Balik study mode ang lahat ng estudyante sa Lauren High dahil simula na naman ang panibagong semester. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nagmamaktol sa kanilang upuan dahil bitin daw ang break na ibinigay. Hindi ko rin naman sila masisisi kasi miski ako ay hindi rin nasulit ‘yung bakasyon.Tss, naalala ko na naman ang ulupong na ‘yon.
Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit ngarag ako ngayon sa pagpasok.
<Flashback>
“Gavin, anong ginagawa mo rito? Gabi na ah?” siguro dahil sa tinding pagod sa paglangoy, hindi ko na makuhang sungitan ito ngayon.
“Hey…ahm…”
Hindi ko maintindihan kung sinilihan ba sa puwet o bulateng inasinan si Gavin. Panay ang kamot nito sa batok habang palinga-linga ng tingin. Hindi siya mapakali at parang nabuhol ang kaniyang dila. Anyare sa gagong ‘to?
“Wala akong panahong makipaglokohan sa’yo Leatherwood. Kung wala kang sasabihin, umalis ka na. Pagod ako.” akma akong pipihit patalikod sa kaniya nang muli niyang hablutin ang braso ko. Napapikit na lang ako sa sobrang pagod at muli siyang hinarap na may pagkatamlay.
“I didn't mean to say those words a while ago. I-i’m sorry kung naging padalos-dalos ako. Ang totoo niyan, atat na ‘kong makita ni dad na may gusto na akong iba kaya I follow you around nang mabalitaang pahinga niya ngayon.”
Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi na makuhang ibuka ang bibig.
Teka, tama ba ang narinig ko?
Sorry daw?
Aba, himala. Alam niya pala ‘yung salitang ‘yon.
“Anong nakain mo’t nakuha mong mag-sorry sa ‘kin ngayon? ‘Di ba desidido kang ipagkalat ‘yung sikreto ko?”
“I said hindi ko ‘yon sinasadyang sabihin. I’m just…i’m just–Argh!”
Nawala ang antok ko nang sabunutan niya ang sariling buhok. Jusko, naengkanto na yata ang lalaking ‘to. Unti-unti akong humakbang papalayo sa kaniya dahil natatakot na ‘ko sa presensya niya. Baka mamaya nag-aadik na ang ulupong na ‘to, idamay pa ‘ko.
“Hindi ko alam kung bakit ko ‘to nararamdaman. But please, stay away from Caliban.”
Wow hah? At siya pa talagang may ganang sabihin ‘yan? Adik na nga siya siguro. Grabe ‘yung pagka-high!
“Alam mo Gavin, kulang ka lang sa tulog. Tulad ko, alam kong pagod ka rin kaya sana mamahinga na tayo. Kung tungkol lang naman sa plano ‘yung pinunta mo rito, sa monday na lang natin pag-usapan. Umuwi ka na sa inyo, baka hinahanap ka na nina Tita Rina.” ani ko rito habang tinutulak siya papalabas sa aming gate.
“No. Hindi ‘yon ang ipinunta ko rito. Fluke, listen to me first.” nagpumiglas siya sabay hawak sa magkabilaan kong braso. Halos matuyuan ako ng laway dahil masyadong malapit ang katawan namin.
Jusko puso, huwag ka naman sanang mag-malfunction.
“I want you to stay away from Caliban. We can’t accomplish our plans if he’s circling around.”
“Nagdodroga ka ba? Sino ka para sabihin mong layuan ko ang kaibigan ko? Atsaka, ngayon mo pa talagang naisipan ‘yan eh halos dalawang buwan na nga tayong nagpapanggap. Walang kinalaman si Caliban sa kasunduan natin so walang dahilan para layuan ko siya.”
“You don’t understand. Look at him kanina, kung makasalag siya sa ‘yo akala mo naman boyfriend mo siya. Magiging sagabal lang siya sa pagpapanggap natin.” ani nito na parang asiwang -asiwa.
“Coming from you? Tingnan mo rin ang sarili mo ngayon Gavin. Kung makaasta ka akala mo naman totoong boyfriend kita. At kung makapagsalita ka, parang affected ka sa ginawa ni Caliban. Teka nga, nagseselos ka ba? Kaya ka ba pumunta dito para lang ‘don?”
“O-of course not! I’m not jealous! Bakit ako magseselos, I’m straight! There’s no reason to be jealous of. I’m not!” sagot nito sa ‘kin sabay tiningnan ako nang masama.
Tss, in denial amp*ta. Sorry sa bad word pero deserve kasi ng ulupong na 'to!
“Ayon naman pala eh. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, I will not stay away from Caliban.”
“Ang tigas ng ulo mo! You should stay away from him!”
“Ang kulit din talaga ng apog mo e ‘no? Sumasakit 'yung ulo ko sa’yo sa totoo lang. Hindi ko lalayuan ‘yung kaibigan ko hanggat wala kang sapat na rason para layuan ko siya.”
“Fuck! Okay! Gusto mo ng rason?!”
“Malamang! Nang malaman ko kung bakit para ka nang nasisiraan ng tuktok!” singhal ko rin dito at hindi alintana kung makabulabog man kami sa mga kapitbahay.
Huminga siya nang malalim bago tiningnan ako nang seryoso.
“I want you to stay fuck out of him because I'm fucking jealous! Masaya ka na?!”
<End of Flashback>
Kaya ito ako ngayon, kulang sa tulog at nagsisilakihan ang eyebags. Parang sirang plakang paulit-ulit nagbabalik sa akin ang mga tagpong ‘yon.
Shit, is he giving me a false hope?
Kasi bakit naman siya magseselos?
Argghhh ang gulo!
Sinasabi ng puso ko na may feelings na nga siya sa akin pero may parte naman sa utak ko na ginu-good time niya lang ako. Defense mechanism niya lang ang pagkukunwaring nagseselos para sa kaniya ko lang ituon ang atensyon.
Ako naman ngayon ang parang baliw at napasubsob sa desk. Ang daming gumugulo sa utak ko.
Perwisyo ka talaga Gavin!
BINABASA MO ANG
LHS #3: Roses are Red (COMPLETED✓)
Short StoryThe 'marupok' and happy ending story of Fluke Spellman and Gavin Leatherwood •Now released