Chapter 10 - Gossips

44 4 0
                                    

Astaria Dion's Pov.

Nagtakha naman ako sa paraan ng pagsigaw ni Sunny. Dinaluhan nya kaagad si Zyren at tinignan ang kamay nito. Hindi nga ito umaarte lang dahil mayroon itong sugat sa kanyang palad. Siguro ay nakuha nya ito ng ihulog nya ng pabalang ang Minty ore dahilan upang mabigla ito at sumabog.



Pinaupo nya ito sa isang table at in-inspeksyon ang mga kamay nito. Aligaga itong kumuha ng first aid kit na nasa gilid ng pintuan at sinimulang gamutin si Zyren. Bakit pakiramdam ko ay puno ito ng pag-aalala sa kanya. Hindi ko maintindihan.



Nagkatinginan naman kami ni Chloe at pareho lang ang nasa isip namin. Nakakapagtakha ang ikinikilos nilang dalawa. Kung titignan ay parang wala man lang nagaganap na pag-aaway sa pagitan nila, ginagamot pa sya ni Sunny at hindi man lang sya nagrereklamo. Para silang magbestfriend sa lagay na yan.



Nang matapos bendahan ni Sunny ang kamay nya ay tumayo na din ito at iniligpit ang mga gamit, dumeretso ito sa kanilang professor at nakipag-usap.



"Anong nakain ni Sunny at ginamot ka pa nya." nanunuyang tanong ni Chloe. Agad ko naman itong pinigilan dahil alam kong matabil ang bibig nito baka may masabi pa syang hindi maganda at magkaroon ulit ng gulo.



Napangisi lamang ito sa sinabi nya at napatingin sa kanyang kamay na may sugat. "I don't know." pagkibit-balikat nito. "Why don't you try to ask her?"



"Tari, Chloe, let's go." narinig kong pagtawag na sa amin ni Sunny. Hindi ko man lang namalayan na tapos na pala silang mag-usap ng kanilang professor.



Dire-diretso itong nagtungo sa may pintuan kaya‘t madali namin itong sinundan.



"Thanks, Sunny!"



Narinig pa namin ang walang kasinse-sinserong pagpapasalamat ni Zyren ngunit ipinagsawalang bahala na lamang namin ito. "Sunny." pagtawag namin at tsaka lamang nya kami nilingon.



"Bakit mo ginamot yung bruha na yun? dapat pinabayaan mo na lang sya besides she deserves it. Mukhang alalang-alala ka sa kanya kanina, ni hindi ka man lang nagdalawang isip na daluhan at tulungan sya." dire-diretsong anas ni Chloe.



Gusto ko din sanang masagot kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala nya dito kanina, pero naisip ko na kung kahit ako din naman kanina ay nakaramdam ng matinding kaba at pag-aalala nang makita na may sugat sya sa kanyang kamay. Maybe hindi naman ganun kasama si Sunny para pabayaan na lang ito sa ganoong kalagayan.



"Huwag mo ng kwestyunin si Sunny, hindi naman siguro masamang tumulong kahit na kaaway mo pa yung tao."



Humaba naman ang nguso nito. “Sa bagay, pero sana lang ma-appreciate naman nya kahit papano yung ginawa mong pagtulong. Tsaka alam mo yun, hindi ko din kasi talaga maintindihan kung bakit parang ang laki-laki ng problema nya satin, nadadamay pa tuloy si Sunny.” dagdag nito.



"Sunny, ayos ka lang ba, bakit parang namumutla ka?" tanong ko. Kanina ko pa kasi sya napapansin na wala sa kanyang sarili, tahimik lamang ito habang naglalakad. Mababakas din ang pamumutla ng kanyang mukha at labi.



Napaangat naman ito ng tingin at umiling. "Ah, wala 'to. Napagod lang siguro ako."



“Sigurado ka ba?”



“Oo. Sige na, ipagpatuloy nyo lang, nakikinig naman ako.” pagtango nito.



Wala nang inaksayang segundo si Chloe at agad itong bumira ng panibagong topic. "So ayun na nga, hindi ko pa din makalimutan, sayang talaga yung price kanina 'no? rare item pa naman yun tapos wala man lang nakakuha. Ang akala ko pa naman ay mananalo tayo o ang kahit isa satin." puno ng panghihinayang nitong sambit.



I am your Lionheart, Darling.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon