S2 Episode 9 (Confrontation)

501 19 3
                                    

S2 Episode 9 (Confrontation)


(Hanarah's POV)


"Thank you Xander!" pagkatapos noong inunbuckle kami ng mga staff sa zipline, niyakap ko agad si Xander. "Thank you talaga!"


"Anything for my angel." At niyakap niya rin ako pabalik. Narinig pa namin ang hiyawan noong mga staff sa likod. Napatawa nalang kami ni Xander sa reaksyon nila. Kami na talaga, kami na ang pinaka corning couple sa araw na to. Lubus-lubusin na, dahil bukas, balik sa magbarkada na naman kami.


"Heto na po yung soveigner couple shirt ma'am at sir, at nandito yung couple bracelets made from real white stone from the lake. Yung pictures niyo rin po, 5 copies printed." Inabot nila sa amin yung isang paper bag.


"Thank you po." Excited akong tingnan yung mga pictures namin ni Xander. Mukha ba kaming mga tanga doon o baka para talaga kaming nasa wonderland?


"Ma'am, Sir, balik po kayo dito pag may mga anak na kayo ha! May family package po kami." Sabi noong isang staff na siya namang ikinapula ng mga pisngi namin ni Xander. Nagkatinginan kami ni Xander. Kids? Our future kids. Shet! Ang aga pa para mag isip ng ganyan pero tangina kinikilig ako.


"Maraming salamat po. I'll keep that in mind." Pagpapa alam ni Xander sa mga staff at hinawakan ang bewang ko. Nagsimula na kaming maglakad pababa sa wooden stairs ng end port ng zipline. Habang bumababa kami, nilapit ni Xander yung mukha niya sa tenga ko at may ibinulong "Don't forget to remind me in the future okay?"


At dahil sa binulong niya, muntikan na kong matapilok sa wooden stairs. Dali-dali naman niyang hinawakan ang braso ko at dinikit sa kanya. Kung kanina tumatalon-talon lang yung puso ko, ngayon pakiramdam ko nag bubungee jumping na talaga to!


"Xander naman eh." Yun nalang sinabi ko kumawala sa pagkahawak niya at nagpatuloy sa pagbaba. Pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inalalayan ako.


"Baka matapilok ka na naman." Nag aalalang sabi niya. Che! Natapilok lang naman ako dahil parang may kung anong umakyat na kuryente sa likod ko at nagbungee jumping na yung puso ko.


"It's 6:24pm. Bilisan natin sa paglakad Shin para makatagal pa tayo doon sa lawa." sabi ni Xander at mas binilisan namin ang paglakad papunta doon. Pagkarating namin doon sa lawa, namangha nalang kami ni Xander sa napakaganda at sa sobrang malinaw na tubig doon. Naniniwala na talaga ako sa sinasabi nilang crystal clear. Medyo maraming mga nagbabangka doon, mga nasa 18 boats, at napansin ko na ang madalas nandoon ay magcouples.


Nagbayad kami doon sa boatman para sa isang bangka, dahan-dahan niya akong inalalayan at kinuha yung maliit na boat paddle. Itinulak noong boatman ang bangka namin para mapunta ito doon sa malalim na parte ng lawa.


"Oh shit." Yun nalang nasabi ng naramdaman ko ang galaw ng tubig. Medyo may sea sickness kase ako. Mukhang malalabas ko ata ng maaga ang kinain ko kanina.


"Okay ka lang Shin?" nag aalala yung mukha ni Xander noong nilingon niya ko. Mabilis naman akong tumango. Pag nalaman niya na nahihilo ako sa tubig, baka ibalik niya ko kay manong boatman. No way! Gusto kong sumama.

Her Angelic Face (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon