“Thank you po Tita Rina for warm welcome. Sorry po’t ginabi na po ako rito.” nahihiya kong sabi pagkatapos namin maghapunan. Kasalukuyan kaming nag-uusap sa sala habang hinihintay si Gavin na may kinukuha sa taas.
“Don’t mention it. I’m also happy to meet you, hija. Mag-iingat ka sa pag-uwi and don’t hesitate na bumalik ulit dito okay?” tumango ako rito at binigyan ng isang yakap.
Bigla namang sumulpot sa aming tabihan si Reoseff at muli na namang nagpapakarga sa akin.
“Please come back po Ate Felicity. I want to play with you again. I promise na ako naman po ‘yung taya kapag naghahabulan tayo.” this little cute baby cupped my face and then plant some kisses both to my chicks. Kung ganito lang ka-sweet ang kuya niya, baka hindi ako nag-inarte ‘nung inalok niya ako. Charot!
“Let’s go?” singit ni Gavin na kabababa lang.
“Una na po kami tita. Thank you po ulit. We’ll play again Reoseff kapag dumalaw ako rito. Be a good boy to Tita Rina and Kuya Gavin.” ani ko sa bata bago ko ito ibaba. Kumaway kami sa huling sandali bago sumakay sa sasakyan.
_
Pagkasakay namin sa kotse ay kaagad niyang inabot sa akin ang isang paper bag. May laman itong damit at pantalon na siyang ipangpapalit ko sa suot kong dress.
“Salamat. Balik ko na lang sa’yo ‘to kapag kailangan mo ulit ang fake girlfriend mo.” pagsasawika ko sa totoo ko nang boses. Walang hiya-hiyang tinanggal ko sa kaniyang harapan ang dress dahil naka sando’t boxer naman ako. Isinuot ko ang binigay niya at hindi na nagreklamo kahit malaki ang sukat nito. Ngayon naman ay abala ako sa pagtatanggal ng makeup sa mukha habang nakatingin sa front mirror.
“I’m amaze na nakuha mo ang kiliti nina mom and Reoseff.” sabi ng katabi ko na nakatuon ang tingin sa daan.
“Hindi naman kasi sila mahirap pakisamahan. Ikaw lang talaga ‘tong naiiba ang ugali. Teka, ampon ka ba?” pang-aasar ko rito at hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa salamin. Pesteng eyelashes na ‘to, parang tinatanggal na rin ‘yung mga pilik-mata ko. Ayaw talaga nilang maalis!
“Tss.”
“Bakit mo naman naitanong? Hindi ba ganon ‘yung pakikisama ni tita sa past girlfriends mo?” tanong ko pa rito habang iniestima ang mata.
“Yeah. She’s not like that the way she acts towards you. Lagi niya kasi akong sinusungitan everytime na magdadala ako ng babae. Lalo na si Reoseff, it’s my first time to see him very active. Nakuha niya pang tumawa kanina. Nakakapanibago lang na makita kong ganoon kasaya ang kapatid ko kasi he’s colder than my personality. Para na nga siyang pipi kasi hindi mo talaga siya makakausap unless ikaw ang magtatanong.”
“Hmm, I think hindi na tayo mahihirapang magpanggap kapag kaharap natin sila. Halata namang botong-boto sa ‘kin si tita at kapatid mo ‘no! Pero walang halong kiyeme, hindi ko pinepeke ‘yung personality ko sa kanila. Ang sarap kasi nilang ka-bonding. Nawala nga ‘yung stress ko sa’yo kanina ‘nung nakalaro ko si Reoseff. Ang cute-cute talaga niya!” natutuwa kong banggit habang ini-imagine ang pisnge ng bata sa aking palad.
“Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo ‘no?”
“Wow, nahiya naman ako sa kahanginan mo! Pasalamat ka nga’t nakukuha ko pang sumipot everytime na kailangan mo si Felicity! Kung hindi mo lang talaga ako nahuli that time, wala kang Fluke na kasama ngayon.”
Matapos kong banggitin ‘yon ay wala nang nagsalita sa aming dalawa.
Napagawi ang tingin ko kay Gavin at nakita ko na parang may malalim itong iniisip.
BINABASA MO ANG
LHS #3: Roses are Red (COMPLETED✓)
ContoThe 'marupok' and happy ending story of Fluke Spellman and Gavin Leatherwood •Now released