Dedicated to Alikyut_
Kabanata 11
Pagkatapos naming mag usap ni Caerus ay tinawag siya ni Kiel dahil dumagsa na ang customer na bibili ng buko juice. Bukod sa mura ay masarap naman talaga. Sampong piso ang isang plastic cup at singkwenta naman pag ang mismong buko ang bibilhin mo.
Uuwi na sana ako pero napagpasyahan kong mag lakad lakad muna sa dalampasigan. Ang kalangitan ay kulay kahel dahil ang haring araw ay bumababa na siyang pagsibol naman ng buwan maya maya.
Naririnig ko ang mga tawanan ng mga taong naliligo sa dagat. Mga batang naglalaro sa puting buhangin at mga kabataang kumukuha ng larawan at masayang nag kwekwentuhan.
Huminto ako sa paglalakad at umupo sa hindi maaabot ng tubig alon at pinanood ang paglubog ng araw.
I really like being alone. Being alone allows you to be with your own thoughts and discover your own self. And that's I'm currently doing.
Noong lumubog na ang araw ay tumayo na ako para mag abang ng trisikel para makauwi na ng bahay.
Kakababa ko palang sa ng trisikel noong nag ring ang aking cellphone sa likod ng bulsa ng pantalon ko. Huminto naman ako sa tapat ng gate namin at kinuha ito. Si Maryjane ang tumawag at alam ko na ang sasabihin nito.
Mangungulit lang siya o kaya naman ay yayayain niya akong gumala. Nag dalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya pero pinindot ko pa rin ang pick up button at sinagot nito.
"Napatawag ka?" bungad na sabi ko rito.
"Hala? Wala ka ba sa mood girl? Nasan ka ba? I'll call you later nalang." nahihiyang sabi ni Maryjane sa kabilang linya.
"Hindi naman. Bakit ka napatawag?" mas naging malumanay naman ang boses ko para hindi ito matakot.
"Ano, yayayain lang sana kita sa Pub Lane.." mahinang sabi nito.
"Ano?"
"Sa Pub Lane, 'yong sikat na resto bar sa El Grande Paraiso Resort. You know naman 'yon, right? Since you are working at the cafe inside the resort."
Alam ko ang Pub Lane pero hindi ko pa nasusubukang pumasok roon. At saka, ano namang gagawin ko doon? Gastos lang pag nagkataon.
"Oo nga. Pero bakit mo pa ako niyayaya, alam mo namang tatanggi ako." sagot ko habang nakatingin sa kalsada at nag iisip pa ng mga pwedeng idahilan para hindi ako sumama.
"Please, Nadia.. Come on. It will going to be fun!"
"Ayoko. Ayokong gumastos, nag iipon ako, Maryjane." dahilan ko.
"Don't worry, girl. Its on me. I'll take your charges. Basta sumama ka lang." she pleaded.
"Hindi ako pwede. Hindi ako nakakapag paalam kay Nanay.."
"We already did!" sigaw ni Kyla sa kabilang linya. Magkasama pala ang dalawa kaya nila ako niyaya sa Pub Lane. "We are here at your house, nakapag paalam na kami kay Tita Nelia." sagot naman ni Maryjane na siyang nagpalaki ng mga mata ko.
Pinatay ko na ang tawag at dali daling pumasok sa loob ng bahay. What are they doing here?!
Nakita ko naman ang dalawa na nakaupo sa kusina habang si Nanay naman ay nag luto na ng ulam pang gabihan at si Yael naman ay hindi nakita. Siguro ay nasa kwarto niya ito. "Anong ginagawa nyo rito?" I asked calmly even if I'm raging with annoyance.
"We want to personally let Tita Nelia know that we are going the Pub Lane and she already agreed." Maryjane said.
"Malamang papayag si Nanay kasi nandito na kayo, may choice pa ba siya?" sarkastikong sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Highest Peak of Waves (Isla de Provincia #2)
RomanceIsla de Provincia Series #2 Nadia Ysmael Agustin is just a simple girl with a high dreams because literally, she wants to be a flight attendant. Knowing how cruel life is, she knew how to find a way to handle it. But what will happen if she can't ke...