Astaria Dion's Pov.
"Ang first subject natin ngayon ay History at matatagpuan ito sa 3rd floor, room 28." sambit sa amin ni Sunny habang tinitignan ang schedule na ibinigay sa amin. Mabuti na nga lang at karamihan sa mga subjects na meron kami ay kaklase namin sya, except nga lang sa spell class. Wala kami noon, dahil nga wala naman kasi kaming archi.
Kumunot naman ang noo ko. "1 hour lang ang klase bawat subject?" takhang tanong ko.
"Yep, bakit ayaw nyo ba?" pagtataas sa amin nito ng kanyang kilay.
"Gusto syempre, nagtatakha lang ako kasi bakit 1 hour lang? I mean, sa Mortal world kasi ay mahigit isa't kalahating oras ang klase, yung iba pa ay madalas nag-eextend kapag kinulang." sambit ko.
"Oo, sinabi mo pa. Kung minsan nga ay hindi na kami nakakakain dahil bababa pa lang kami ng room ay nandyan na agad ang susunod na teacher." pagsang-ayon naman ni Chloe.
"Ah, iyon ba?" natatawa nitong tugon. "Well, dito kasi ay 1 hour lang talaga, except sa spell class at sa training. Mostly inaabot kami ng 3 to 4 hours pero hindi ka naman mababagot dahil exciting ang bawat part na nangyayari sa loob niyon. And for regular class naman is limit lang ang oras para the rest ng time ay pwede mo ng igugol sa pagpapahinga o pag-aaral sa may library." mahabang pagpapaliwanag nya. "At tsaka isa pa, madalas tayong magkaroon ng mahabang vacant time kaya pwede tayong maglibot." dagdag pa nito.
"Ang galing naman ng schedule nyo." ani ni Chloe.
"Oo, kaya tara na, guys. 5 minutes na lang baka malate pa tayo." sagot nito at tumingin sa kanyang orasan.
Nang makarating na kami sa sinasabing classroom ni Sunny ay nakakamanghang napakalaki pala niyon sa loob, madami din ang mga studyante na naroon at nakaupo ngunit hindi pa din dahilan iyon upang mapuno ang lahat ng upuan.
Naunang pumasok si Sunny sa loob kaya't sinundan naman namin ito. Dumeretso sya sa pinakadulong bahagi ng silya. Bakante ang mga ito at tanging si Sunny lamang daw ang madalas umuukupa. "Ikaw lang ba talaga ang nakaupo dito?" tanong ko.
"Hindi naman. May isa pa akong kasama sa row na 'to pero hindi sya madalas pumasok kasi busy sya sa council."
Tumango-tango na lamang kami at inilapag na ang mga gamit namin, bale si Sunny ang nasa tabi ng bintana at napapagitnaan naman namin si Chloe. Nang makaupo na kami ay ngayon lang namin naramdaman na nakatahimik na pala ang lahat nang makita kami, pawang mga nakatingin ito sa amin na para bang kinikilatis ang itsura namin. Katulad lang din noong una naming paglabas sa Academy. Ganito ba talaga ang mga studyante dito, hindi ko kasi maiwasan na ma-concious sa mga tingin nila. Hindi ko alam kung ano ba ang mga laman ng isip nila about sa amin.
"Ganito ba talaga ang mga tao dito?" pagsasatinig ni Chloe sa naiisip ko.
"Ngayon lang yan, gaya nga ng sabi ko sa inyo ngayon lamang ulit sila nakakita ng bagong studyante. Hayaan ninyo na lang, hindi naman magtatagal at masasanay din kayo."
Napahinga naman ako ng maluwag nang maya-maya lamang ay magsibalik na din sila sa kani-kanilang pinagkakaabalahan...
"Goodmorning, class." pagbati ng kapapasok lang na isang babae, sa tingin ko ay mga nasa 30's pa lamang ang edad nito.
Inilibot nito ang kanyang mga mata sa kabuuan ng silid hanggang sa lumapat ang tingin nya sa aming dalawa ni Chloe. "Ang balita ko ay may mga newcomers ang Academy, tama ba?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
I am your Lionheart, Darling.
FantasyThere was a three women who will enter a forest with no certainty of what awaits for them inside... In the deepest part of their journey they do not expect that they will be carried by their own foot in a hidden school which called Arcanus Academy. ...