Episode 15 (Pano makipagLandian ang Tomboy)

1.7K 87 18
                                    

Episode 15 (Pano Makipag-Landian ang Tomboy)

(Hanarah's POV)

"Yo Xander? Tapos ka na ba" na iinip na tanong ko sa kanya. Grabe lang, magsasampung minuto na siya sa loub ng cubicle.

"Hindi pa! Sandali lang. Ang sikip naman ng pants nato."

"Alangan naman loose. Skinny jeans nga eh.. SKINNY!" Diniinan ko talaga ang salitang Skinny.

Andito kami ngayon sa Men's comfort room. Wag kayong mag-aalala saken, lalaki nman ako sa tingin nila kaya no harm done.

Pinagbihis ko si Xander ng damit na binili ko para sa kanya. Hindi kase bagay sa mukha niya yung sout niya ngayon. Tsaka, gusto ko ring makagante. Gusto kong maramdaman yung pakiramdam ni Andrea nung ginawa niya saken to. Bwahaha!

"Tagal naman, parang babae!" sigaw ko sa kanya

"Che. Eh ano ka? Haha" Ay Punyaterong lalaki to. Buti nalang at walang tao dito.

"Loko! Bilisan mo na nga." Maya maya pa ay lumabas na siya. Praise the lord!

Witwew! Gondong Babae. Haha. Joke!

"Shin, mukha na kong si Daniell padilla nito ah" sabi niya habang nag ikot ikot na parang ewan. Bagay sa kanya yung sout niya. Batman tshirt tapos Naka leather jacket siya at naka black skinny jeans. Inaamin ko, gwapo siya. Pero mas gwapo ako!

"Okay na rin." Sabi ko habang tumatango-tango "So simula ngayon, yung mga pinili ko na lang ang susoutin mo! idonate mo nalang mga damit mo o ibenta mo sa tyanggean"

"Wag, sayang. Maraming memories yun" parang nagulat ata siya sa sinabi ko. Sympre, joke ko lang yun sa kanya. Haha. Kinuha ko ulit yung papel sa bulsa ko para makaproceed na kami sa step 2

Step 2. If you are extremely shy, change it. It's a must to be confident if you want to be cool.

Tumango ako, hindi naman to ganun ka hirap kung gugustuhin lang ni Xander na tulungan ang sarili niya. Sa madaling salita, kapalan ang mukha!

"Shin, parang ayoko nang lumabas, nakakahiya. Parang matutunaw ako nito eh." Rinig ko na sabi ni Xander habang sumisilip siya sa pintuan

"Ayun! Perfect fit! Step 2 says, if you are extremely shy, change it. it's a must to be confident if you want to be cool! Gusto mo bang magmukhang tunay na lalaki sa harap ng tatay mo?" nagpout siya

"Ou. Gustong gusto ko."

"Kung ganun, sundin mo ang step 2! Be confident, like me." At lumabas na ko ng CR, nung una, nag aalanganin siyang lumabas pero sumunod din siya

Narinig kong napalunok siya malaki tapos kinalabit ang likod ko "S-Sh-Shin! A-ano, bat s-sila nakatingin sa akin?" Tong lalaking to, dapat nga maging proud siya kase pinagtitilian siya ng mga babae. Nagmumukha tuloy siyang adik kase kapit ng kapit sa jacket ko.

"Xander, now is your chance to practice step 2. Flirt with girls!" at tinulak tulak ko siya dun sa isang babae na naka upo sa isang mesa habang umiinum ng juice.

"H-ha? A-anong flirt with girls? H-hindi ko a-alam p-pano yan Shin." sabi niya habang napapa atras

"Hay! Made in China ka ba?" binatukan ko unti ang ulo niya. Kung maka utal, parang nasirang plaka eh.

Her Angelic Face (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon