Prologue

12.3K 191 74
                                    

PUBLISHED: January 24,2013

© 2013 Wattpad
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this document may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without prior written permission of the author

( Prologue )

Are you here to know why you should read this story?

Sometimes I wonder how my life looks like in other people’s eyes

Well, I’m just a typical nerd. Yung nerd na sobrang palabasa, kunti lang ang kaibigan, boring, plain, weird, at loner. Totoo lahat ng yan, I’m best describe with those words.

Minsan nga napagkakamalan pa akong bakla. Dahil bukod pa sa wala akong Girlfriend since birth eh madalas pa akong napapahanga sa mga lalaki.

Hindi nila alam na humahanga ako sa kanila kase gusto kong maging katulad nila, hindi dahil gusto ko sila. Lalaki ako at malinaw yan sa isip ko kahit anong kabaklaan pa ang pinag gagawa ko.

Pero yan ang inaakala ko. Dumating ang isang araw na may nakilala akong isang Rakista, Astig, Sikat, at hinahangaan ng lahat na nagngangalang Shin. Kung titingnan mo siya, iba-ibang talaga siya sa lahat ng mga lalaking hinahangaan ko. Sa kabila kase ng kanyang pagiging rakista, hindi parin natatakpan ang kanyang mala-anghel na mukha.

Literally, parang anghel talaga ang mukha niya. Isang anghel na may eye-liner at piercings sa tenga.

Sa simula pa lang, humanga na ko sa kanya

Sa simula pa lang, napanganga na ko sa ganda niya

Sa simula pa lang nagka gusto na ko sa kanya. Hindi katulad ng pagka gusto ko sa mga lalaking hinahangaan ko bilang lalaki. Kundi pagka gusto na gusto ko talaga siya

Tinatanong ko sa sarili ko, wala naman sigurong masama na magka gusto ako sa kanya diba? Patago naman. Yan palagi ang tinatanong ko sa isip ko, pero sa kakatanong ko, mas lalo akong nandidiri sa sarili ko.

Ayokong maging bakla!

Pero wala na kong magagawa, hindi ko naman pwedeng diktaran ang puso ko na wag mahulog sa isang tao diba?

Pero, sa tuwing nakakasama ko kase si Shin, parang wala mali. Parang sinasabi ng nararamdaman ko na mali ang inaakala ko. Na may nakatagong sekreto sa pagkatao niya, Na pwede mo siyang mahalin.

Ititigil ko ba ang magmamahal sa kanya dahil alam kong bawal?

O susundin ko yung sinasabi ng damdamin ko at Ipagpapatuloy ang pagmamahal ko sa kanya?

_________________________________________________

 For teaser: Nasa right side po

Credits to miss @khrystyn and @AdminSky

Her Angelic Face (Season 1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon