9

124 13 2
                                    

9



***

Justin's POV

Right after makuha ko number nya kay Stell, dali dali ko naman sya tinext. Walang alinlangan na tinext ko sya pero syempre pa mystery muna tayo.

Busy ako kakatipa sa phone ko para matext ko sya, dahilan para diko namalayan na nagsasalita pala si Pablo.

Kaso--

" Justin!! " tsk. Ayan may sumigaw!

Mas maganda siguro kung nandito si Francine araw araw. Para naman masaya din ako araw araw, nakakainis lang kasi babaing ito!

" Ano nanaman?! " kung akala nya nakalimutan ko ginawa nya nagkakamali sya.

Natigilan ito paglapit saakin lalo na ng makita nya na iritable ako!

" Pwede ba kahit ilang araw lang tantanan mo ako?! " inis na sigaw ko dito.

Taka naman ako tinignan ng mga kamember ko. Kita ko itong tumungo at naglakad palabas, alam kong napahiya ko sya lalo na sa harap ng kamember ko.

Kita ko din kung paano ngumuwi mga kamember ko.

" Anong nangyari sayo? first time mo ata, bulyawan yun ah? " Stell.

" Oo nga, first time mo lang yun ginawa! " Josh.

" At kanina kapa tipa ng tipa dyan, sino bang katext mo ah? " si Pablo. Nakita nya pala ako habang nagsasalita sya!

" Alis muna nga ako, dyan na muna kayo! " saad ko sa kanila. Ewan ko! nainis ako bigla.

" Oh saan ka naman pupunta? " hindi kona sila pinansin at umalis na.

Dere-deretso naman ako sa kotse ko at umalis, diko alam gagawin ko once na magalit pa ulit ako. Baka makapatay pa ako ng babae! kaya mabuti nang lumayo muna ako.

Nagdrive ako at napunta ako sa kung saan, basta dito ako dinala ng kotse ko.

Walang alinlangan akong umalis sa kotse at nagpahangin, tiningala ko ulo ko at pinag masdan ko ang kalangitan.

Maya-maya

" Baka naman mastiff neck ka dyan? " sinilip ko ang taong iyon at nabigla.

Umayos ako ng upo sabay ng pag upo nya sa tabi ko, anong ginagawa nya dito? halaa!!

tinignan nya ako at nginitian ako, " Anong ginagawa mo dito? " pag tatanong nya.

Nahihiya naman akong kinamot ulo ko.

" Diko alam, dito ako dinala ng kotse ko eh! " saad ko. Nakakahiya naman kasi dahil sya pa talaga nakakita saakin haha!

Tinignan ko ito at nakangiti pa rin sya, wala naman alinlangan na niyakap ko ito. Sa pagkakabigla nito ay niyakap nya ako pabalik. Taka naman sya na tinignan ako!

" Ah sorry, nabigla lang ako sa presensya mo. " saad ko kaya ito napansin ko na namula ito sa sinabi ko.

" O-okay lang haha, " saad nito saakin at tinapik tapik nya ako. Shuta! diko alam kung ano nafefeel ko ngayon.

Iba na ata ito eh!

Ay hindi, malakas lang topak mo sakanya self haha! Dahan dahan ko naman sya tinignan at kita ko kung paano nya pagmasdan ang kalawakan.

Nagtaka naman ako kung paano sya nakapunta dito. Kaya nagtanong naman ako agad.

" Ano nga din pala ginagawa mo dito? paano ka nakapunta? "

" Yun ba? malapit lamang tinutuluyan namin dito, kaya nang makita kita pinuntahan kita. " pinuntahan daw nya ako.

Pinuntahan nya ako?!

Takte! Gusto ko magdiwang, gusto magdiwang ng mga puso ko haha!

Grabe, sa simpleng sabi nya kinilig na ako ng husto. " ah Justin ayos ka lang? " pagtatanong nya saakin kaya nabalik ako sa huwisyo.

Mabilisan naman ako tumango sakanya, baka magmukha akong baliw sa harapan nya ih! yari tayo baka matawa sya.

Pero if ever, baka sa ganon paraan mapatawa ko sya haha! diba?

" Sorry natulala, sobra kasing inosente mukha mo at mukha pang anghel! "

" Ano kaba naman, binobola mo na ako ah! hahaha?! " namula ako dahil bigla sya natawa. Napangiti tuloy ako ng lihim.

Madali ka lang pala mapangiti at mapatawa Francine Miracle, remember what i said? she's mine. Diko hahayaan na maagaw sya saakin ng iba.

" Osya dyan kana, aalis na ako baka hinahanap na ako nina Hanna. "

" Sige ingat ka ah? " saad ko kaya tumango ito na may ngiti sa labi.

Hindi pa naman sya nakakalayo ng bigla ko sya tinawag.

" Francine! " sigaw ko sa pangalan nya. Kay sarap pakinggan ng pangalan nya sa tenga, wala nang mas gaganda pa sa pangalan nya.

And i swear it!

" Bakit? " curious naman sya lumingon saakin.

dali-dali naman akong niyakap sya at sinakop ang mga labing matagal ko nang hinahanap, her lips it feels like cherry. Malambot pero nangingibabaw ang sarap nito sa labi ko.

Alam kong nagulat sya sa pakikitungo ko, kaya't ng bitawan ko mga labi nito ay nakapikit pa din sya. I chuckled kaya't binigyan ko sya ng kiss ulit but it's a smack now.

" Ba-bakit? --bakit mo ginawa iyon?! bakit moko hinalikan?! " utal nyang saad pero nangingibabaw pa rin at gitla nito sa boses.

Oh is she irritated now? No way! akala ko naman magugustuhan nya iyon?!

Until she slapped me -- PAK!!

napahawak naman ako sa pisnge ko. Grabeng pagmamahal naman iyon Francine Miracle! Napangisi naman ako sa naisip ko. I'm the only one who will tamed her, at walang makakapigil sa gagawin ko sakanya.

***

Francine Miracle's POV

How dare him to steal my first kiss?! who is he to do that, yes he's an idol an actor. But how dared him to kiss me?! he's a thief. KISS STEALER.

PATAY SYA SAAKIN!

tengene naiiyak naman ako bumalik sa dorm, at alam kong magtataka sila saakin. Gusto ko man bawiin ang halik nya pero ayoko! baka naman isipin nya na agresibo ako.

HMP! HUMANDA TALAGA SYA, NAKO! MAKIKITA NYA TALAGA KUNG SINO AKO.

" Oh napano ka naman? " napansin ako ni Christine na nagwawalis sa labas.

Alam ko nakapamewang na ito.

" Akala ko naman magpapahinga ka, ba't ang bilis mo naman? " Takang saad naman ni Hanna habang papalabas ng dorm.

hanggang sa madaan ko si Ann sa sala.

" Oh napano yon? dere-deretso lang at walang pinapansin? " takang saad ni Ann with matching turo pa saakin.

Mga napansin ko lang iyon sa peripheral vision ko. Tsk!

Yung Justin na iyon.

Yung JUSTIN DE DIOS NA IYON?! Nakakainis sya, nakakainis!

inis kong sinarado ang pintuan at inis na pinunasan ang labi ko. At kahit anong punas pa ang gawin ko dito, ay nahalikan na nya ako! navirgin na nya lips ko?!

Inis naman akong nagsaklob ng kumot. Para akong ewan na nag aalien words dito! Dinig ko pa nga tawanana nina Hanna saakin sa labas.

Shuta! kung alam lang nila.

Taming Francine Miracle ( Sb19 Justin Fanfic ) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon