Dedicated to Kesliegh_Miller
Kabanata 10
"Gago may porn!" sigaw ni Caerus sa likuran namin ni Dilas. Napapikit naman ako dahil sa kahihiyan.
"Put your shirts on, Dilas. Talagang sa harap ka pa ng babae naghubad ng damit, ha." pangangaral pa ni Kiel kay Dilas.
"Close your eyes, Nadia!" sabi naman ni Caerus at tumawa naman si Dilas at nagsuot na ng shirt.
Napabuntong hininga naman ako para pakalmahin ang bilis ng tibok ng puso ko ang inis na nararamdaman ko.
"Anong close your eyes? Hindi naman ako nakatingin!" giit ko kay Caerus.
"Hindi raw. Pero nakita pa kitang tinignan mo 'yong katawan ni Dilas! Ikaw ha, may lihim kang pagnanasa dito sa kaibigan ko, kaya pala ayaw mo sakin." umiiling na sabi ni Caerus. Konti nalang at masasapak ko na talaga 'tong kaibigan ni Dilas.
Mas okay pa atang hindi ko nalang siya makita dahil lagi nalang niya akong binibwisit. He never failed to make my day worst.
Napakamot nalang ako sa kilay ko dahil nauubusan na ako ng pasensya kay Caerus. Kanina na nga ay naiinis na ako kay Dilas tapos dadagdag pa si Caerus. Pati 'yong bokalista ng Celestial Band na si Kiel ay mukhang makikisali pa.
"Ito kasing si Dilas, kung saan saan naghuhubad. Mahiya ka naman, bro." tumatawang sabi ni Kiel.
"Bakit ako mahihiya? I have a nice body." sagot nito at tumingin naman sakin. "Right, Nadia?" he asked me. He really have the guts to asked a question about that. Nakaka stress silang magkakaibigan.
"Gago ka talaga, Dilas." umiiling na sabi ni Kiel habang si Caerus naman at tumawa ng pagkalakas lakas.
"Ano na namang ginawa ko?" nagtatakang tanong niya at napabuntong hininga nalang ulit ako.
"Pagpasensyahan mo na 'tong si Dilas." sabi ni Kiel at tinapik pa ang balikat ni Dilas at inilahad niya sakin ang kanang kamay niya upang makipagkamay. "I'm Atticus Kiel Dela Cruz, ikaw?"
I just stared at his outstretched hand and I turned my gaze on Caerus who laughs out loud.
"Sabi ko naman sayo, pare. Hindi na nga umubra ang charm ko dito kay Nadia kaya wag ka ring umasa." tumatawang sabi ni Caerus at noong nakita niya akong nakatingin sakanya ay tumigil ito sa pagtawa. "B-Bakit ka nakatingin sakin?" utal na tanong nito sakin at si Kiel naman ang tumawa habang si Dilas naman ay tahimik lang sa gilid.
Binuksan ko ang bag ko at inilabas ko ang tumblr na binigay sakin ni Caerus noon at iniabot ito sakanya. "Ito na 'yong binigay mo sakin na tumblr. Hinugasan ko 'yan ng mabuti kaya malinis na iyan." sabi ko rito.
"H-Ha?" nagtataka nitong sabi at kalaunan ay nakuha rin ang ibig kong sabihin. "Ah.. Hindi naman sakin, 'yan." sagot ni Caerus at kumunot naman ang noo ko.
"Kanina kung ganon?" tanong ko.
"Kay Dilas." sagot ni Caerus at tinignan ko naman si Dilas na nanlaki ang mata dahil sa sinabi ni Caerus. "Binigay niya 'yan sakin nong una kitang makita sa tabing dagat noon tapos sabi niya, ibigay ko raw sayo kaya ginawa ko naman--" naputol ang kwento ni Caerus noong bilang nagsalita si Dilas.
"W-Wait. What are you guys doing here?" tanong ni Dilas para hindi na maituloy ni Caerus ang sasabihin nito.
"We went here to inform you that we have a gig later. Sa Pub Lane." sagot ni Kiel.
"You could have called me." Dilas said.
"Hindi ka sasagot dahil alam kong busy ka sa pagbebenta ng buko juice. And I also came here to personally taste your buko juice." Kiel tease.
BINABASA MO ANG
The Highest Peak of Waves (Isla de Provincia #2)
RomansaIsla de Provincia Series #2 Nadia Ysmael Agustin is just a simple girl with a high dreams because literally, she wants to be a flight attendant. Knowing how cruel life is, she knew how to find a way to handle it. But what will happen if she can't ke...