Kabanata 23

365 15 20
                                    

Kabanata 23

Tinignan ko sa huling pagkakataon ang mukha ni Nanay bago isara ang kabaong niya. Hinulog ko ang hawak kong puting bulaklak at naramdaman ko ang pagyakap ni Yael sakin habang unti-unting tinatabunan ng lupa ang kabaong nito.

I heard Yael sniff and I felt his shoulder shaken from crying so I hugged him tightly. Yael needs me.

Hindi ito ang araw na pwede akong maging mahina dahil ako nalang ang masasandalan niya.

Nandito lang si Ate, Yael..

"M-Mamimiss kita, Nanay.." bulong ni Yael habang patuloy ang pag agos ng luha sa mga mata nito na agad ko namang pinunasan. Hinayaan ako lang itong umiyak habang ako naman ay pinipigilan ang paglabas ng emosyon ko.

"Ano? Tara na?" tanong ko kay Yael at tumayo naman ito sa pagkakaupo sa puntod ni Nanay.

Wala ng tao sa sementeryo at nagpaiwan lang kami ni Yael para may kasama si Nanay. Hindi pa namin kayang iwan siyang mag isa.

Naalala ko tuloy 'yong mga oras na kasama namin siya, hindi ko inakalang maaga siyang kukunin samin. Pano nalang kaya kami masasanay na gumising sa umaga lalo na't wala na siya.

"Alis na kami, Nay. Pangako, dadalaw po kami ni Ate dito.." huling sabi ni Yael bago kami naglakad papunta sa trisikel na sasakyan namin.

He really didn't care. Hindi talaga siya pumunta.

Kahit ayaw ko siyang makita, may parte pa din na gusto kong pumunta siya. Kahit para kay Nanay nalang.. pero wala, e.

Pagkauwi ng bahay ay sobra akong nanibago dahil sobrang tahimik at halatang may kulang.

Huminga ako ng malalim at pinihit ang pinto ng silid ni Nanay. Naamoy ko ang pamilyar niyang bango at napangiti ako.

"Nay naman e, pinapaiyak nyo ako.." garalgal na sabi ko. Hindi ko alam kung bakit agarang tumulo ang aking luha at sinara ang pinto. Umupo ako sa kama niya at nilibot ang aking tingin sa kabuoan ng kwarto nito. Hindi ako madalas pumasok sa kwarto ni Nanay dahil iniiwasan kong makita ang litrato ni Tatay sa tabi ng kama nito.

Kinuha ko ang larawan na nasa frame at hinaplos ito na para bang mahahawakan ko siya. Impit na hikbi ang lumabas sakin dahil hindi na talaga mako-kompleto ang pamilya ko.

Malabo na talaga..

This photo was taken when I was five years old. Buhat ni Nanay si Yael at maganda ang pagkakangiti nito, habang si Yael naman ay nakasimangot dahil inaantok. I saw how happy the five year old Nadia in the photo while she's was hugging her Dad who really look like her. Sobrang saya namin sa litrato, at nakikita kung gaano ko kamahal si Tatay sa mga panahong iyon.

We were inseparable.

Hindi kami mapaghiwalay at mas gusto ko talaga si Tatay dahil hindi niya ako pinapagalitan. Tatay was my favorite person in the world, not until I saw him with his new family, everything's change. 'Yong pagmamahal ko sakanya, napalitan ng galit na kahit hindi ko gustohin, mas lumalala. Mas lalo ko siyang kinasusuklaman.

At hindi ko alam kung pano ko siya hindi masisisi sa lahat ng nangyari. My hatred towards him is getting worsen, and I don't to know to stop it.

I just want to stop it for my peace of mind but I really don't know how.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kwarto ni Nanay habang yakap yakap ko ang litrato niya.

I miss her..

Kakapain ko na sana ang bulsa ng pantalon ko para tignan ang oras noong naalala kong wala na nga pala akong cellphone. Lumabas ako sa kanyang silid at nakita kong madilim na sa labas at hindi din nakasindi ang ilaw sa salas. Alas-ostso na ng gabi at hindi pa ako kumakain kanina pang tanghalian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Highest Peak of Waves (Isla de Provincia #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon