EPILOUGE ( A FINAL GOODBYE CHAPTER )

178 5 0
                                    

Epilouge















***

Justin's POV

Ilang oras ng makabalik kami sa Pilipinas ay nandito na din kami, nakatulog ang asawa ko biyahe kaya't gising na din ito at kasama ko patungo sa barkada. Sa di kalayuan ay kitang kita namin ang barkada kasama mga magulang namin.

Napaka ganda lang na isipin na nakilala ng mga magulang namin sila.

Kinawayan naman sila ng asawa ko dahil sa tuwa. Sa sobrang tuwa ay kitang kita nito ang barkada kahit malayo pa lang. Nakakatuwa naman at may ganyan siya na ugali, napaka ganda. Lalo ay nag tutugma ito sa ganda nya.

At yun ang dahilan kung bakit nahulog ako sakanya.

" Kamusta Jah? ang honeymoon kamusta? Maayos ba ang pahinga n'yo roon? " pangangamusta ni Josh sakin.

" Aba'y huo naman! kayo talaga, " matawa tawa naman na sambit ko sakanila. " Eh kayo kamusta kayo dito? hindi ba kayo naghasik ng lagim? " dagdag na sambit ko naman sakanila. Kakilala ko ang mga ito eh! Lalo na pagkasama nila ang kamiyembro ng asawa ko.

" Kami pa? sa airport nga naghahasik na kami ng lagim. Sa ibang lugar pa kaya? " birong sambit ni Stell sakin.

" Grabe! hanggang ngayon, hindi ko pa rin inaasahan na kasal na si Jah! " nag salita si Ken na hanggang ngayon ay namamangha pa rin sakin.

Bakit di pa kasi ayain si Hanna magpakasal? Wala pa ata sa bokabularyo n'ya iyon haha!

" Nauna pa ang bunso kesa sa kuya! " hirit ni Pablo.

" Yun bang sinasabi mo, eh mukhang kuya? " sa asar naman ni Josh ay humirit na din ito.

" HAHAHAHAHA!! " pinag tawanan na lang namin sila ni Ken.

" Ang hirap pag middle child, lagi akong nasa gitna ng gulo! " sambit ni Stell.

" Middle child kaba? ilan ba kayong magkakapatid? " at ito naman si Ken sa pagiging lutang. 

" Ilayo nyo nga ako dito, pag ito nasakal ko! Nagbibiro lang ako Ken ano ba!  " sambit ni Stell na may halong biro at inis. 

" Iba talaga nagagawa ng mga lutang! HAHAHAHA!! " tawang tawa na saad ni Ann dito.

" Hoy! hindi ako lutang ano! " sambit ni Ken dito.

Ang cute naman n'ya! dibale mas gwapo naman ako.

Nilapitan naman ako ng asawa ko at mukhang nagpapalambing. Niyapos ko na lamang s'ya upang maging maayos na agad ang kalagayan nya. Ngunit sa pagitan ng biyahe namin ay nagsalita si Stell, dahil mukhang nakaisip ito ng katarantaduhan.

" Alam n'yo naba ang alamat ng lagari? Kung hindi pa, makinig kayo sakin at magkukwento ako! " hirit ni Stell na mukhang gumagawa ng kuwento para lang mapatawa kami.

" Stell ayan kananaman! " suway ni Pablo sakanya.

" HAHA! Siraulo kasi dalawang yan eh " natatawang sambit naman ni Josh.

*** ( Flashback )

Stell's POV

Tanghaling tapat nagluluto ako ng dumating si Ken at may dala itong love letter. Naasiman naman ako dahil baka galing iyon kay Hanna, ngunit iniisip ko din baka galing sa fan.

Hindi ko na iyon pinansin hanggang sa magluto na lang ako, umakyat naman din si Ken sa itaas at hindi na muli bumaba.

Habang naghahain naman ako ay dumating yung dalawa. May pinuntahan ang mga ito kaya't ngayon lang nakabalik. Nandito kami sa studio at nagpapractice para sa comeback, kahit nasa honeymoon yung isa ay tuloy tuloy pa rin comeback namin.

Taming Francine Miracle ( Sb19 Justin Fanfic ) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon