Dedicated to eurilleyyy
Kabanata 5
Pagkatapos ng group photo kanina ay bumalik na agad kami sa cottage habang ang iba naman ay nasa labas pa to take a photo.
"Tara magbihis na tayo. I'm so excited to blunt my sexy two piece plus my very gorgeous body!" Kyla in excitement. Kinuha ko naman ang bag ko at naglakad na kami papunta sa palikuran.
May maliit na palikuran kung saan pwede kaming magbihis ng damit kaya naman doon ang punta namin.
Pakarating sa bakanteng banyo ay hinubad ko na ang pantalong at t-shirt na suot ko para maisuot naman ang baon kong damit.
I'm waiting for the both of them to finished changing their clothes outside the bathroom. Sa suot nilang two piece na ang konti lang ang tela ay napakatagal pa nilang magbihis.
"Ang tagal nyo." reklamo ko noong lumabas na sila sa banyo.
"Ganon talaga pag maganda, dapat may pa dramatic entrance." tumatawang sabi ni Kyla at umiling nalang ako.
Bigla naman akong nahiya sa suot nilang dalawa. Nagmukha akong basura.
"Wait. Let's take a photo. Ipo-post ko rin sa Instagram." sabi ni Maryjane at itinaas nito ang kanyang kanang kamay para kumuha ng picture naming tatlo.
"Kuhanan ko nalang kayo ng picture. Nagmumukha akong alalay sa suot ko." sabi ko at kinuha ang cellphone ni Maryjane. At isa pa, hindi ako sanay mag picture.
"Sabi ko naman kasi sayo, magbikini ka na rin. Sexy ka naman, ah. Mas sexy ka pa nga samin ni Maryjane, e. You don't have to be shy, you just need a little more confidence. Ang ganda mo kaya girl!" sabi ni Kyla.
"Saka na. Pag may kapal na ako ng mukha." sagot ko. "Game na? Umayos na kayo ng mapicturan ko na kayo."
Naka ilang shots din ako bago sila magsawa. Kyla is wearing a blue Tie-Front Top bikini while Maryjane is wearing maroon Strappy Bralette Top bikini.
"Tara! Doon tayo sa Falls! Let's take another photos there." Maryjane said..
"Pass. Kayo nalang. Picturan ko nalang kayo ulit." I said.
"Dapat kasali ka. Tara na." sabi ni Kyla at hinila ako kung saan makikita ang view ng Tagbakan Falls kung kukuha kami ng mga pictures.
"Clay, babe! Picturan mo nga kami dyan sa Camera mo." Maryjane shouted at Clay who is busy taking a photo of the Tagbakan Falls.
"One photo, one kiss?" Clay said while smirking.
"Kung ibato ko kaya 'yang camera mo, babe? Want me to try it?" nanghahamon na sabi ni Maryjane sa nobyo nito at tawa naman kami dahil tiklop agad si Clay.
"Biro lang babe. Oh, game na." Clay said and fixing the camera. "Pose na kayong tatlo. Nadia, doon ka sa gitna since ikaw lang ang maayos manamit. Yong dalawa kasi dyan, kinulang na sa tela." biro ni Clay at sinamaan naman siya ng tingin noong dalawa.
Nakailang pictures na naman kami at naiilang ako dahil may nanonood samin.
"Tama na! Ang dami na, e." sabi ko.
"Sige. Kami naman ni Maryjane." Clay said and Kyla took the camera.
"Okay, I'll take you both a shots." Kyla gladly said.
Habang busy sila sa pagkuha ng larawan ay bumaba naman ako kung saan maaabot ng paa ko ang tubig ng Tagbakan Falls.
"Woah! Ang lamig ng tubig." I said to myself.
BINABASA MO ANG
The Highest Peak of Waves (Isla de Provincia #2)
RomanceIsla de Provincia Series #2 Nadia Ysmael Agustin is just a simple girl with a high dreams because literally, she wants to be a flight attendant. Knowing how cruel life is, she knew how to find a way to handle it. But what will happen if she can't ke...