22

91 6 0
                                    

22 ( Hospitalized )









***

Francine Miracle's POV

Nagising naman ako na puti lang ang nakikita ko. Nabigla ako doon at nataranta iginala ko mga mata ko at nasa hospital pala ako, napansin ko sa isang tabi si Hanna at tulog ito. Anong nangyari? Ba't ako naospital?

Teka?

Ba't wala akong ma-alala?

Napahawak ako sa ulo ko dahil nagsimula na iyon kumirot! Ano ba ang nangyayari sakin? Ang tanda ko lang ay magkasama kami ni Justin sa hallway ng showbt.

At ano ang ginagawa ko dito sa hospital? At nakahiga pa talaga ako?!

" C-cine? Gising kana pala, teka tatawag lang ako ng doctor! " napansin ako ni Hanna ng maalimpungatan ito sa tulog.

" D-dito ka muna! " saad ko dito. Marami akong katanungan at sya lang ang makakasagot nito.

" Sandali lang ito, dyan ka lang at magpahinga! " saad nya kaya wala akong nagawa at hayaan sya umalis ng hospital room.

Iginala ko ang paningin ko dito ng masara ni Hanna ang pinto. Lagot ako sa erpats ko! Pag nalaman nya ito. At tulad ng pagkakasabi nya, nagpahinga na lang muna ako!

Pero mukhang ilang hours na ako nakapag pahinga, napalingon naman ako sa pinto at nandito na agad si Hanna kasama ang doctor!

" How are you may masakit ba sayo? " saad nito sakin

" W-wala naman po, except sa pagkirot ng ulo ko! " saad ko sa doctor.

" Is that so? Okay let me check you first, " dagdag ng doctor at sinuri naman ako. Wala naman ilang minuto ay nagsalita din ito! " As of now, she's okay as long as wala syang katanungan. Maganda din kung ipahinga nya muna ulo nya dahil masama pagkakabagsak niyon. "

" Sige po salamat po doc! " pag papasalamat naman ni Hanna.

" Walang anuman, sige! Alis na ako. May mga pasyente pa ako! " pag papa alam ng doctor at tumango na lang dito si Hanna at pinasaraduhan ng pinto.

Umupo naman ito sa katabi ko at nakatingin lang sakin.

" Alam ko marami kang katanungan, pero wag ka muna mag isip. Mas maganda na ipagpaliban mo muna iyon, tsaka ko na lang ikekwento pag umayos na ang kalagayan mo! " saad nito sakin. Napabuntong hininga naman ako!

" Bakit hindi mona ikwento ngayon?! " asar kong saad sakanya. Kita ko naman kung paano ito ngumuso. Ayt!

" Hindi pwede, baka kumirot nanaman ang ulo mo! " pag aalalang saad nito sakin. Pero batid ko na nag aalala sya sakin, tono pa lang ng pananalita nya.

" Osya sya! Hindi na ako mangungulit?! " asar talong saad ko. Umirap naman ako sa kalawakan kaya natawa ito.

" Hahaha!! " natawa naman ito sa nakitang asal ko. " Nagugutom kaba? Pabibilhin ko ng pagkain si Christine, nandun lang sya sa labas. "

" Hindi naman kumukulom tiyan ko, pero sige! Para kung magutom ako may pagkain naman. " saad ko kaya tumango ito.

Pinasadahan nya ako ng tingin sabay ng pagsasalita nito, " Sige, dyan ka muna ah? Sabihan ko lang si Christine! "

Tumango at ngumiti naman ako dito kaya ayon, nawala nanaman sya!

Sa pag mumuni ko ay biglang may pumasok. Tinignan ko iyon at sb19 lang pala, lumapit sakin si Justin at mabilis na kinuha ang kamay ko.

Nasa tabi ko ito at naka-upo!

Habang ang mga kamember nya ay nasa paanan ko lang.

" Ayos kana ba? Hindi ba sumasakit ang ulo mo? Sabihin mo sakin, if sumakit ah? " sunod sunod na saad nito sakin. Habang ang isang kamay nya ay naka salalay sa ulo ko.

Taming Francine Miracle ( Sb19 Justin Fanfic ) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon