Chapter 2 - Roommate

91 9 2
                                    

Astaria's Pov.

" One of us and chosen one? Pwede po bang paki-explain at paki-elaborate in a possible term na mas maintindihan po namin kasi malapit na talagang maloka ang utak ko!" -Chloe.



Tumingin naman ito sa amin bago tumayo mula sa kanyang pagkakaupo at nagsimulang nagpaikot-ikot sa kanyang kinatatayuan. Maya-maya lang din ay huminto na ito at tumuwid ng tayo, isinuksok nito ang mga palad sa kanyang bulsa.



"Let's just say... you accidentally entered a not so normal school." makahulugan nitong sambit sa amin na syang ikinatakha namin.



Wait, what?



Sinabi ba nyang school?Kumunot ang noo ko. "School po?"



"Yes." pagtango nito. "This is Arcanus Academy, where...all of the Immortal beings exist."



Napatingin ako kay Chloe nang bigla na lamang itong tumawa ng malakas. Anong nangyari dito?



Hinampas hampas pa nito ang braso ko habang patuloy pa din sa pagtawa. Nang mapansin nitong nakatingin lamang kami sa kanya ay agad itong umayos ng upo at pinilit magpoker face. "Hindi ko naman po alam na may taping pala dito. Pasensya na po."



Napalingon naman ako sa paligid, wala namang kahit anong uri ng mga camera dito. "Huy, Chloe, ano bang ginagawa mo? umayos ka nga." mahinang pagsaway ko dito. Baka mamaya ay mainis sa kanya ang lalaking ito at kung ano pa ang gawin sa amin.



Tumikhim naman ang headmaster dahilan upang mabaling sa kanya ang aming atensyon. "I bet hindi pa din kayo naniniwala."



"Sino ba naman kasi ang maniniwala na totoong nag-eexist ang mga Immortals? It is just always in a Fantasy movies."



Napapansin ko naman na habang tumatagal ang usapan namin ay mas lumalayo na kami sa topic. "Sir, hindi po ba pwedeng ituro ninyo na lang ang daan palabas para makauwi na kami? Naghihintay po kasi ang kaibigan namin sa labas." I asked.



"Shit! oo nga pala, nakalimutan natin si Maxine. Baka kanina pa nya tayo hinihintay na bumalik."



"Who's Maxine?"



"Kaibigan po namin sya at naiwan po sya doon sa gubat kaya kailangan po namin syang balikan, baka kung ano ng nangyari sa kanya. Paniguradong nag-aalala na din iyon sa amin ngayon."



"Hmm... I see." sumenyas ito sa mga kawal. "Search the area." utos nito at madali naman ang mga itong nagsilabasan.



"Saglit! ano pong gagawin nila? Sasama kami, baka patayin po nila si Maxine!" naghi-hysterical na sambit ni Chloe kaya't hinawakan ko ito sa kanyang kamay upang kahit papaano ay kumalma sya.



Naiiling naman na bumalik sa kanyang kinauupuan ang Headmaster. "Don't worry, they are not like that. Hindi sila basta-basta gagawa ng kung ano lalo na kung wala iyon sa ipinag-uutos ko."



"Kaya pala, kulang na lang ay saksakin nila kami kanina..." mahinang asik naman ni Chloe.



Isang matagal na katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng Headmaster's Office. Kinuha ko ang pagkakataon na ito upang ilibot ang aking paningin sa paligid. It was a modern type of office, katulad lang din sa mga nakikita ko sa cities... pero ang kaibahan lang ay wala man lang akong makita na electronic device like mga gadgets... tanging Ceiling fan, aircon at isang makalumang telepono lamang ang narito.



"So, tell me, paano ninyo ito natunton? I mean, you know... malay ko ba kung baka pinapunta lang kayo dito ng mga Dark sorcerers para mag-espiya sa palasyo, especially sa amin?" turan nito at pinukulan kami ng nagsususpetyang tingin.



I am your Lionheart, Darling.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon