Introduction: Hiding Her Angelic Face

7.5K 84 10
                                    

Introduction

 

Nagkakagulo sa isang bulletin board sa school, halos hindi madaanan kase sobrang daming tao ang nakapaligid doon. At kung minamalas nga ko ou. Dapat talaga ako dumaan dito para makapunta sa next class room ko.

 

“Uh. . Excuse me po. Padaan po” Pagsingit ko sa kabila ng pag aagawan nila sa pwesto para makita yung nandoon sa bulletin board. Hindi na ako nag abalang tumingin pa, ang bulletin board kase na pinagkakaguluhan nila ay para sa mga Music interested people. I’m fond of music, but music is not fond of me. Kaya mas heartbreaking pag ipagpipilitan ko pa ang sarili ko diba?

 

“Padaan po. Please. Malalate na ko” Nasa kalagitnaan ako ng maraming tao, halos hindi na ko makahinga sa siksikan. Grabe na itey! Ano ba meron sa bulletin board na yan at parang nababaliw yung mga tao. Makakuha ba ng gold at makakakita ng naka post doon?

 

“Oh my Gosh Girls!! Heavy Metal Club will be having performances every Sunday!”

“My Gad.! At kasama pa daw ang Qiuu Tags! My Goodness!”

“Pupunta talaga ako dito sa school linggo-linggo!!”

 

Ang ingay talaga! Kung hindi lang ako matinong lalaki, matagal ko ng pinasakan ng papel yung mga bunga-nga ng mga babaeng to. Sobrang lapit lang kase namin tapos sa tenga ko talaga sumisigaw.

 

So tungkol pala to sa HMC. Narinig ko rin sa bestfriend/roommate ko na member ng club na yan na ginagawa nila ito para makabou ng pundo. Ipangbabayad daw nila sa bahay ng kanilang matandang retired na instructor noun.

 

Parang narinig ko na rin yung Qiuu Tags. Palagi yang usap-usapan dito sa school, hindi lang ako makapagtanong tungkol sa kanila kase sa tuwing nagtatanong ako eh pinagtatawanan ako. Kasalanan ko ba kung wala talaga akong alam tungkol sa mga banda na yan? Sa isang semester na pag-aaral ko dito, pag-aaral lang kase talaga ang inaatupag ko.

 

Like I said, I’m a nerd. A nerd whose only companion is the book he is always carrying. Mapait ang buhay ko sa mata ng iba, pero hindi nila alam, mas mapait pa ito sa mga mata ko.

 

Ahy ewan! Basta ang alam ko lang jan, sikat na banda ang Qiuu Tags. Yun na yun.

 

Malapit na kong makalabas . Kunting push nalang. Kunting . . Ayan! Nakalabas nako.

 

“Hay salamat. Oxygen” nag-inhale muna ko ng marami at inestretch yung isa kong kamay. Medyo namanhid dahil sa pagka ipit kanina. Ng okay na yung kamay ko, inayos ko na yung sarili ko at naglakad papuntang room. Pero hindi pa ako nakakalayo, biglang lumakas ang tilian.

 

“OMG!! Ang Qiuu Tags!”

 

Qiuu Tags?

 

Lumingun ako para makita ko yung Qiuu Tags. Ayoko naman maging ignorante forever. Kahit papano, gusto kong makita yung mga itsura nila.

 

Hindi ko sila makita, ang daming tao. Grabe! Pinagkakaguluhan talaga sila! Hindi ko ma iimagine ang sarili ko na ganito ang sitwasyon ng buhay ko. Palaging may nakapaligid na tao. Gusto ko ng payapa. Gusto kong manahimik. . Ahy wait. Baket ko ba iniisip na nangyayari sa akin yun, loser ka nga diba? matindi rin tong utak ko.

Her Angelic Face (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon