Episode 2 (Hashtag BlackMailed)

2.8K 133 33
                                    

Episode 2 (Hashtag Blackmailed)

(Alexander's POV)

Pagkarating ko sa boarding house, biglang bumulagta sa harap ko si Andrea na may dalang tupperware. Abot magkabilang tenga ang mga ngiti nito. Hindi nako nagulat na basta-basta nalang siyang pumapasok dito pero baket siya bumisita ngayon?

Ou nga pala, ito si Andrea Vocal. Ang maganda at fashionista kong bestfriend na kasalukuyang nililigawan ni Kel. Actually, kaming tatlo ang magbestfriends pero ewan ko anong nangyari sa kanila at parang biglang nawala nalang yung pinagsamahan namin noong nagtapat si Kel kay Andrea. I guess, they felt the awkwardness?

Hindi ko rin sila masisisi. Iniintindi ko nalang sila, pero sigurado ako na balang araw magiging sila rin. Alam na this. Nagpapakipot lang yung dalawa eh.

“Welcome Back Alex! Nagdala ako ng pagkain, baka gutom ka na” sabi niya habang pinapakita saken yung dala niyang tupperware. Parang Adobo ata yung laman.

“Wow! Salamat Ne.” pagpapasalamat ko at tinanggap ng taos-puso ang pagkain. Hay salamat at naging kaibigan ko ang babaitang ito. “Ou nga pala, Bakit kapa nagtambay dito sa loub Ne?” inilapit ko naman yung bibig ko sa tenga niya para kami lang ang makarinig “Alam mo naman na nangmomolestya yung ibang nagboboard dito diba?”

“Uhm. kukumustahin ko lang sana kayo at manghihingi sana ako ng patawad. PATAWAD!” bigla nalang itong lumuhod sa harap ko kaya hinawakan ko agad ang braso niya pinilit siyang tumayo. Siguro mukha akong engkanto pero hindi ako santo para luhudan niya.

“Woah! Woah! Ano ka ba Ne? Ok lang yun, magkaibigan tayo.”

“Salamat talaga Lex! Ang bait mo!” sabi niya at niyakap ako. I know right.

May naririnig akong mga mahihinang hagikhik mula sa itaas kaya tumingin ako doon. Nakita ko yung mga taga 3rd floor boarders. Ang lalagkit ng mga tingin nila kay Andrea. Mga punyaterong lalaki. Baket pa mabenta tong bestfriend namin ni Kel sa mga mukhang unggoy na manyak.

“Saan nga pala si Kel?” palingun lingun ko sa paligid ko para hanapin si Kel. Asan na ba yung mokong na yun? Parang hinuhubadan na si Andrea sa isipan ng mga taga 3rd floor dito. Pabayaan ba naman ang nililigawan niya?

“E-e-ewan ko. Kase nung nagtanong ako sa land lady, sabi niya nakita niya daw sa kusina pero wala naman dun! At na isip ko na baka gutom ka. Kaya hinintay nalang kita. Sabayan mo na akong kumain Lex!”

“Busog pa kase ko Andrea at may gagawin pa ko. Umuwi ka na muna, sasabihin ko nalang kay Kel na dumaan ka at nagdala ng Oh-So-Yummy Adobo” pabirong sabi ko sa kanya

“Tungnuh Alex. Letchon Paksiw  yan! Oh sige. Kainin mo nalang to pag nagutom ka na ha? Tapos Tirhan mo si Kel ah! Siguraduhin mo na marami sa kanya ha” Halata, inlove itech.

Her Angelic Face (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon