A/N: Sorry for the inappropriate jokes that I used.
Kabanata 16
I was staring how his hands hold my wrist and I don't know that I was eventually smiling. We walked not minding if they are staring at us, nor we don't care what others think.
I stopped walking when we go out from the market then he look at me while confused. "Bakit ba ikaw ang nauunang mag lakad, ikaw ba nagyaya? Alam mo ba kung saan kita dadalhin?" I asked then he refrain from laughing.
"Sorry, I'm too excited. First time mo akong i-date kaya excited ako." he reasoned out.
"Hindi ito date, si Yael lang nagsabi 'non. Wala naman akong sinabi, diba?" pang aasar ko dito.
"Wala nga.." he said while pouting his lips and I laughed.
Tangina, ang cute! How could he do that? He's cute but the same time he's hot. What the hell I am thinking? Lagot talaga ako sa Nanay ko, neto.
"Friendly date then." he said again.
"We're not friends. Tara na. Libre ko naman, e. Minsan lang 'to. Sulitin mo na." I said as I look at him in his eyes.
Nauna akong maglakad habang nakasunod naman sa likod ko si Dilas. Pumunta kami sa ihawan, iyon lang kasi ang kaya ko. Nag titipid din ako. I can't afford his lifestyle, baka mamulubi ako pag sa mamahaling restaurant ko siya dalhin. At saka wala akong pera, kung meron man, pang martikula ko iyon.
Alam ko naman na hindi nag e-expect ng malalim si Dilas noong sinabi kong ililibre ko siya. At alam kong maiintindihan niya kung ano lang 'yong kaya kong ibigay.
"Kumakain ka na nito?" tanong ko sa kanya at tinuro ang mga pagkaing nakatusok sa barbeque sticks. Hindi agad siya nagsalita at tumango ng dahan dahan habang tinitignan ang mga paninda at waring lumulunok pa siya. When I look at him, he was like trying to figure out what food is these.
"Ah.. oo, kumakain ako." at ngumiti ito sakin.
Nag order naman ako ng isaw, betamax, paa ng manok, pork barbecue at pwet ng manok na siyang favorite ko. Malinis ang mga paninda rito. At dito din ako madalas bumili ng barbecue dahil mura na, masarap pa. Gustong gusto ko rin 'yong timpla ng sawsawan nilang suka. Para sakin, napaka laking factor na masarap ang sawsawan mo para babalikan ka ng mga customers mo.
Naka tayo kami habang pinapanood maluto ang mga binili namin. Kahit na mausok ay okay lang dahil masarap naman.
"First time mo ba?" I asked. Nasa gilid ko lang si Dilas habang pinapanood namin ang pag iihaw.
"Ang ano?"
"Ito."
"Hmm.." while he was nodded. "But I tried eating pork barbecue, luto ni Mommy." he explained.
"Hindi mo pa natitikman ang isaw?" he shook his head in response. "Talaga? Hindi bale, hindi ka naman masisisi. The best ang isaw dito. There is first time in everything, pasalamat ka, kasama mo pa ako." sabi ko habang nakangiti.
"Kaya nga ako pumayag kasi ikaw ang kasama." hirit nito at inikutan ko lang siya ng mata.
"165 lahat, Nadia." sabi ni Ate Tisay at binigay sakin ang plato na naglalaman ng inorder namin. Nakita kong kinapa ni Dilas ang bulsa ng cargo shorts nito pero sinamaan ko siya ng tingin.
"Libre ko, diba?" sabi ko at tumango naman siya habang pinipigilang ngumiti. Kinuha ko ang wallet sa suot kong body bag at binigay kay Ate Tisay ang bayad ko.
May lamesa at upuan roon kung saan pwede kayong kumain at doon naman kami dumiretso ni Dilas.
"Ate Tisay, apat na cup ng kanin din po. At saka isang coke kasalo." sigaw ko kay Ate Tisay para marinig niya.
BINABASA MO ANG
The Highest Peak of Waves (Isla de Provincia #2)
RomanceIsla de Provincia Series #2 Nadia Ysmael Agustin is just a simple girl with a high dreams because literally, she wants to be a flight attendant. Knowing how cruel life is, she knew how to find a way to handle it. But what will happen if she can't ke...