Chapter 13 - Confused

53 6 0
                                    

Astaria Dion's Pov.

Halos magkandarapa ako sa pagpasok sa Headmaster office, ni hindi ko na naisip pang kumatok. “Headmaster, nandito na po lahat ng mga documents na kailangang ipasa. Na-recheck na din po yan kaya siguradong tama ang mga pagkakasunud-sunod.” sunud-sunod kong wika at inilapag lahat ng documents kanyang table. “Ito naman po yung mga scores na naka-encode na-” Naputol ang pagsasalita ko nang sumingit ang Headmaster.



“Wait a second. Lahat ng ‘to tinapos mo lang ng isang araw?” hindi nito makapaniwalang tugon. “Easy ka lang, Ms. Dion. Natulog ka pa ba?”



Umiling naman ako. “Hindi naman po. Katulong ko naman po si Zyke sa pagtapos nyan lahat. Eh, nagkataon po na may kailangan syang puntahan kaya ako na lang ang nagdala dito.” paliwanag ko.



Napatango-tango naman ito. “Ah ganon ba, pero mukhang nagmamadali ka yata?”



“Ah, birthday kasi ni Sunny kaya tinapos ko po lahat ng gawain ko.”



Nabigla naman ako nang bigla na lamang itong mapatayo ng may nanlalaking mata. “What is it today?”



“Uhm... 28th of April, sir.” sagot ko.



“Sh*t, what an idiot I forgot.”



Kumunot naman ang noo ko sa biglaang pagbabago ng mood nya. May ibinubulong sya ngunit hindi ko naman maintindihan, mukha syang frustrated. “Headmaster, may problema po ba?”



Nang mapansin nyang nandito pa ako ay agad itong umayos ng tayo. “Uh-ah wala, it‘s nothing. Ibati at ikumusta mo na lang ako sa kanya. I need to go also, iwan mo na lang lahat sa table ko at ako na ang mag-aayos nyan. Pwede ka na ng umalis.”



“Talaga po?” Madali naman akong yumuko at magpaalam.  “Thankyou, sir!”



Katatapos ko lang sa paglalapag ny mga documents na pinagawa at pinapapasa sa akin ni Zyke sa office ng Headmaster at ngayon naman ay nagmamadali na akong maglakad papunta sa Cafeteria upang kitain sina Chloe at Sunny.



"Tari! mabuti naman at maaga kang natapos ngayon. Akala namin hindi ka na dadating." bungad sa akin ni Chloe nang makarating ako ng Cafeteria, dito daw kasi kami magkita kapag umabot pa ako sa class break hour.



“Oo, sinadya ko talagang bilisan na matapos lahat ng yun. Nakakapagod nga eh.” hinihingal kong tugon. Napalinga linga naman ako sa likuran nya nang mapansing hindi nya kasama si Sunnny. “Teka, nasaan si Sy bakit hindi mo sya kasama?"



“Ayun sya oh.” Itinuro naman nito ang isang shed sa labas ng Cafeteria at nandoon ito nakaupo. “Kanina pa kasi kami nakatayo dito kaya lumipat muna kami. Sinubukan ko lang ulit mag-abang dito at sakto nakita kita.”



Madali naman naming pinuntahan si Sunny sa kanyang kinauupuan at nang makita nya kami ay tumayo na din agad ito.



"Huy, bakit ang tagal mo? Nakakalimutan mo na yata kami." turan nito at ngumuso.



Napakamot naman ako sa sentido ko. "Sorry na, nag-ayos pa kasi ako ng mga documents, kailangan na kasing ipasa sa office ni Sir Santi. Saka ano bang sinasabi mo, pwede ko ba naman kayong makalimutan?" sambit ko ngunit hindi man lang ito umimik.



“Teka, galit ba kayo sakin? sorry na.” Nag-antay pa ako ng kanilang sasabihin ngunit tanging pagtitig lamang ang iginanti ng mga ito sa akin. Ang akala ko ay tuluyan na silang nagtampo ngunit lihim naman akong napangiti nang undayan nila ako ng hindi inaasahang yakap. "We miss you! palagi na lang kasi sila ang kasama mo, nagsisimula na talaga kaming magselos." untag ng mga ito at parehas na pumameywang sa harapan ko.



I am your Lionheart, Darling.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon