Episode 1.1 (Meeting him was fate)

3.3K 122 28
                                    

Pumunta na kami sa guidance office para maka receive ng award na most outstanding behaviour. First offense ako, second offense naman ni Kel kaya pinapunta kami sa detention room at kailangan namin makinig sa mga pangaral na lumulusot lang naman sa kabilang tenga.

Ayun sa guidance counsellor kanina, I will only be receiving a lecture inside the detention room for helping Kel beat the shit out of the Bastard. Habang si Kel, makiking pa sa lecture sa loub ng detention room, may ibang mga consequences pa. Actually, I don’t find this fair. Hindi dahil nasali ako dito kundi, mas dinapigan nila yung Bastardo na yun. They did not dig enough to know the whole story.

Magkatabi kami ni Kel ng upuan sa loub ng detention room, nasa pinakadulo. Mga anim kami dito sa loub kaya medyo nakampante ako. Atleast may karamay kami sa pakikinig ng sermon. Pero bago dumating yung matandang tagapangaral sa amin, may narinig kaming pumasok sa room. Umupo ito sa tabi ng upuan ko pero hindi ko na siya nilingun. Panigurado, basagulero din to.

“Tae! Anong gagawin ko dito?!” galit na sabi ni Kel at inuntug ang ulo sa mesa. Hindi man lang naawa sa ulo niya.

  

“Magbasa ka ng libro! Yan oh” kinuha ko science book ko sa bag at inabot sa kanya. Naalala ko tuloy ang mga mamimiss kong subject dahil sa detention na to.

“Di ako nagbabasa ng japanese pre, baka dumugo ilong ko” sagot niya at ibinalik ang libro saken.

“Hindi Japanese, English Science book to” sabi ko

“Pareho lang naman sila, hindi ko maintindihan” pinagsingkitan ko nalang siya at ibabalik ko na sana yung libro sa loub ng bag ng may nangalabit saken.

“Excuse me, gagamitin mo ba yang science book mo?” napatingin ako sa kuma-usap sa akin at agad akong napalunok ng malaki. “Oh my Gad” yan ang sinasabi ng utak ko pagka kita ko sa kanya. Siya pala yung huling dumating sa detention room. Napatanga tuloy ako.

Shet na malagket! Si Shin! Yung lead guitarist! My Gad! Gusto kong magpagulong-gulong sa sahig!

 Pero nabalik ang kaluluwa ko sa mundong ibabaw ng narinig ko itong tumikhim “Gagamitin mo ba?” hinablot ko agad yung libro at itinaas ito.

 

 “E-Eto? Hindi, b-babasahin mo?” nakaka-intimdate naman talaga to katabi.

“Kung pwede sana.” Binigay ko agad sa kanya to at nagpasalamat siya.

Tahimik lang siya habang may hinahanap siya na specific na topic. Baket siya nasa detention room?

 “Uhm” nag-aalinlangan na pagsisimula ko pero napansin niya agad yun kaya tumingin siya saken “Uhm. Magtatanong lang sana ako. B-b-baket ka na detention?”

“For playing my guitar too loud sa school park. Naka disturb daw ng klase eh.” simpleng sagot niya at ibinalik ang tingin sa libro.

Her Angelic Face (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon