Episode 21.1

819 44 6
                                    

(A/N: this was supposed to be with Chapter 21 pero masyadong mahaba na po kaya iniba ko siya ng chapter. Ineedit ko  po kase lahat, minsan may umiikli, minsan humahaba :) Enjoy po. Nagbago lahat ng pangyayari sa episode na to. Ang Jeje ko kase noun. HAHA)

(Hanarah's POV)

"Xander!" bigla nalang akong napasigaw kasi huminto na yung music. Sineseryoso ko talaga to! Sympre, sumali ako dito eh. Kase gusto kong manalo. Sumali ka pa kung ayaw mo ring manalo.

Parang ninerbyos si Xander  sa ginawa ko at nagdalawang isip siya kung gagawin ba niya ang nasa isip niya. Nabigla nalang ako ng binuhat na parang princessa.

Hindi ko na alam anong nangyayari basta ang alam ko lang binubuhat niya ko at nakatingin lang ako sa kanya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko, hindi ako makahinga ng mabuti. Punyaterong puso to! Baket ba to nangyayari saken?!

"Oh. Nanalo tayo!" hindi nagprocess sa utak ko yung sinabi niya, nakakatitig lang talaga ako sa kanya. Pero natauhan ako ng bigla na naman niya kong inikot. Mas lalong humigpit yung paghawak niya sa balikat ko kaya napasandal na ko sa dibdib niya.

Dug dug dug dug dug dug

PUSO! PUNYATERO KA!

Noong Binaba niya ko, kumarupas agad ako ng takbo. Parang puputok kasi ng di oras ang puso ko. Narinig ko pa ang pagtawag niya saken pero hindi ko na siya pinakinggan.

Hindi ko na alam kung saan ako napapadpad. Baket kase ang laki ng garden nila. Basta hinayaan ko nalang ang paa ko na dalhin ako sa kung saan nito gusto katulad ng palagi kong ginagawa kapag naguguluhan ako.

Noong nakaramdam ako ng pangangailangan ng hangin, tumigil muna ko as pagtakbo at kumapit sa isang puno.

"Shet. Ano na bang nangyayari saken?" tanong ko habang inaayos ang buhok ko. "Kalalaki kong tao. Leche."

Napatingin ako sa paligid ko, nandito ako sa parang isang pond na may mga swings. Medyo liblib siya kase may mga nakatabon na puno. "Ang ganda dito" sabi ko. Kulay asul kase yung tubig ng pond, hindi katulad ng ibang pond na berde ang kulay.

Para namang nanindig ang mga balahibo ko doon kase pakiramdam ko may engkanto. Umalis nalang ako at naglakad pabalik sa bahay. Umupo ako sa parang may bench sa gilid. Hinihingal parin ako mula sa pagtakbo.

"Ate Hana?" napalingun ako  ng may tumawag sa akin.

"Stella" tawag ko rin sa kanya. Lumapit siya saken at umupo sa tabi ko. Napawow nalang ako ng nakita ko siya sa malapitan. Mas gumaganda pala siya sa umaga. Nakita ko naman siya sa loub ng bahay kagabi pero magulo kase yung buhok niya nun tapos nakapajama pa.

Napansin ko rin na medyo may pagka asul yung mata niya at medyo kumikinang kinang yung balat niya. Napa iling iling nalang ako ng ulo. Baliw! Yan tuloy ang nakukuha ko sa kakapanoud ng twilight! Haha

"Are you okay?" tanong ni Stella. Tumango nalang ako bilang sagot. "Why are you here? Where is Kuya Darbie?"

"Ah. Si Xander ba kamo. Nandoon pa sa Garden." Sagot ko

"Why are you not with kuya?"

"Uhm. ." nag aalinlangan ako sa pagsagot. Ano ba naman kase ang isasagot ko diba? Tungnuh

"LQ?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. "Did you guys had a misunderstanding?"

Tumango nalang ako. Mabuti na yung ganoon yung dahilan, kaysa sabihin ko na iniiwasan ko siya ngayon kase bumibilis ang tibok ng puso ko. Oh ang tanga lang ng dahilan ko diba?

Her Angelic Face (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon