Chapter Eight - One Week Trip Pt.1

73 5 0
                                    

Chapter Eight- One Week Trip Pt.1|by TheOnlyOneBlueStarr

- Gian's POV -

"Whaaaat?! One week?!"- sabi nung nagbabantay dito sa guidance..

Nagpapaalam kasi kami ngayon kung pwedeng umabsent eh. Humihingi kami ng excuse permit sa guidance. At eto sya ngayon, wagas kung maka react. Hahaha.

"Yeah sir, one week lang naman eh."- pamimilit ni Sheann.

Nagdadalawang isip pa yung bantay dito. Baka daw kasi sya ang mapagalitan. Hahahahaha.

"But---"

"No buts sir, pag hindi nyo kami pinayagan, isang linggo kaming manggugulo dito sa buong university.. Magvavandal kami, mangbubully, or whatsoever pa. Kaya please sir, payagan nyo na kami. Kung hindi, isusumbong ka namin sa mga magulang namin"- pananakot ni Kurt.

Well, yung mga magulang namin ay kasama sa mga share holders dito sa school.

Nanlaki naman yung mata nung bantay dito at mabilis pa kay flash na pinirmahan yung excuse letter namin.

Lakas talaga ng topak nito ni Kurt. Lahat na ay ipinagmayabang nya. Sa barkada nga namin eh, sya ang pinakahumble. Hahahahahaha. Alam na that. XD

Kinuha naman na ni Kurt yung letter tapos nauna ng lumabas dito sa guidance. Pag labas naman namin, nandun na sila naghihintay sa labas. Hahahahaha. Pasaan ba kami? XD

Papunta kaming Hundred Islaaaaaands~~

Magsiswimming kami. XD

De joke, yung nanay kasi ni Troy bumalik dito sa Pinas at nag-ayang mag out of town.

"Grabe ang tagal nyoo."- Shandy na nakabusangot.

"Wow. Balik pa ulit kayo dun, masyado kayong mabilis."- sarkastikong sabi ni Jewel.

Sila kaya ang mamilit dun?! Eh halos patukan na kami ng litid dun para mapapirmahan yung excuse letter eh.

(Kung makareact akala mo naman ay sya yung nakapagpapirma. Hahahaha)

Atleast, tumulong ako. XD

"Yieeee~ Hundred Islaaaaands!\(*O*  )/"- Ann at Jen.

Wow ha. Excited talaga sila? Hahahaha.

"Kelan ba tayo aalis?"- tanong ni Shandy kay Troy.

Para-paraan. Hahahaha

"Bukas ng madaling araw. Kaya mag-ayos na kayo ng gamit nyo na pang isang linggo."- paliwanag ni Troy samin.

"Haaaa? Madaling araw?! O.O"- sabi ni Kurt.

Ayan nagreklamo na. Ang dakilang maagang gumising. Hahahaha.

Teka, asan nga ba si Yvette? Lagi ng nawawala yun eh. Napapaano ba yun? Kaya masama na may napapahiwalay na section sa barkada eh.

-------------------

-Jewel's POV-

"Anong meron?"- letanya ni Yvette ng makarating sya dito sa bahay.

Ilang araw na tong gantong oras umuuwi.

Napatingin ako sa orasan, 11pm na. San ba naggagagawi to? Parang napapalayo na sya samin eh.

Walang sumagot samin sa tanong nya. Mga busy mag-gayak. Hahaha.

"Hey guys, bakit may mga maleta? Aalis na ba kayo?"- tanong nya pa ulit.

Wala paring sumasagot samin. Para kasing nagkakaintindihan kami, parang may nagsasabi ba sa amin ng, 'wag nyo yang pansinin, tamo magdadrama yan, tiwala lang' hahahahaha.

Wala ni isa ang sumasagot samin.

"Ano nga kasing meron?! Bat ba walang sumasagot inyo?! Pansinin nyo naman ako guys oh! May aalis ba o wala?! Bakit may mga maleta?! Bakit?!"- mangiyak ngiyak nyang sabi.

Sabi sa inyo eh. Hahahaha

Maluha luhang tumingala si Shandy mula sa kanyang pagkayuko, kitang kita sa mata nya na nagpipigil sya ng tawa pero halata mo parin ang pagkaawa sabay sabing, "Oo Yvette, may aalis."

Nagkatinginan kaming lahat na halos mamatay na kakapigil sa tawa namin. Hinihintay namin ang irereact ni Yvette ng biglang bumungisngis ng tawa si Ann. Punyetang yan, panira ng moment eh.

Isa isa naman kaming tiningnan ni Yvette kaya hindi na namin kinaya, humagalpak na kami ng tawa. XD

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

"YUNG MUHKA MO YVETTE!"

"WHAHAHAHAHAHAHA. KAWAWA!! XD"

Sa asar ni Yvette, ibinato nya kay Gian yung folder na hawak nya. Pero imbis na si Gian ang tamaan, si Shandy ang natamaan.

"Aray! Wala namang ganyanan! Hahahahahahaha"- sabi ni Shandy na patuloy parin ang tawa.

"Ano nga kasing meron?"- nakapout na sabi ni Yvette.

"Mag-a-out of town tayo. Kasi naman eh, laging wala. San ka baga naggagawi ha?"- pang uusig ni Gian.

Nagliwanag naman yung mata ni Yvette sabay tumakbo papunta sa kwarto nya.

Aba. Excited mats?! Hahahaha.

------------------
A/N: Guys, sa tingin nyo sino yung secret person? Hahahahahahahaha. Parang obvious yata eh. XD Ge bye
/walampake/

Ayos lang po ba tong story? Whahehehehe. Ask lang :)

You're My Light Behind The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon