Chapter Eight- One Week Trip Pt.4

55 5 0
                                    

Chapter Eight- One Week Trip Pt.4|by TheOnlyOneBlueStarr

- Shandy's POV -

"Hoooy! Manong safe ba sumakay dyan?"- nag aalalang tanong ni Sheann.

Well, sasakay kasi kami ng bangka. Pupunta kami sa mga isla dito sa hundred islands. Pero hindi namin pupuntahan lahat ng isla, hindi kasi pwede eh. Hahahahaha. Iilang isla lang daw yung pwedeng puntaha. Edi wow~

"Oo naman utuy, ligtas to. Marami ng nakasakay dito."- sagot ni manong na bangkero kay Sheann.

"Sure kayo manong? Sure po kayo ha? Sure na sure?"- isa pang pangungulit ni kurt. Ganon ba talaga nila kamahal ang buhay nila? Hahahahaha.

"Oo nga utuy, kayo'y magtiwala nalang sa panginoong maykapal na makarating ng ligtas sa ating paroroonan."- pagmimisa ni manong.

Yung iba naman naming kasama, nakasakay na sa ibang bangka. Kami nalang talaga yung hindi pa nakakasakay. Kaming buong barkada kasi sa isang bangka eh, saktong sampu kami. Para ngang ayaw kong sumabay sa kanila eh. Sa kakulitan nila, pwedeng tumaob yung bangka. Edi kung ganun, kay James ako tatabi para may salbabida ako. Hahahahahahahahaha. Joke!

"Manong totoo ba yan? Is it true? Is it real? Is it real?"- Jen.

"Dan dan dan, dalandan. Dan dan dan sarap ng reaaaaal~~"

Napatingin kami kay Gian at James na magkaakbayang kinanta yung dandandan ni Kendra. Hahahaha. Ang kyut lang!

"Tara na nga guys!"- Jewel.

"Tara na. Tamo sila, nakaalis na."- Troy.

Nakikinig lang ako sa mga usapan nila. Hahahaha. Wala ako sa mood makigulo eh, masyado akong maraming nakain kanina. :O napasobra sa paglamon. XD

Nagtuturuan sila kung sinong mauunang sumakay dun sa bangka ni manong. Kamot kamot na sa batok si manong bangkero sa kakulitan ng mga kasama ko. Kahit ako pag ganyan ang kaharap ko, mabubwisit din ako sa gulo nila.

"Hoy ikaw muna!"- turo ni Gian kay James

"Sila muna!"- James.

"Dali na kasi!"- Yvette.

-________- Ang gulo nila, I SWEAR.

"Yano kayo! Makakarating tayo oo man."- sabi ko tapos nauna ng sumakay dun sa bangka, medyo natatakot nga ako nung pagtungtong ko sa bangka eh. Para kasing maa-out of balance, pero inaalalayan parin ako nila manong.

Umupo na ako, sunod sunod narin silang sumakay dito sa bangka. Umupo sa tabi ko si Jewel. Namimiss ko ng kulitin to, this past few days kasi sya yung nangungulit sakin. Yanong bata ito. XD

Nang makasakay na kami lahat, sinimulan ng paandarin nila manong yung bangka. Dalawang bangkero ang nag-aassist sa isang bangka. Para sure na safe! Hahahaha.

-

Humigit kumulang isang oras kaming nakasakay sa bangka ng makarating na kami dito sa isang isla.

Isa isa na kaming bumaba sa bangka at magkakasunod na pinagmasdan yung lugar. Shet, ang ganda dito!

"Welcome to Quezon Islands ma'ams, sirs. I'm Jhen Roque. Nice to meet you all. :)"- nakangiting pagbati samin nung tourist guide siguro dito.

"Ahh.. miss, ano po bang gagawin namin dito?"- tanong ni Kurt.

Ano nga bang gagawin dito? Hahaha. Patuloy parin ang pagtingin ko sa paligid. Naaamaze kasi ako eh T^T Ang ganda ng place, isipin nyo nalang na sa Pilipinas ipinagkatiwala ang ganto kagandang lugar.

"Ahm, sir aakyat po kayo dun sa taas kung gusto nyo. May mga iba't ibang activity sites din po dun. Dun nyo po malalaman kung ano anong pwedeng magawa dito. :)"- paliwanag ni ateng tour guide.

At ayun nga umakyat kami dun sa taas ng isla. XD Edi wow, ang astig.

-

Woooow *u*

"Oy tara sasakay sa Zipline!"- pang aaya ko sa kanila. Pero walang pumapansin sakin :3 matagal ko ng gustong sumakay sa mga zipline eh. Ang kaso, wala laging guatong sumama.

"Sis, magiisnorkling kami lahat. Ikaw lang ang sasakay sa zipline."- jewel.

Ang daya naman nun! Kung ayaw nila, edi wag nila. Ako nalang magisa ang sasakay. Yung zipline kasi dito ay ang astig, simula sa isang isla na to hanggang sa isa pang isla. Oh diba nice? Kaya gustong gusto kong sumakay.

Kinuha ko yung cellphone ko tsaka yung monopad ko. Matupad man lang yong pangarap kong makasakay ng zipline, masaya na ako.

"Osige, sunod ako sa snorkling."- sabi ko tapos nagpaalam na sa kanila tapos nagsimula ng kausapin yung nag aassist dun sa zipline.

-

OhMyGhaaaaad! Eto na! Eto na! XD Nakaayos na lahat ng gears sa katawan ko, at kulang nalang ay yung umandar ako papunta sa kabilang isla.

"Ready ka na miss?"

"Ready na po manong! Hahahaha. Kaexcite!"- sabi ko tapos ay sinimulan ng bitawan yung tali.

WAAAAAAAH ETO NAAAAA!

"WOOOOOOOHHH!!! SHEEEEET! I WILL KING THE WORLD WOOOOOOOO!! ANG SAYAAAAAAAA!!!"- sigaw ko habang patuloy na naglalakbay sa ere.

------------

- James's POV -

Naglalakad na kami ulit pababa para magsnorkling ng makarinig kami ng isang sigaw.

"WOOOOOOOHHH!!! SHEEEEET! I WILL KING THE WORLD WOOOOOOOO!! ANG SAYAAAAAAAA!!!"

Nagkatinginan kaming lahat at napatingin dun sa sumisigaw sa ere. At boom! Si Shandy! Mag isang nakasakay sa zipline! Ang tigas talaga ng mukha nun. Pero ang saya sumakay duuuun!

Nagkatinginan ulit kaming lahat...

"Si Shandy yun ahhh!!"

"Wuhaaaaaaaa~ Gusto ko rin!"

"Tara balik tayo!!"

Tapos ayun, tibakbo ulit namin yun para makarating agad dun sa may sakayan ng zipline. Sasakay din kami! Nakakainggit kasi yung pagsigaw ni shandy. Hahahaha

You're My Light Behind The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon