Chapter one: Fake lover

225 9 0
                                    

Okay…

Bago ko i-kuwento sa inyo ang katangahang ginawa ko, which is ‘yung pagpayag sa alok ni Gavin na maging ‘fake girlfriend’ kuno, legit ‘yung pagsisisi ko ngayon kung bakit pa ako pumasok sa gulong ‘to. ‘Ni hindi man lang sumagi sa utak ko na pag-isipang mabuti ang sinabi niya dahil desperado na talaga ako that time.

Eh kasi ba naman, masisisi niyo ba ‘kong kumagat sa alok niya para maligtas ang image ko sa mga tao? Ayokong ma-disappoint sa akin sina mom and dad kaya nga natagalan ko ‘yung pang-bubully sa ‘kin ng ulupong. On the other side, naipit lang talaga ako sa sitwasyon at ako naman talaga ang may kasalanan. Hays, poor me.

Siyempre, nakasentro ang concern ko sa posibilidad na maaari ngang gawin ng mokong na ‘yon ang ipagkalat sa buong campus na ako’y nagbalatkayo bilang isang vixen. Mainit pa namang usap-usapan ang issue sa student council na mag-boyfriend daw ‘yung vice president at bagong pasok na miyembro kamakailan lang. Ciel Phantomhive yata ang pangalan if I’m not mistaken. Ayoko nang agawin ang atensyon ng lahat kaya nag-play safe ako at pumayag sa gusto niya.

Confident pa man din ako na no strings attached ang relasyon namin pero habang patagal nang patagal ang pagpapanggap namin, tila ba may nagiging mali na sa aking katawan at nararamdaman. Nandiyan ‘yung pagbilis ng tibok ng puso, naiilang kumilos, at higit sa lahat, parang laging bumibigay ang katawan ko kapag nakikita siya. Hindi ko inaasahang hahantong ako sa ideya na….parang unti-unti na akong nahuhulog sa ulupong na ‘yon. Charot!

I know! I know!

Alam kong karupukan at katangahan ang mga sinasabi ko, pero anong gagawin ng tanga kong puso? Titibok na nga lang, sa mali pa talagang tao.

But don’t worry, hindi pa naman ako 100% sure sa nararamdaman ko. Recently ko lang naman kasi naramdaman ang mga sintomas na ‘yon (yes, symptom siya at hindi sign!), kaya hindi pa ito ang panahon para pagdudahan ang sarili ko.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Nakasuot ako ngayon ng wig, makeup, at floral dress na hiniram ko pa kay Ate Katelyn. It’s been two months nang simulan ko itong gawin at sa buong pamilya, si ate pa lang ang nakakaalam kung bakit ko kailangang mag-cross dress. Ipinaliwanag ko pa nang bonggang-bongga ang kasalukuyan kong sitwasyon dahil alam kong over maka-react ang sisteret ko. Mabuti na lang ay may 2-week semestral break ang Lauren High kaya para kaming mga preso na malayang makakalabas.

Palihim na pumasok sa aking kwarto si ate at kaagad ni-lock ang seradura. May mapanuyang ngiti siyang pumunta sa akin sabay itinirintas ang wig na siya pa mismong bumili.

Oo, siya ang nagpresintang bumili ng mga gamit pambabae. Ang mas nakakaloka, parang natutuwa pa siya sa tuwing kailangan kong gawin ‘to. 

“Gosh, ‘lil brother, nahiya naman ang pagkababae ko sa’yo noh? Hindi ko matanggap na mas mukha ka pang babae kaysa sa’kin.” bulong lang nitong sabi dahil nasa kabilang silid lang si Kuya Cedric. 

“Anyways, saan naman ang gayak niyo ngayon ni Mr. Ice prince?” daldal pa nito sabay pinaharap sa kaniya para lagyan ng foundation ang aking mukha. Aside sa mga na-encounter ko kay Gavin, wala akong choice kundi sabihin na rin kay ate ang basic info niya dahil kinukulit ako nito. Kaya simula noon, ‘Mr. Ice prince’ na rin ang bansag niya rito na notorious naman sa university. Napairap ako at hindi mapigilang mapabuntong hininga.

“Ipapakilala niya raw ako sa parents niya.”

Napatigil si ate sa kaniyang ginagawa at nabitawan ang cushion powder na hawak. Bago pa man siya sumabog at magtititili, binalaan ko na siyang huwag mag-ingay at kaagad tinakpan ang mamantikang nguso.

“Grabe…lume-level up na ang love story niyo. I cannot!” pabulong nitong tili at gumulong-gulong pa sa kaaayos ko lang na kama. 

“Bwisit na ‘to, ayusin mo ‘yan ate mamaya!”

“Oo na! Masama bang kiligin?”

“Kiligin? Anong kakilig-kilig ‘don ate? Hindi ko naman siya gusto at never sumagi sa utak ko na kiligin sa mga ginagawa niya. FYI, peke ang relasyon namin, remember?”

“Oh, e bakit parang galit ka? Pwede namang simpleng hindi ang sabihin mo. Relax lang ‘lil brother. Masyado ka namang highblood. Don’t tell me…” nagtaas-baba ito ng kilay at prenteng patagilid na humiga habang nakatingin sa akin.

“Naku ate, kilabutan ka nga sa sinasabi mo. I will never, ever fall in love with that guy! Cross my heart, mamatay man, tapon susi sa ilog. Period!” pagdidiin kong sagot.

“Tss, defensive masyado. O sige na, hindi na kita ookrayin. Alam ko namang babawiin mo rin ‘yung mga sinasabi mo in the end.”

“Ate?!”

“Joke lang!” bumalik siya sa pag-aayos ng kolorete sa aking mukha at nagwisik ng kung anong spray para sa finishing touch. Pagkatapos akong ayusan ay palihim kaming lumabas sa aking kwarto. Palinga-linga si Ate Katelyn sa bawat pasilyong daraanan para masiguradong walang makakakita sa amin. Natuntong namin ang pinto palabas ng bahay kaya kaagad kaming lumabas.

“Basta, mag-iingat ka pa rin hah? Kahit ba suportado kita sa ginagawa mo ngayon, mali pa rin ‘to. Pero, keri lang.” halos magulo ang mga brain cells at hibla ng mga ugat ko sa pinagsasabi ni ate.

“O siya, gora na ‘lil brother. Ako nang bahalang magpaliwanag kila mom kung saan ka pupunta. Ayan na ang sundo mo oh.” ngusong turo ni ate sa kararating lang na puting sports car. Mabuti na lang ay hindi ito humihinto sa tapat ng aming bahay. Tumango ako rito at binigyan ng yakap. Mabilis akong nagtungo sa passenger seat sabay sara ng pinto nito.

“Tara na. Baka makita pa tayo nina mom.” sabi ko sa lalaki na hindi ko makuhang tingnan. Abala ako sa pagtitipa sa cellphone dahil nag-text si Caliban. Nangangamusta ito at sinabing gusto akong maka-bonding ng kapatid niyang si Francheska. Guess what? Ang isa ko pang loko-lokong kaibigan na si Jeybez ay may gusto rito. Nag-reply ako kaagad na makakasama ako kung kasama rin si Jeybez. Umoo naman si Caliban kaya dali-dali kong ipinaalam kay Jeybez ang magandang balita. Napangiti naman ako nang makita ang heart emoji sa dulong part ng kaniyang message at tila excited nang pumunta.

Halos mawindang ang pagkatao ko nang prumeno na walang pasabi ang ulupong na driver kaya tumilapon ang hawak kong cellphone. Mabuti na lang ay nakasuot ako ng seatbelt dahil kung hindi ay nabaog na ang ulo ko.

“Siraulo ka ba!? ‘Bat bigla-bigla kang prumeno? Gusto mo ba ‘kong mamatay?” galit kong turan sa kaniya sabay dinampot ang nahulog na cellphone. Mabuti’t hindi ito nabasag dahil papabayaran ko talaga siya kapag nagkataon.

Wala akong nakuhang sagot dito na mas nagpabwiset sa akin. Sinamaan niya lang ako ng tingin at muling nagpatuloy sa pagmamaneho. Trip niya talagang sirain ang araw ko.

“Sinong ka-text mo?” out of nowhere niyang tanong sa gitna ng biyahe.

“Pake mo?” mataray kong sagot dito.

“Tss. Malaman ko lang na may ka-text kang lalaki, you know the consequences.” banta pa nito habang nakakunot ang noo.

“Excuse me? At kailan ka pa nagkaroon ng interes sa lovelife ko? FYI Mr. Leatherwood, nagpapanggap lang tayo kaya hindi ko kailangan ang authority mo. Hindi nga kita pinapakialaman kapag nagdadala ka ng babae patago sa university.”

“Dati lang ‘yon. Bakit? Nagseselos ka?” Nakangisi nitong tanong sa akin.

“Mangarap ka na lang ng gising. Atsaka pwede ba? Ipokus mo muna ‘yang mata mo sa daan. Kanina ko pang napapansin na panay ang tingin mo sa ‘kin. Alam kong nagagandahan ka sa mukha ko but no need to be so expressive.”

“Eh maganda ka naman talaga eh. Anong magagawa mo kung hindi ko maalis ang mata ko sa’yo?”

I caught off guard at hindi nakapagsalita sa hirit niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng init sa mukha. Hays, ito na naman ang abnormal kong reaksyon.

“E-edi thank you.”

“Tsk! Naniwala naman. You’re so gay.”

Tiningnan ko siya nang masama pero tumawa lang ang ulupong. Argh! Nakakainis!











LHS #3: Roses are Red (COMPLETED✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon