Dedicated to kiaa_obayashiii
Kabanata 8
"Nadia, let's go." sabi ni Maryjane habang hindi pa rin naalis ang paningin ko sa suot na shirt ni Dilas.
"Okay, ingat kayo. We have a gig later kaya hindi rin kita maihahatid." sabi ni Caerus at tinignan ko naman siya.
"Sinabi ko bang magpapahatid ako?"
"Sabi ko nga, hindi." tumatawang sabi nito at saka kumamot sa likod ng ulo. "Ingat kayo." muling sabi nito at tinanguan ko nalang siya at naglakad na kami ni Maryjane papunta sa sasakyan naming Van.
Tinignan ko ulit si Dilas habang hawak niya ang isang guitar case kung saan nakalagay ang gitara nito bago ako pumasok sa loob ng van. I saw how he smiled at me after I closed the door.
Buong byahe ay tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Mula sa puting panyong may nakaburdang Zender, 'yong pangalan na nakatatak sa damit niya, 'yong tumblr na may naka imprintang pangalan gaya nong nasa shirt niya noong may cater kami. Then now, I saw his full name on it. I just realized how dumb I am for not thinking of that.
"Okay ka lang, Nadia?" tanong ni Tristan habang nakatingin sa rare mirror dahil nasa passenger seat ito ay nakikita niya ako mula roon.
Tumango naman ako. "Pagod lang." dahilan ko at saka ipinikit ang aking mata dahil ayoko munang magtanong sila.
Pagkauwi ko sa bahay ay wala pang tao kaya naman sinampay ko ang mga basa kong damit sa likod ng bahay para matuyo ito at hindi bumaho. Siguro ay ibabalik ko nalang din itong shirt ni Dilas sa Monday at 'yong tumblr ni Caerus. Isang linggo ko ng hindi naibabalik sa kanya dahil nakakalimutan kong ilagay sa bag ko.
Bukas ay lalabahan ko naman ang shirt ni Dilas para maibalik ko na rin sa Lunes, na siyang pasok ko sa Yummy Cafe.
Nasaing ako ng kanin at nagwalis ng bahay. Pagkaluto ng kanin ay umakyat na ako sa kwarto para mag ayos ng mga gamit. Nakita ko na naman ang tumblr na binigay sakin Caerus at nagtataka ako kung bakit Zender ang naka imprintang pangalan dito, hindi ang pangalan nito.
KINABUKASAN ay nagising ako sa ingay na nagmumula sa ibaba. Kinapa ko ang cellphone kong nasa ilalim ng unan at alas-singko na ng madaling araw. Marahil ay si Nanay ang nag iingay sa baba para magtimpla ng kape para sa almusal nito.
Hindi na ako nakakain kagabi dahil nakatulog ako at ngayon lang ako nagising.
Bumaba ako para pumunta sa banyo upang umihi at maghilamos. Nakita ko si Nanay na malalim ang iniisip at nakatulala habang nakatingin sa kanyang kape.
"Nay, ayos ka lang?" tanong ko noong lumapit ako sakanya.
"Ha?" naguguluhang tanong ni Nanay.
"Tinatanong ko po kung ayos lang po ba kayo." muling sabi ko.
"Oo naman." sagot ni Nanay at ngumiti sakin. "Bakit ang aga mo atang nagising? Mas maaga ka pa sa hinihintay kong nagtitinda ng pandesal, ah."
"Masyado na pong mahaba ang tulog ko kaya maaga akong nagising, Nay."
"O, kamusta pala 'yong pinuntahan nyo? Nag enjoy ka ba, anak?"
"Opo, Nay. Ang ganda po pala ng Tagbakan Falls. Grabe ang sarap pong maligo dahil malamig ang tubig tapos madaming puno kaya naman sobrang nag enjoy ako, Nay." masayang kwento ko habang si Nanay naman ay naaaliw sa expresyon ng mukha ko.
"Mabuti naman kung ganon, Nadia."
"Kaya nga po, binabalak kong mag ipon ng pera para makapunta rin po tayo nila Yael sa Tagbakan Falls. Sobrang ganda doon, Nay. Promise!"
BINABASA MO ANG
The Highest Peak of Waves (Isla de Provincia #2)
Roman d'amourIsla de Provincia Series #2 Nadia Ysmael Agustin is just a simple girl with a high dreams because literally, she wants to be a flight attendant. Knowing how cruel life is, she knew how to find a way to handle it. But what will happen if she can't ke...