Chapter twelve: Roses are red

135 8 1
                                    


Kanina pa nagpaalam sa akin sina Ate Katelyn nang matapos ang open house party. ‘Ni hindi ko na namalayan ang mga nangyayari sa paligid dahil tulala at lutang lang ako. Napansin nina Jeybez ang pagiging tahimik ko kaya tinanong nila kung may problema ba. Ang sabi ko na lang ay masama ang panlasa ko at pahinga lang ang kailangan ko. 

Sa totoo lang, ang bigat ng pakiramdam ko at gusto ko nang umiyak. Para akong natatae na hindi maire ‘yung tae. Hindi sa pagiging OA pero parang gumuho ‘yung mundo ko nang marinig sa mismong bibig ng tatay ni Gavin ang pagpapakasal ng anak niya kay Kimberly next year.

Feeling ko pinaglaruan lang ako ni Gavin dahil hindi naman nagtagumpay ‘yung plano namin. Hinarot niya lang ako. At ako na man si tanga, nahulog. Ang sabi niya ipapakilala niya ako—I mean si Felicity sa daddy niya pero huli na ang lahat dahil mismong daddy niya ang nagpakilala sa lahat na may nakatali na sa kaniya.

Ngayon ay naglalakad ako pabalik sa dorm. Gusto kong itulog na lang ang lahat. Gusto ko sa paggising ko, maaliwalas ang pagbangon ko at walang Gavin na gumagambala sa isipan ko. 

Mabuti na rin siguro na sila ang magkatuluyan para matigil ang kahibangan ko. Nang sa gayon, maputol at unti-unting mawala ang nararamdaman ko para kay Gavin. Sana ganoon na nga lang kadali ang lahat.

“Fluke, sandali!”

Huminto ako at humarap sa kaniya. Mababakas ang pagkairita sa kaniyang mukha at nagtatangis ang kaniyang bibig.

“Ano ‘yon?” walang gana kong tanong sa kaniya.

“Saan ka pumunta kanina? Hindi kita mahagilap kanina.”

Tss, nagtaka ka pa. Eh abala ka nga sa Kimberly mo tas ngayon may gana ka pang magtanong kung nasaan ako?

“Kasama ko mga kapatid ko at sina Caliban. Hindi mo lang yata ako napansin kasi may iba kang pinagkakaabalahan. Sige, una na ‘ko. Napagod kasi ako eh.”  ani ko pero kaagad niyang kinuha ang kamay ko.

“Ano bang problema? Kahapon ka pang ganiyan. Hindi na kita maintindihan Fluke. You can talk to me.” may pag-aalala niyang tanong na nagpabagsak nang tuluyan ng aking luha.

Hindi ko na kikimkimin ‘to. Kailangan na naming itigil ‘to.

“Gavin…ayoko na.”

Naghintay ako nang ilang saglit pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Seryoso lang ang mukha nito at dirktang nakatingin sa akin.

“Gavin, itigil na natin ‘yung pagpapanggap. Wala na kasing sense kung itutuloy pa natin eh. Tutal nabanggit na rin naman ng daddy mo ‘yung kasal niyo ni Kimberly, it’s time to end this nonsense act.”

Tulad ng kanina, wala itong imik. Napabuntong hininga ako at muling nagsalita.

“Alam kong wala lang ‘to sa’yo but from now on, wala nang Felicity. From now on, wala na dapat tayong connection sa isa’t isa. And from now on…bumalik na tayo sa dating gawi.” huli kong sambit sabay talikod sa kaniya. Kanina pa ako sigok nang sigok na parang bata pero pinigilan kong pumiyok. Muli kong pinunasan ang luha sa aking mata at huminga nang malalim.

“You’re a fucking traitor!”

Muntik akong mapatalon nang sumigaw si Gavin. Halos takasan ako ng bait nang hawakan niya nang mahigpit ang balikat ko at masamang tiningnan.

“We agreed na kukumbinsihin natin si dad na si Felicity ang gusto ko but you…you want this to end?!” nanggagalaiti niyang tanong na nagpasindak lalo sa akin. Halos mawalan ng lakas ang aking tuhod pero nagpakatatag ako.

“Yes. I want this fake relationship to end. Can’t you see? Hindi tagumpay ‘yung plano natin. Huwag mong sabihin na nagbubulag-bulagan ka. At kahit sabihin man natin sa daddy mo na may girlfriend ka na, sa tingin mo papayag siya? Alam na ng lahat Gavin. Ayokong umabot sa puntong itaya ang sarili kong buhay para lang sa kahibangan mo. Ayoko na Gavin, napapagod din ako.” mangiyak-ngiyak kong sabi.

“Why? Why are you doing this to me?! Just give me a fucking reason kung bakit ayaw mo na!”

“Tanga ka! Bobo ka! Hindi mo ba narining ‘yung sinabi ko? Ayokong mabuhay sa kasinungalingan! Pagod na pagod na ‘ko sa’yo! Pagod na ‘kong sundin ka. Pagod na ‘kong magpanggap. At pagod na rin akong mahalin ka!” bulyaw ko rito sabay tulak sa kaniya. Nagulat siya sa sinabi ko pero wala na akong pakialam pa.

“OO! TOTOONG NAGUGUSTUHAN NA KITA! PERO ANG SABI MO SA ‘KIN HINDI KA MAGKAKAGUSTO SA ISANG TULAD KO KAYA GUSTO KO NANG ITIGIL ‘TO! HINDI MO NAMAN AKO SASALUHIN ‘DI BA?”

“Ano bang pinagsasasabi mo? Are you making fun of me?!”

“Tangina mo kang gago ka! Akala mo lang laro ang lahat pero pakshet gusto kita! Gusto kita Gavin!” buong panggigil kong sigaw habang dinuduro ang kaniyang dibdib.

“O ano? Napipi ka? Nandiri ka? Kahit ako sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit sa’yo pa tumibok ang tanga kong puso! Nakakainis lang na sa tuwing kailangan mo si Felicity, para akong tanga na todo effort sa pagpapaganda kahit hindi naman ako mismo ‘yung kailangan mo. Alam ko namang pagpapanggap lang ang lahat pero para sa ‘kin, gusto ko nang totohanin. Pero alam kong hindi ka papayag kasi nga straight ka ‘di ba? Kaya kung nagtataka ka pa kung bakit gusto ko nang itigil ito…siguro sapat nang dahilan ‘yung totoong gusto kita.” hingal na hingal kong sabi sa kaniya na parang tumakbo sa isang marathon.

“Edi sige. Itigil na natin ‘to…”

Nagulat ako nang hapitin ang bewang ko kasabay ng paglapit ng mukha sa akin.

“Totohanin na natin ‘to.”

Huling sambit niya sabay halik sa aking labi. Namilog ang aking mata nang maramdaman ang paggalaw ng labi niya sa bibig at parang may nagsiputukang fireworks sa tiyan ko.

Nanariwa sa aking ala-ala 'yung panahong nahuli niya ako at simulang alukin bilang fake girlfriend. Kung dati ay laro lang ang lahat, ngayon ay totoo na. Totoo nang may gusto ako sa kaniya.

Ipinikit ko ang aking mata dinama ang bawat halik na galing kay Gavin.

Parang sa isang bula, nawala ‘yung worries ko sa daddy niya.

Sa mga panahong lantutay ang pagkatao ko, si Gavin lang pala ang solusyon para madiligan ang bulaklak ko...

Jusko ang harot ko na!

Ngayon, kung kailangan naming i-persuade ang daddy niya na AKO ang gusto ni Gavin, pwes gagawin ko ang lahat matanggap niya lang kami.

‘Di ba ang rupok at tanga ko?

Hindi niyo naman ako masisisi kasi si Gavin na mismo ang kalaplapan ko!

At totoo nga ang tsismis…

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Daks ang lolo niyo!

The end.

LHS #3: Roses are Red (COMPLETED✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon