Kabanata 7

227 29 60
                                    

Dedicated to @Shammyth

Kabanata 7

"I won't allow that our friendship will be ruined because of the same girl." Caerus said while smiling.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Caerus. Hindi niya hahayaang masira ang pagkakaibigan nila ni Dilas dahil sa isang babae. Mukhang may nagugustuhan ng ibang babae si Dilas, syempre, sa gandang lalaki ba naman niya, siguro ay may nobya na siya.

"Nadia! Come on, let's swim." tawag ni Tristan sakin habang nasa cottage siya.

Wala naman na akong sasabihin sa dalawa kaya tumayo na ako sa pagkaka upo. "Sige, alis na ako." sabi ko sa dalawa.

"Pag isipan mo 'yong sinabi ko, Nadia. Baka kaya hindi tayo pwede kasi hanggang friends lang tayo. Hanggang friends lang kasi ang ma-i-o-offer ko. Pasensya na." umiiling sabi nito.

"Para kang tanga. At kahit sa offer mo na friendship na 'yan, wala akong pake." inis na sabi ko at tumawa naman siya, naglakad naman na ako papunta sa cottage kung nasan sila Tristan.

Gustohin ko mang makipag usap kina Dilas at Caerus, mukhang hindi pwede dahil kailangan kong makisama sa mga classmates ko roon dahil sila ang nag imbita sakin dito.

"Ingat, Nadia!" narinig ko pang sigaw ni Caerus at itinaas ko nalang ang kanang kamay ko habang nakatalikod at kumaway bilang pamamaalam.

Pagkapasok ko sa loob ng cottage ay nakita kong busy si Kyla habang hawak ang cellphone nito, at siguro ay nag po-post ito ng pictures sa Instagram kaya naman tahimik siya. Si Maryjane at Clay naman ay nag aasaran sa gilid, at kung hindi mo sila kilala, hindi mo talaga maiisip na magkarelasyon sila dahil lagi silang nag aaway.

Maya maya ay pumunta na kami sa talon para maligo ulit.

Ang saya ko dahil sa ilang oras ay hindi ko naisip ang mga problema ko. Na nakapag pahinga 'yong katawan ko sa trabaho. Na nakaiwas ako sa stress kahit ilang oras lang. Na sarili ko naman ang unahin ko, gusto ko din kasing mag enjoy dahil nakakapagod magtrabaho. Nakakapagod kumita ng pera araw-araw. Maganda at masarap din palang magpahinga sa isang lugar na gustong gusto mong puntahan. Gusto ko pa tuloy pumunta rito ulit kasama si Nanay at Yael, kaso nakakatakot na baka masanay ako.

Naglalaro sila ng habulan sa gitna ng Tagbakan Falls. Hindi na ako sumali at pinanood ko nalang sila dahil nakakapagod lumangoy lalo na't naghahabulan pa sila.

"Ang daya ni Nadia at Michael, panget nyo kabonding." sabi ni Jasper pero umiling pa rin ako.

Nasa gilid ako ng talon habang nakababad ang mga paa ko sa tubig.

"Hoy, Michael. Bakit ayaw mong sumali?" tanong ni Clay.

"Kailan ba ako sumali dyan? Pang bata." komento nito at umupo rin sa gilid kung saan may mga tipak ng bato malapit sakin. Nasa malilim kaming parte dahil maraming nakapalibot na puno rito.

"Let them be. That's their decision, then go. Hayaan na natin sila. Kilala na natin 'yang dalawang 'yan. Mas bet nilang manood kesa mapagod." paliwanag Maryjane at sumang ayon naman sila. She is the type of a person who is very understanding and she's matured the way she thinks. Hindi ko lang alam kung bakit sinagot niya si Clay dahil ang layo ng ugali nila sa isa't isa. Maybe opposites attracts.

"Bakit hindi ka sumali?" Michael asked. Tinignan ko naman siya dahil ito ata ang unang beses na tinanong niya ako na hindi tungkol sa group project ang topic.

Michael was one of my classmates and a loner one. He was our class Valedictorian and he always wearing headphones if he doesn't want to talk to anyone. Parang kagaya ko rin, kill joy sa eskwela. Nagkakasundo kami sa paraang tanggihan ang mga classmates namin noon. Pero hindi kami ganoong kaclose dahil.. ewan ko ba. Pareho kasi kaming hindi pala-salita, so, pano kami magiging close kung sa pagsasalita palang, tamad na kami, diba?

The Highest Peak of Waves (Isla de Provincia #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon