55

124 6 2
                                    

55 ( trust again )














***

Justin's POV

Ilang buwan ang makalipas ay okay na ang lahat, okay na din kami pati na din ang relasyon namin. Wala na kaming haharapin na malakimg obstacle kundi ay gumaling na lamang sya. Doon malaki na agad ang pag papasalamat ko dahil, hindi nya hinahayaan na mawala sakin ang mahal ko.

Nasa kwarto nya ako at nakahiga sa kama, nag eedit din ng vlog ko at the same time ngunit sa kalagitnaan ng ginagawa ko ay tinawag naman nya ako.

" babe? "

" Yes what is it? "

" I want you to pick my dress for today? Ano mas maganda? " sambit nya sakin.

Nang makita ko naman sya ay may dalawa na syang hawak na Dress. Napangiti naman ako dahil parehas na maganda ang napili nya, ngunit ay naguguluhan naman sya kung ano isusuot nya.

" let me see?-- hm i think the right one dress, especially maganda ka naman kahit ano isuot mo! " pag papaliwanag ko naman ng pumili ako ng isa.

At isa pa, kahit walang occasion ay pinapayagan ko naman sya mag suot ng dress. Basta ako lang makakita! Dahil ayoko lang na mabastos sya ng mga kalalakihan. And for being a man, i want to protect her at all cost.

Alam naman nya ang limit nya sa pananamit dahil, mas nagugustuhan ko ang pagiging simple nya. Yung mismomg jeans at t-shirt lang ay ayos na sakin! Dahil alam ko sa sarili na hindi sya mababastos sa ganong kasuotan.

" Babe? " sambit nya upang ako ay mabigla sakanya.

Nalinga lamang ako sa pag eedit ay nasa tabi kona sya at yapos yapos ako. Napakamg cute naman oh! Nilabanan ko naman ang yapos nya at nag cuddle na lamang kami.

Ngunit sa kalagitnaan na iyon ay napa isip naman ako, alam kong mahal nya ako ngunit buo na ba ang kanyang tiwala sakin? Ilang beses ko na sya nasaktan, kaya naman lumalim ang isipin ko. Sa paraan na this time na hindi ko sasayangin ang tiwala na iyon.

" Babe? Natulala kana, ayos kana? "

" Ha? Ah wala, may iniisip lamang ako! "

" Ano naman iyon? "

" Iniisip ko lang kung paano ko makukuha ang tiwala mo ulit. "

" Huwag kana mag alala, dahil once na binigay ko ulit yon ay hindi ako mag dadalawang isip na ibigay ulit yon. " nakangiting sambit nya.

" I love you! "

" I Love you too! " nagpalitan lamang kami ng salita. Kung saan pinapadama namin ang pagmamahal ng isa't isa.

Matapos ay umupo naman kami sa kama at nag usap ng matino, dahil ang usapan namin ay tungkol sa tiwala nya.

" Paano kung isang araw ibigay ko ng buong buo ang tiwala ko? Anong gagawin mo? " sambit nya sakin habang pinag mamasdan ang mukha ko.

" Magiging masaya ako, at isa pa mas parte iyon sa relasyon natin. Yun mismo ang magpapatibay ng relasyon natin! At mas lalong hindi ko sasayangin ang tsansa na iyon. Mas mamahalin na kita ng higit ngayon! "

" I love you, thank you for loving me! " sambit nya bago nya ako hawakan sa pisnge.

Hinawakan ko ang kamay nya at ninamnam ang sandali. I can't help it! Unti unti ko inilapit ang mukha ko sa mukha nya. Sa sandaling ito ay parang iisa lang ang tibok ng puso namin, at sa sandaling naglapat ang labi namin ay naging mapusok ang halik ko.

Yung mismong ramdam nya ang pagmamahal ko. Nawala ang halik ko sa labi nya at hinalikan ang mga parte na pwedeng halikan, bago iyon mapunta sakanyang leeg.

Taming Francine Miracle ( Sb19 Justin Fanfic ) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon