“Fluke, ‘bat mukha kang namatayan? Buti na lang talaga maagang pumasok si Gavin para bigyan ka ng excuse kay Sir Navarro. Kanina pa kitang niyuyugyog, ayaw mong magising!” kuwento sa akin ni Jeybez pagkatapos ng aming klase. Nagulat naman ako sa sinabi niya.“T-talaga? Ginawa niya ‘yon?”
“Kahit ako hindi rin makapaniwala. Ikaw ha, hindi mo sinasabing bati na pala kayo ni Gavin!” pang-aasar nito sa akin sabay kiliti sa aking tagiliran.
“H-hindi ‘no!”
“Sus, lokohin mo lelang mo! Halata na sa mukha mo, nagde-deny ka pa! Alam mo Fluke, kung ako sa’yo, mas mabuting makipagbati ka na lang kay Leatherwood para wala ka nang stress sa buhay. Mamaya, idamay niya pa ‘ko kapag sukdulan na ang galit sa’yo.”
Binatukan ko na lang ito sabay iling. Isipin ko mang makipag-ayos sa ulupong na ‘yon, imposible namang tumino ang tuktok ‘non. Kita niyo nga, siya ang may dahilan kung bakit mahimbing ang tulog ko sa klase. Isa siyang virus na unti-unting nilalamon ang sistema ko. Isa pa, may trust issues ako sa kaniya kaya it’s a big no.
“Fluke! Jeybez!” parehas kaming napalingon ni Jeybez kay Caliban. Kumakaway ito sabay takbo papalapit sa amin.
“Tara guys, canteen tayo. Libre ko.” aya nito sa amin habang nakangiti. Mukhang good mood ngayon si Caliban.
“‘Yan ang gusto ko sa’yo Caliban. Hindi kami nagkamaling kaibiganin ka. Ang sarap mong huthutan!” Biro ni Jeybez na nagpatawa sa dalawa. Napailing na lang ako at nakisabay sa tawa nila.
Sabay-sabay kaming naglakad papasok sa canteen sabay upo sa bakanteng round table.
“Guys, ako na ‘yung o-order. Anong gusto niyo?” boluntaryong sabi ni Jeybez pagkalapag ng bag sa upuan.
“Cheeseburger at isang pasta sa ‘kin. Lemonade na lang ‘yung drinks.” ani ni Caliban sabay labas ng credit card sa wallet. Ibinigay niya ito kay Jeybez para gamitin.
“Aba, puro carbs ang kinakain mo ngayon ah? Mabuti na naman para hindi mo ‘ko malamangan sa abs. Sa’yo Fluke, anong gusto mo?”
“Carbonara at Iced tea na lang ‘yung akin. Thanks.” sagot ko naman na ikinatango nito. Naglakad na siya papuntang counter para order-in ang pagkain.
Nag-usap naman kami ni Caliban ng ramdom thoughts habang hinihintay si Jeybez. Napag-usapan namin ‘yung outing noong nakaraang araw at buti na lang ay hindi na siya nag-open up sa pagpunta ni Gavin.
Ilang sandali ay dumating na si Jeybez dala-dala ang mga pagkain. Nanlaki naman ang mata ko dahil pangdalawahang tao na ‘yung inorder ni Jeybez para sa kaniya. Walang hiya talaga ‘tong taong ito. Ito namang si Caliban, ang bilis magpauto. Minsan nga gusto ko na siyang kutusan sa sobrang bait. Nasusulsulan na tuloy siya tulad ni Jeybez.
Pero bakit parang affected ako? Hindi ko naman ‘yon pera. Iwinaksi ko lang ‘yung iniisip ko dahil mayaman naman sina Caliban. For sure hindi ‘yon masakit sa bulsa niya.
Patuloy lang ako sa pagsubo nang mapansin kong hindi na nila ginagalaw ‘yung pagkain. Parehas silang nakatingin sa likuran ko na akala mo’y may multo.
“Huy guys, natanga na kayo diyan.” sabi ko sa mga ito sabay higop ng inumin.
Maya-maya pa’y napansin kong may naghila ng upuan sa kabilang lamesa sabay upo sa aking tabihan. Napatingin ako rito at hindi sinasadyang mabuga ang ininom kong Iced tea.
Narinig ko ang pagsinghap ng lahat ng estudyante maging sina Jeybez at Caliban. Nanlaki naman ang aking mata dahil si Gavin lang naman ang nabugahan ko. Kita ko ang pagtulo ng butil ng Iced tea sa kaniyang mukha pababa sa suot nitong uniporme.
“S-shit…katapusan mo na Spellman.” bulong pa sa akin ni Jeybez na nagpanging sa aking katawan.
Para akong naparalisa dahil sa amin nakatuon ang atensyon ng lahat. Para akong nakagawa ng krimen sa mga mata nila. Kaya habang patagal nang patagal, pabilis nang pabilis ang pagtibok ng aking puso.
Alam kong sasabog sa galit si Gavin kaya naghintay na lang ako ng pag-amba ng suntok nito. Jusko, sa tagal ko ba namang kakilala ‘to, kaunting kibot lang, pisikalan na ang kahahantungan. Ipinikit ko ang aking mga mata para saluhin ang sapok nito. Kahit humingi ako ng sorry, tss balewala.
Naghintay ako nang ilang segundo sa pagdapo ng kamao nito pero isang pitik lang sa noo ang naramdaman ko.
Eh?
Sa pagmulat ng aking mata, si Gavin ang una kong nakita na may suot na ngiti sa labi. Kinuha niya ang inilabas kong panyo kanina sabay pahid sa mukha nito. Halos magrambulan na ang mga cells ko dahil sa weird na inaasal ng ulupong na ‘to.
Hindi ba dapat magalit siya?
Hindi ba dapat magsisigaw siya?
Ano bang nangyayari? Hindi ko gets.
Kahit sina Caliban ay napanganga na lang sa ginawa ni Gavin. Aakalain mong hindi niya ito gagawin dahil sa matigas nitong puso at pagiging ice prince. Nagmistulan siyang the good shepherd, kasalungat sa ugaling ipinapakita niyang mala-demonyong ugali.
“A-ah…ehh…sorry?” ang tanging lumabas sa aking bibig sabay pece sign. Mas lalong lumawak ang pagngiti nito na nagpagulo sa aking isipan. Nakuha pa niyang guluhin ang aking buhok na nagpasinghap sa akin.
“It’s okay. May dala naman akong extrang t-shirt so don’t worry.”
Tumango ako pero hindi pa rin maka-get over sa nangyari. Pakiwari ko’y nakainom yata ito ng isang boteng holy water kaya bumait.
“Fluke, can I talk to you…?” ani nito at tumingin kay Caliban. “...alone?” pagtatapos nito sabay tingin naman sa akin.
BINABASA MO ANG
LHS #3: Roses are Red (COMPLETED✓)
Historia CortaThe 'marupok' and happy ending story of Fluke Spellman and Gavin Leatherwood •Now released