Chapter nine: Best fake boyfriend ever

49 8 0
                                    


Dinala ako ni Gavin sa may mini garden ng campus, sa bandang dulo ng university. Halos hingalin na ako dahil sa laki ng paghakbang nito para lang mabilis doong makapunta. May 30 minutes pa namang natitira sa free time kaya nagpaanod na lang ako sa paghila nito. Sa una ay tutol pa sina Caliban na sumama ako pero mabuti na lang ay napakiusapan ko sila.

“Ano nga palang sasabihin mo? Masyado yatang importante para dalhin mo ‘ko dito sa walang tao.” sabi ko rito pagkaupo sa bench na nasa sulok. Umupo rin siya sa aking tabihan at parehas na tumingin sa kawalan. At somehow, napapikit ako dahil sa pagdampi ng hangin dito. Masyadong presko at nakaka-relax pakinggan ‘yung huni ng mga ibon.

“You okay?” ani nito na nagpamulat sa akin.

“Huh?”

“Yoo look tired. You must have a reason why you were asleep during Mr. Navarro’s class. Buti na lang katabi mo ‘ko.”

Oo nga pala. Naalala ko na naman ‘yung sinabi ni Jeybez tungkol sa pag-back up sa akin ng ulupong na ‘to.

“Salamat sa ginawa mo. Teka, bakit mo nga pala ‘yon ginawa?”

“I think ‘yung sinabi ko last night ang dahilan kung bakit hindi ka nakatulog nang maayos right?”

Shit oo! Huwag mo nang ipaalala!

“Kalimutan mo na ‘yon. Pagod lang ako that time kaya kung ano na lang pumapasok sa isip ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko ‘yon nasabi eh. Nababaliw na siguro ako.” pagpapatuloy nito sabay pagak na tumawa.

Sa wakas, naliwanagan na rin ang utak ko. Sabi ko na nga ba, isang malaking kasinungalingan lang ang sinabi niya. Wala naman kasing dapat ipagselos kasi wala siyang gusto sa ‘kin.

Pero bakit parang ang bigat ng dibdib ko? Parang sa kabilang banda, sinasabi ng puso ko na bawiin ni Gavin ‘yung sinabi niya. Na totoong nagseselos siya…

Shit! Nababaliw na ‘ko!

“Hey Fluke, are you really okay? You’re crying.” nagising ako sa aking kahibangan nang sapuhin ni Gavin ang magkabilaan kong pisnge. Napapikit ako nang bahagya dahil sa init ng palad nito.

“A-ah oo, ayos ako.”

Hindi ko na nagugustuhan ang inaakto ng katawan ko. Shit dati naman hindi ako mabilis maging emosyonal. Pero ngayon, ni hindi ko man lang namalayan ‘yung pagtulo ng luha ko.

Hindi kaya…

Hindi kaya ako ‘yung nahulog sa kaniya?

Na sa bawat pagtanggi ko, ako lang pala ‘yung umiiwas sa katotohanang ako ‘yung nagkakagusto sa kaniya pero hindi ko lang matanggap?

Shit no! Hindi!

Huminga ka nang malalim Fluke. Nag-ooverthink ka lang. Wala kang gusto sa kaniya okay?

“You sure? Gusto mo dalhin kita sa clinic? Babantayan kita.” bigkas nito na may pag-aalala sa mukha. Bago pa man niya ako alalayang tumayo ay pinigilan ko na siya. Hindi na talaga kinakaya ng puso ko.

“G-gavin sandali. Bakit mo ‘to ginagawa? Bakit bigla ka na lang naging mabait sa’kin? Hindi kasi  ako sanay sa inaakto mo ngayon. Nakakapanibago.”

Napayuko siya at napahinga nang malalim. 

“Look, It may not sound very real, but I want to make a change. I'd like to do my best to please the person I like."

Ano raw?

T-tama ba ‘yung narinig ko?

Eh ‘di ba kalimutan ko na raw ‘yung selos thingy na sinabi niya? ‘Bat ngayon gusto niya raw i-please ‘yung taong gusto niya?

Kaya ba naging mabait siya sa ‘kin kasi ako ‘yung tinutukoy niya? O si Felicity?

Arrgghhh ang gulo niya!

“S-so you like me?” hesitant ko pang tanong dahil baka sabihing napaka-assuming ko naman.

“Yeah, I like you…” 

Nanlaki nang bonggang-bongga ang aking mata sa sinabi niya.

“I like you as a friend.”

Ang kaninang nangniningning kong mga mata ay agad nagsipundihan.

“At para pumayag ka na maging kaibigan ako, I’ll be your best fake boyfriend ever.” ngising niyang sabi sabay halik sa kaliwa kong pisnge. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan sabay lakad papalayo.




LHS #3: Roses are Red (COMPLETED✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon