Kabanata 15
Araw ng Sabado kaya naman wala akong pasok sa Yummy Cafe bilang barista. Wala na sina Nanay noong pagkagising ko kaya naman nagtimpla na ako ng kape at kinuha ang pandesal na nasa lamesa. Naglinis ako ng kusina at naghugas ng mga plato at kaldero.
Pumunta ako sa kwarto ni Nanay at Yael para kunin ang mga maduduming damit nila. Pumunta rin ako sa likod bahay para maglaba ng mga damit. Binabad ko muna ito at umakyat sa taas para linisan naman ang kwarto ko. Nagpalit ako ng bedsheets, pillow cases at kurtina para maisabay na rin sa lalabahan ko mamaya. Minsan ay hindi ko na nalilinisan ang kwarto ko dahil pagod ako galing sa trabaho kaya naman medyo maalikabok na.
"Yael, bili nalang kayo ni Nanay dyan sa bayan ng makakain. Hindi na ako nakapag luto dahil patapos palang akong maglaba." sabi ko noong tinawagan ko si Yael. Nasa gripo ako habang hinihintay na mapuno ang tubig sa batiya.
"Sige, ate. Dito nalang ako bibili." sagot nito.
"Pag pahingain mo si Nanay, ha. Pakainin mo na rin." bilin ko rito.
"Nagpapahinga si Nanay. Pano ka? Kumain ka na ba?" maingay sa background ni Yael at parang may kausap pa ito maliban sakin.
"Hindi pa. Mamaya nalang."
"Hahatiran nalang kita." saad ni Yael.
"Sige. Pero kumain muna kayo bago mo ako dalhan rito." sabi ko at ibinaba na ang tawag. Hindi na ako tumanggi dahil pagod na rin ako. Hindi ko na maharap kahit magsaing ng kanin.
Hinarap ko ulit ang mga babanlawan kong damit at nong isasampay ko na ay saktong dumating si Yael na may dalang plastik.
"Ate, Nadia! Nandito na 'yong pagkain mo!" dinig kong sabi ni Yael sa kusina at pumunta naman ako roon habang ipinupunas ko ang aking basang kamay sa likod ng damit ko.
Nakita ko ang tatlong supot ng kanin at sinalin niya ito sa plato. Inilabas niya rin ang menudo, adobong baboy at pritong isda na sinalin niya rin sa mangkok.
"Ba't ang dami ko naman atang ulam?" nagtatakang tanong ko.
"Nagrereklamo ka pa, ate?" sabi ni Yael habang nakangisi.
"Hindi sa ganon, pero dagdag gastos lang yan. Okay na ako sa pritong isda."
"Aba malay ko roon. O'sya, aalis na ako, ate. Babalikan ko pa roon sila Nanay."
"Huh? Sinong kasama ni Nanay doon?" nagtatakang tanong ko. Maliban samin ni Yael ay wala ng ibang kasama si Nanay sa palengke.
"Secret. Bawal sabihin." tumawang sabi nito at iniwan ako sa kusina para bumalik sa palengke.
Nag umpisa na akong kumain para maaga akong matapos at para makapunta na rin ako sa palengke, para malaman na rin kung sino ang kasama nila Yael at Nanay doon.
Mag a-alas-dose na noong natapos akong maglaba. Nagpahinga ako saglit habang nanonood ng Tv at pagkatapos non ay naligo na ako para matulungan naman si Nanay sa palengke.
Pagkababa ko ng trisikel ay kumuha ako ng sampong piso sa wallet ko at ibinigay ito sa driver. Maingay, maputik na sementong daan, madaming tao. Iyan ang bumungad sakin noong papalapit na ako sa palengke. Naglakad ako papunta sa pwesto ni Nanay at nanlaki ang mga mata ko noong nakita kong tumatawa si Nanay habang tinuturuang maglinis ng isda ang kasama nila.
"Tanggalin mo din ang hasang ng isda. Dahan dahan lang, baka ikaw ay masugat." turo ni Nanay habang ang lalaki naman ay sinunod ang sinabi ni Nanay.
"Ang sakit, Nay.." dinig kong sabi nong lalaki habang tumatawa dahil mali ang pagkakahawak niya sa isda kaya naman nasugatan siya.
BINABASA MO ANG
The Highest Peak of Waves (Isla de Provincia #2)
Roman d'amourIsla de Provincia Series #2 Nadia Ysmael Agustin is just a simple girl with a high dreams because literally, she wants to be a flight attendant. Knowing how cruel life is, she knew how to find a way to handle it. But what will happen if she can't ke...