Episode 8 (Gay and Lesbian in one room)

2K 99 17
                                    

EPISODE 8 (Gay and Lesbian in one room)

(Alexander's POV)

Nakabanggaan ko si Idol Shin, nakapajama pa siya at halatang bagong gising. Nung napansin niya na hindi pa ayos yung itsura niya ay naglakad na siya pabalik sa dereksyon ng bahay niya. Sumunod naman ako pero may kalayuan ang distansya namin. Pareho kase diba ng dereksyon pa uwi.

Pataghoy taghoy pa ko habang naglalakad, di ko na nakikita si Shin, siguro ang bilis ng paglalakad nun kaya nawala agad. Pero natahimik ako nung may napasigaw ng “Stop it!” tapos may loud impact na parang may nagkabanggaan at nagsigawan na yung mga tao. Kaya agad ko itong pinuntahan. Halos madurog ang puso ko nung nakita ko si Shin naka handusay na wala ng malay at duguan yung ulo niya.

Dinala ko siya agad sa pinaka malapit na ospital. The doctor appreciated me for what I’ve done. Kung di ko daw siya hinatid agad, baka may possibity na magclot yung dugo sa may ulo niya. Sana siya din, maappreciate ang ginawa ko. Tinext ko agad si Kel na itext Qiuu tags members na yung lead guitarist nila ay nasa ospital. Kaya after a while, nagdatingan na ang mga gwapong nilalang, este ka banda ni Shin

Inexplain ko sa kanila ang lahat at pinasalamatan naman nila ko. Habang walang malay si Shin, we’ve talked for 7 hours. At sa kunting oras na yun, nakilala ko sila at sabi nila part na daw ako ng barkada kaya wag daw ako mahiya mag approach sa kanila, lalo na daw pag inuman. Haha. Di ko inexpect na ganito pala ang Qiuu Tags, kahit sikat sila, hindi sila mahangin.

Pinapasok na sila ng doctor sa room ni Shin at sinabihan ko naman sila na bibili muna ako ng pagkain, baka kasi pag gising ni Shin gutom siya kaya mas better pag prepared. Sana ma appreciate to ni aydul.

**

Pero ayun na nga, alam niyu na nangyari diba? Sinagawan pa nga ko. Inaamin ko, nasaktan ako. Hindi naman sa nag expect ako ng toda highest level pero naghope ako na maka rinig ng simpleng thank you mula sa kanya.

Kaya heto ako ngayon, naghanap ng isang tahimik na lugar sa Ospital, para siyang mini Garden. Malapit na rin pala mag 5pm, dapat umuwi na ko pero parang may pumipigil sa akin eh. Ewan ko lang kung ano. Baka mumu.

Nag isip isip mo na ko sa mga maaring mangyari kay Shin dahil sa damage sa ulo niya. Sympre, medical student ako. Maaring magka amnesia siya, pwede ring mag blood cloth which could cause stroke, pwede rin magka internal haemorrhage. Ahy Jusko! Wag naman sana. Mga ilang minute ang lumipas, napagdesisyunan ko na umuwi na talaga. Kinuha ko na yung bag ko saka tumayo pero napahinto ako nung nakita ko siya na papalapit saken habang nakasakay sa wheel chair.

“Xander” tawag niya sa akin at papalapit siya ng papalapit. “Oh Shin? Dapat naka higa ka pa. narinig ko sa doctor na malakas daw ang impact na nangyari sa ulo mo” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga halaman. Nasaktan parin ako eh.

“Xander, may sasabihin sana ako sayo . . . Gusto kong magpasalamat. Salamat sa pagligtas mo saken” Nagulat ako sa sinabi niya at tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha niya “At pasensya na sa pagtrato ko ng ganun sayo kanina. Sa pag alis mo kanina, tinurture ako ng mga kabanda ko at napagtanto ko na ang kapal-kapal ng mukha ko. Ang dami mong nagawa para saken”

Her Angelic Face (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon