayaw. Para namang tinutusok ang mata ko nang makita sa gitna sina Gavin at Kimberly. May spotlight pa sa kanilang dalawa na parang sila ang bida sa isang fairytale.
Iniwas ko ang aking tingin at napayuko na lang.
“‘Yun na nga ate ang problema. Tinamaan na ‘ko sa ulupong na ‘yon. Eh ano naman laban ko kay Kimberly? Maganda, malaki ‘yung hinaharap, sexy tapos maputi pa. Ganon na ganon ‘yung tipo ni Gavin. Atsaka, bet siya ng tatay ni Gavin. For sure naka-set na ‘yung date sa arrange marriange nila in the future. Wala akong laban ‘don ate. Bakla lang ako.”
“Grabe ka naman mang-down sa sarili mo. Hindi iyan ang Fluke at ‘lil brother na kilala ko. Loosen up okay? Maganda ka rin naman ah? Hindi mo lang yata nahahalata ‘yung ibang titig ni Mr. Ice Prince kapag naka-cross dress ka. Basta, kahit ano pa man ang suot mo, you’re beautiful, in and out. Halika nga rito. Nakakaawa naman ang baby brother ko.” sambit ni Ate Katelyn sabay yakap sa amin ni Reoseff.
Napangiti ako sa sinabi niya at nabawasan ang dala-dala kong bigat sa bibig.
Maya-maya ay natapos ang sayawan at nagsiupuan ang lahat. Kinuha sa akin ni Tita Rina si Reoseff na ngayon ay tulog na sa aking bisig. Nagpaumanhin sa akin si tita kaya sinabi kong okay lang sa akin na bantayan ang bata.
Nakita ko ang tatay ni Gavin na naglalakad papunta sa gitna ng stage. Nasa gilid nito si Gavin at Kimberly.
“Good afternoon, everyone. I hope each one of you is enjoying this first ever Lauren High’s Open House Party. Bilang parte sa shareholders ng university, may big announcement din akong sasabihin sa inyong lahat. Bacause as of now…” putol nitong sabi sabay tingin sa anak.
“My son and Ms. Kimberly Sy are getting married next year.”
BINABASA MO ANG
LHS #3: Roses are Red (COMPLETED✓)
Short StoryThe 'marupok' and happy ending story of Fluke Spellman and Gavin Leatherwood •Now released