Chapter Eight- One Week Trip Pt.5

46 4 0
                                    

Chapter Eight- One Week Trip Pt.5|by TheOnlyOneBlueStarr

- Troy's POV -

"Ano na anak? May naiwan pa ba dyan?"- tanong sakin ni mama.

Paalis na kasi kami dito sa Alaminos eh, next trip naman ay sa Baguio. Malapit lapit lang yun dito, ilang oras lang ang byahe.

Tsinek ko ulit kung may naiwan pa kami dito sa cottage na parang bahay na nirent namin. At oo, may naiwan. Yung sandamakmak na basura. Hahahaha

"Maaaa! Andaming naiwan!"- sigaw ko. Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo si mama pabalik dito.

"Mga basura. He-he ^_^v"- dugtong ko pa.

Sinamaan ako ng tingin ni ermats. Hahahahaa. Sabi ko nga seryoso sya :3 At nagsimula na syang maglakad papunta dun sa sasakyan.

"Hoy troy! Bilisan mo na dyan!"- sigaw ni ate camz. Bilis bilis naman akong tumakbo at sumakay ng van.

*toot.toot.*

One Message Received

From: ShandreaBby ♡ (Sya nagsave nyan. Haha)

"Off to Baguio. Thanks sa libreng field trip MyLabs. :*
- Ingat sila samin. Hahaha :)

Gm. #Confused.

End of Message.

Napangiti ako sa GM nya. Hahahaha. Ang kulit kasi eh XD

To: ShandreaBby ♡

Yer welcome bby. Hahaha. Why yer confused? ^^

Sent!

Feel na feel ko yung pangalan nya sa contacts ko. Hahahaha. Kawasat sya XD

Haist naku. Nahihilo na ako, ang sakit pa ng balat ko kakaligo sa dagat. Ang hapdi -_-

One Message Received.

From: ShandreaBby ♡

Hahaha. Wala yun, walanya kayo. Andami nyong nagsipagreply XD Buwahahahahahaha.

End of Message.

Eh sino ba naman kasing hindi magrereply dun, confused daw sya. Minsanan lang kaya yan magdrama sa GM. Pero madalas sa personal. Hahahaha

-

- Shandy's POV -

Whaaaaaaa~ kinikilig akoooo! Wanna know why? Hahahaha. Kasi naman, bby daw sabi ni MyLabs. Sinong hindi kikiligin dun?

One message received.

From: MyLabsFrvr.♡

Ah? Wala ba? Hahahaha. Lakas ng trip mo ah!! Matulog ka nalang dyan. Bat kasi dyan ka umupo sa dulo eh.

End of Message

Punyetang yan, nilalandi na ako ni MyLabs T_T Hindi ako sanay, pero mas bet ko pag ganyan sya. Landi kooo~

Hindi naman sa nag-aassume ako, pero parang nag-aassume nga talaga ako. Hahahahaha. Feeling ko, labs nadin ako ni MyLabs ko. Kabog kayo sa beauty ko!

One message received.

From: MyLabsFrvr.♡

Hey. Di ka na nagreply, tulog ka na? Kung ganun, sleepwell. Dream of me bby :)

Asdfghjkl. Papatayin ako sa kilig ni Troy! Whahahahhahaha. Hindi ko muna sya rereplyan, malay nyo may kasunod pang 'i love you' XD Whahahahaha. Landi ko talaga, mapapaihi ako ng wala sa oras eh.

-

- Camille's POV -

Hi. :)

Ako nga pala si Ezra Camille, kapatid ni Troy at Trey. Ate nila ako, pero isang taon lang ang tanda ko kay Troy at dalawang taon naman kay Trey.

Katabi ko ngayon dito sa van si Shandy na may katext. Pasimple akong nagbabasa ng texts at yung response nya. And yung katext nya? MyLabsFrvr.♡ daw nya, pano na yan? May lovelife na si Shandy? Pano na si dalawang kapatid ko? Ay naku naku! Ang haba ng hairdu nya! Sinong may gunting dyan? Babawasan ko lang tong buhok nya, natatapakan ko kasi eh. Hahaha. Joke!

Ow well balon, alam ko na ex sya ni Trey. Sinubaybayan ko nga Lovestory nila eh. Pero ayun, yung Thinking Out Loud lovestory nila, naging 'Hate to see your heartbreak' yeaaaa.

Btw, alam ko din lahat ng nangyari kay Shandy. Kawawa nga sya eh, mas kawawa pa kesa nung nasaktan si Trey. Kasi naman, after nilang magdate ni Trey nun, nagpasundo ako sa kay Trey. Nasa bahay kasi ako ng classmate ko nun. Edi ang nangyari, hindi na naihatid ni Trey si Shandy.

Nalaman laman ko nalang kina mama na nasa ibang bansa na si Shandy, dun daw sya pinapagamot. Naaksidente sya nung gabing hindi sya naihatid ni Trey. I felt sorry for her, bad, full of regrets. Nakakapangsisi, dapat pala kay Troy nalang ako nagpasundo that time at hindi kay Trey. Edi siguro, sila parin until now at hindi nagkaron ng amnesia si Shandy. Hindi narin namin pinaalam kay Trey yung nangyari, si Troy naman, hindi pa nya kilala si Shandy. Laking gulat ko nga nung nalaman kong magkabarkada na pala sila ni Shandy at Troy.

Haist.

Balang araw malalaman ni Shandy yung totoong nangyari. At sana, mapatawad nya pa yung mga taong naglihim sa kanya. Family namin, family nila Jewel at yung mismong pamilya ni Shandy. Mas pinili naming wag ng ipaalam kay Shandy yung about sa amnesia nya.

You're My Light Behind The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon